Recommended diaper since pampers is phase out. :(

Nung bagong silang bb ko eq newborn nakuha ng mr ko. Okay naman sya sa bb ko hindi sya ni rashes. Nung nag 1month mahigit pina switch kuna sya sa small since dina kaya ng eq yung ihi ng bb ko malaging tinatagosan kaya anytime, nag papalit kami. Napansin ko ni rashesn siya. Sakto may oitment ako dito na zin oxide calmoseptine nilalagyan ko kada magpapalit kami ng diaper hindi talaga mawala wala nung bibili ako ng pampers na diaper wala kaming mahanapan late kuna nakita online nag phase out na pala. Any recommend na magandang quality na diaper hindi ni rarashes mga bb niyo. Thank you…

Recommended diaper since pampers is phase out. :(
60 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mih kapag too big ang diaper tumatagos din minsan. palit ng diaper every 3-4hrs mih. sa nicu every 3hrs yan or when feeding. maganda tlaga pampers or use mamypoko laging may sale sa shopee. eq or huggies okay din or any brand basta wag palampasin ng 4hrs. every change hugasan ng distilled water using cotton to make patak pero wag iwipe ang cotton sa butt area if wiwi lang dahil enough na ung water to clean. make sure na d malamig ang water lalo na kapag naka aircon, i make sure mag add onti na hot water para d mabigla si baby sa lamig. kapag poop dun ko gagamitan ng wet cotton balls to wipe the butt with distilled water pa rin, much better soaked sa water yung cotton para less friction. im using tiny buds cleansing splash as soap pag may poop and babanlawan ng distilled pa rin after. wipe muna ng cotton with water to get the poop, tapos pahiran ng wet cotton with cleansing splash and banlaw, patulo lang ng water using cotton. i use cotton burp cloth to dry the area pero dab or press gently until mag dry comletely. make sure it's not damp pagnaglagay ng diaper. pag d kaya ng soiled diaper icatch yung water while your doing this gamitan mo ng burp cloth or towel or pinaghubaran ni baby para d mabasa yung bed at likod ni baby. sensitive kasi masyado balat ng newborn. pls never use wipes lalo na sa butt area. kapag nacompromise ang skin barrier ni baby sa kakapunas dun na lalabas ang skin irritation. never nagkarashes si baby sa ganitong routine. pag maliligo mi wag gumamamit ng cloth or anything to scrub baby's skin, kamay mo lang gamitin mo. d nman marumi si baby para need pa iscrub. to treat the rashes drapolene cream mih para mabilis gumaling and for maintenance para d na bumalik lalo na sa gabi since minsan napapahaba tulog ni baby at d npapalitan apply a diaper cream like cycles sensitive. when in doubt ask your pedia mih

Magbasa pa

Huggies po. Tips lang din Mi baka sakali makatulong. Try niyo po patuyuin muna yung buong private area after mag wipe, nabasa ko lang po ito at natry ko na din. One time napansin ko mapula singit ng Baby Boy ko medyo tocino look ganon pero dipa ganon kalaki ung area na infected, nagpapabili na nga ako ng calmoseptine nataon lang na tamad bumili yung inuutusan ko kaya sinubukan kong gawin ito bago.iclose yung diaper at kada palit chinecheck ko talaga if completely dry na siya kasi before sige lang talaga ko wipe them sarado agad ng diaper dahil ayoko kakong maihian or whatsoever, at ayun nga eventually nung binago ko yung routine na yan hindi na siya lumala unti unti nabawasan at lumiit yung area na mapula hanggang tuluyan nang nawala, kaya di na need mag calmoseptine and Also huwag din daw po msyado madiin mag wipe ng private area. Sana po makatulong..

Magbasa pa
3w ago

wash and wipe ginagawa ko. nagmo moist trap kasi yan. if emergency di makapagwash, wipes then punasan ng tuyong malinis then diaper.

Hi Mi. Try mo po yung korean diaper na Sumikko. Halos ka quality po sya ng pampers. Hindi din po sya pricey, sa orange basket ko po sya nabili. 2 na babies ko na ang gumamit ng brand na yan, hindi po ni rashes. Planning to use that also for my 3rd baby. Nagkaka rashes lang bibi ko kapag may nakain sila na maasim tapos yung pupu nila acidic. Same din tayo ng pinapahid, calmoseptine. Pwede mo din po itry na kada palit ng diaper esp kapag may pupu si bibi wag lang wipes ang pamunas, maligamgam na water and bulak (yung hugas talaga) then pang wash mo ay Physiogel. Naalala ko kasi ang panganay ko maselan ang balat. Ayan nireseta ng pedia nya. Naging smooth balat nya at iwas dryness at rashes din. Try mo lang mi, kapag di umubra, iba iba din kasi skin type ng bibis. As a mama, we are always trying our best for our child.

Magbasa pa
4w ago

sumikko din gamit baby ko..mura pro quality..medyo manipis kaya d mainit sa pkiramdam n baby..pro d rin agad agad tumatagos

VIP Member

Sumikko mamii.. after 2 weeks na naubos ang unilove nya change ako agad ng iba se pricey sya. Girl ang baby ko and ang masasabe ko lang ay ok na ok ang diaper na yan plus ung uncented na wipes lng. Unilove pa rin nmn gamit ko kse my mga live minsan sa tiktok na naka sale. 180.00 5pcs na. Tapos wag mo muna close once makapag punas ka. Pahanginan mo lang konti pra matuyo ung excess water ng wipes. Sobrag sulit pa ng Sumikko. Kht maya't-maya ka magpalit ay hindi pa din nakapanghinayang kse mura and quality nmn ❤️. Hope it helps!

Magbasa pa

mam, kapag po nag rarashes ang ginawa ko po dati sa baby ko dahil sensitive sa diaper, warm water po ang pinapang linis ko po tapos nilalagyan ko po ng petroleum jelly. hindi po kasi natatanggal lang ng wipes or ng water lang yung bacteria na nag cacause ng rashes kaya advise ko po ay gumamit ng warm water at cotton balls. ganyan din po ang problem ko dati halos hindi ako makatulog, naglalagay na ako ng zinc oxide at every 1 hour nagpapalit, pero sa warm water pala ang bagsak ko.

Magbasa pa

Hi mommy, try mo po ang rascal and friends or applecrumby. super sensitive ng anak due to eczema whole body talaga affected sa kanya. yang 2 brands lang na yan ang umokey sa baby ko. never nagkarashes from newborn until now na almost 3yrs old na sya. note lang mommy na sa applecrumby, maliit ang sizes nila compared sa rascal based lang sa experience ko. adjust 1 size ako pag applecrumby bibilhin ko. hope makahelp to sayo. Godbless you and your baby 🙏

Magbasa pa

make sure dry muna ang area bago mag lagay ng ointment, i recommend RASHFREE meron sa mercury, yan prescribed ng pedia eversince sa anak ko, then mas maigi if cotton and just water ang gagamitin pang linis kay baby and not wipes. Palit din ng diaper if hindi hiyang. Rascal and friends super baby friendly. medyo pricey pero sure na maganda quality

Magbasa pa

baby ko po sumikko brand ok xa. d kc maiiwasan n magkaroon nyan super sensitive ng skin nila. tpos pag may onting rash or pammula plang nillagyan ko ng tiny buds na anti rash or calmosiptine pero onti lang sa ointment. bago ko xa suotan ng diaper. pinapatuyo ko muna gamit lampin taz ok nman d na lumalala ung rashes.

Magbasa pa

unilove yan gamit ng LO ko since nb siya. pinatry ko siya ng EQ nag rashes din siya kaya binalik ko ng unilove okay na ulit. ngayon naman na 2mos na siya pinapatry kona ulit siya ng ibang diaper like hanmac and kukumi okay naman hindi siya ganun ka pricey like unilove. hindi rin nag leleak ang wiwi and poops ☺️

Magbasa pa

Hi !!pag sa bahay lang kayo ni LO wash lang kayo warm water wag na mag wipes para mas fresh sa feelings nila iwas din sa UTI at rashes. try mo din yun kay tinybuds na cream for rashes change diaper ka lagi kahit 5hrs observe mo lang baka na over used lang si diaper try mo si makuku or unilove. ingat

Magbasa pa