NORMAL BA SA ASAWA NYO NA MAKIPAG BIRUAN SA IBANG BABAE

MGA MAMSH ASK KO LANG PO YUNG OPINION NYO KUNG NORMAL LANG BA YUNG ASAWA NYO NAKIKIPAG BIRUAN SA IBA DIN NA MAY ASAWA NA. NAGTATAWAGAN NG BABY SA CHAT SA GC NILA TAPOS NAG BIBIRUAN PA NG MGA SWEET TALKS. NORMAL LANG PO BA YUN? SABI KASI NG ASAWA KO NG TTRIP LANG DAW SYA AT SABI NMN NG BABAE SINASAKYAN LANG DAW NYA?

281 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naalala ko tuloy yung kawork ng asawa ko chat ng chat yun sa asawa ko kung ano anong pinapakisuyo tulad ng load, food at last time pati nbi nya hay nako kaya sinabihan ko asawa ko na ayokong ginagawa syang utusan which is nakinig naman asawa ko kaya inignore nya nalang yung mga chat nung babae, aba last time galing kaming pedia sabe ng asawa ko daan daw kami dun sa girl at idrop nya susi ng office nila kasi maaga papasok si girl pag punta namin dun tinawagan sya ng asawa ko para sabihan na andun na kami sa labas, pag sagot ng tawag ni girl in her pinaka malanding boses sabe nya ba naman, san ka na ba? Malapit ka na? Imbis na mainis ako natawa ako sa totoo lang kasi ang trying hard nya kaya paguwi namin ng asawa ko sinabe ko sakanya na kadiri ka work nya napaka obvious na nilalandi sya sabe ng asawa ko ganun daw talaga si girl parang normal lang sakanya then sabe ko sa asawa ko so kung ganun ako mag act sa ibang lalake ok lang sayo? Saka nya lang din ata na realize na off nga ang attitude ni ate girl, ngyon isang malaking joke nalang between us yung kalandian ng kawork nya, take note may asawa din yun, eww talaga. Kaya mamsh tama yung ibang mommies kausapin mo yung asawa mo na uncomfortable ka at di mo gusto yung ginagawa nya, it's all about respect.

Magbasa pa

I don't know ah pero sa case ko hindi naman issue sa akin. Yung LIP ko kasi madaming kaibigang babae. Mas isa siyang kaibigan na tawagan nila By. Bago pa man kasi ako dumating sa buhay niya ayun na tawagan nila at close sila. Nagoopen up sakanya yung babae lalo na sa problema pero wala namang issue sakin kung naguusap sila at ganun tawagan. Meron pa siyang kaibigan na babae na pinupuntahan niya sa bahay. May asawa't anak na yun, pumupunta lang siya don para bumisita sa inaanak niya at makipag kamustahan sa mag-asawa dahil naging kaibigan nya nadin yung lalaki. Naging issue sakin nung una kong gaano siya kaclose sa mga kaibigan niyang babae pero nung nakikita kong open siya sakin, honest sa nagiging kausap niya, never naging iresponsable at alagang alaga niya yung relationship namin hindi na naging issue sakin lahat. Lahat ng kaibigan niyang babae close ko na din, never siyang nagfail ipakilala sakin lahat ng kaibigan nya at sobrang pinagyayabang niya ako sa mga kaibigan niya. 😊

Magbasa pa
4y ago

Ok lang un kung opem sya sayo at proven na wala ka nakikitang malisya..pero may times kasi na sa sobrang closeness ng mga lalaki sa iba..dun na nagsisimula

ndi normal Yun! hahaha kahit saan tingnan na anggulo. pamilyado sila pareho at may asawa pa, tpos baby pa ang tawagan? like duh! ano yan? ginagawa ka nilang uto uto in short sorry for the word. pero yun yungw nakikita ko sa ginagawa nila sayo. pwede makipg biruan pero in other way di tulad Nyan na baby? what if mabasa ng Asawa nung babae pag uusap nila? edi yari sila dba. kausapin mo asawa mo sis, kamo di magandang biro yun gnyan, may kanya knya na kamo silang buhay eh. saka pano kung mag kahulugan sila ng loob ng babae na tnatwag nyang baby? edi Wala na... Saka di mag ggnyan ang lalaki lalo na kung my asawa na , d bale na lng Kung Trip nya talaga yang babae na Yan sis.

Magbasa pa

If Hindi mo siya ganun nakilala.. and Nung mag bf gf Kayo ngayon lng niya ginawa, then not normal sis. May ka work(guy) Kasi ako n ganyan mag biro saming lahat at pinapatulan nmin biro. samin keber lng Kasi Alam nmin n biruan pero Kung maririnig Ng iba at malisyosa Pwede pag dudahan, may Asawa Yung ka work ko n guy.. at kilala nmin.since Alam Niya n ganun tlga Asawa Niya Hindi siya bothered.. minsan niloloko p nmin siya Kasi below the belt mag biro Yung kawork ko. Ini screenshot nmin tpos tinatakot nmin n isesend nmin sa asawa Niya.. loyal siya pero palabiro lng tlga.. never siya na tempt. N magloko. Hehe and love nmin siya dhil dun..

Magbasa pa

Issue q din to before sa asawa ko. Pero ung sa knia tawag ng babae e babes, one time nag comment s photo ng asawa ko ung babe, merong word na babes Then inask q asawa ko, ang explanation nia lahat dw sila tntwatag nung babae na babes at hndi lang sya. Ngayon naman sa work nia merong isang babae na panay biro sa asawa ko na mejo green. pero pansin q naman sa reply ng asawa q normal na chat lang, walang halong paglalandi. Pero pinagsbihan q parin asawa q kpg nakita ko pa na magmessage sya ng gnun e tlgng kkakausapin ko na ung girl. 😅 Ayun awa ng diyos wala naman na. Nadadaan naman po sa tamang usapan pra iwas away. 😍

Magbasa pa

ganyan din katwiran ng partner ko. biruan lang daw pero todo update sila sa isat isa kung ano na ginagawa. sobrang nakakahurt lang kase pag uuwi sya, nag a-update pala sya agad dun sa girl pati pagtapos nya kumain. tapos pag sinabi nung girl na di sya magchachat pag umiinom si LIP eh tumitigil sya pag aalak nya. samantalang pag ako nagpapatigil sakanya eh dedma lang sya. hindi ako naniniwala sa biruan na ganyan. kapag committed ka na, may limit na dapat sa pakikipagchat sa iba. Ayun, ang ending, hiniwalayan ko nalang si LIP kesa mastress pa ko. 34 weeks pregnant na ko ngayon at kinakaya ko naman.

Magbasa pa

Depende po yan mam kc ung asawa ko nag la live stream sa isang social media nakikipg biruan xa sa ibang babae sabi nya sakin strategy nya dw un pra maka hakot. Ng follower haha nakaka bwesit kaya lalo na my bastos . Sabi nya biro2 daw un. Aabi ko dami nag kaka inlaban sa biro sabi nya sus d nadaw xa bata pa para sa ganun kuntento na xa samin ng baby namin. Pero d tlga maiwasan nakakainis at nakakainsulto dba unang beses narinig ko xa sinapak ko tlga xa agad😂 ayun d na xa nakikipg usap sa babae pg meron mn nasa tabi nya naku pg meron ako narinig d maganda ay kurot agad! 😂 😂 😂

Magbasa pa

Hell no! Asawa ko wala friend na babae. Kapag nga may nakita aq sa fb niya na ndi niya pinsan, naku unfriend n yan agad, ako pa mismo gagawa. Lalo kung mga post na picture eh puro katawan. Ndi nman aq insecure kung katawan lang at ganda pero mas okey n ung cgurado. Thou ndi nman ganon asawa ko, paranoid lang aq minsan 🤣🤣🤣. Nanggigigil n nman aq kapag naalala ko mga napapanuod ko sa #raffytulfoinaction na mga kabit. Haaaay nako, sarap pagsasampalin, kalbuhin, sapakin, sabunutan at asinan ang pempem. Abnormal yan momsh, may asawa n nga at anak makikipaglandian pa.

Magbasa pa

ganyan din po partner ko, alam ko naman po na ganun sya nagugulat na nga lang po ako na may magchachat saken na hindi ko kilala tas sasabihin na niloloko lang ako ng boyfriend ko 😕 since hindi naman po kami live in ngayon natatakot po ako sa pwedeng mangyare, kaya kinakausap ko po agad sya kapag pinupuntahan nya ko after work, he make sure naman po na wala akong dapat ikaselos at ikatakot tas right after po eh iniiwasan na nya yung girl pero may times na nagdadoubt ako kasi taga sakanila yung girl hehe

Magbasa pa

kung ako Po tatanungin niyo. Hindi normal yun, sa tingin ko Parang nawawalan na nga gana si mister sa yo, wag kang maniwalang biruan at sinasakyan Lang ung trip ..my God sis, ganyan asawa ko noong Buntis ako madaming Kachat na babae, crush PA Tawagan nila ah, Nakikipag video call ganon, Hanggang Di na ako nakapagtimpi, Inaway ko siya ng Inaway, ngayon tumino na siya, Sana nga di na Maulit sakin yun ,pero pag inulit niya panloloko niya, sinisigurado Kong ni anino ng anak namin di niya makikita

Magbasa pa