May anak na pero hindi pa kasal

Sino dito ang may anak na pero di pa kasal sa partner nila?. May times ba na napag uusapan niyo na magpakasal? Or meron dito na ayaw ng kasal kahit okay naman ang relasyon?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meee. Mag dadalawa na anak namin and I don't feel like getting married yet. Everyday na yung pangungulit nya na magpakasal na kami. Mahal ko sya ha and mahal nya ko we know that to ourselves it's just that hndi lang dapat nasentro yung YES I DO sa inyo ng partner mo nandun din dapat yung opinion ng both sides of the family. Hndi dn kasi assurance yung "may anak na kami" so paano yan ma pa "lalayo na kami sa inyo k tnx bye". And I still doubt my self kung kaya ko na ba maging ina sa mga babies ko KUNG WALA NG TUTULONG SA AKIN PAG WALA NA AKO SA PUDER NG MAGULANG KO. Ang dami ko pang fear na dapat ma conquer and I want to be super mature when I raise another step to becoming a wife. Ayoko kasi gawin yung mistake na nakikita ko or naririnig ko kung saan saan kasi I know it will affect the kids. Nasa culture na kasi natin na once you're married kailan bumukod na and the help will be limited na. And sa pag dedecide kasi I consider din the factors na napag aawayan namin to come up with my answer. Ayun yung point ko lang naman tlga is MAGPAKASAL KA KUNG HANDA AT KAYA MO HINDI DAHIL MAY ANAK NA KAYO ganun napahaba lang hahaha

Magbasa pa
3y ago

buti nga sau nangungulit.

hmmmm. kami rin 2 na anak namin.. at di pa kami kasal... di ko rin alam kung ano mrramdaman ko... mas prio nya ang mga bata eh... halos lahat dpt bigay sa mga bata... prang nagfafade na din ang love ko para sakanya... para kong nagiging katulong.... iba na rin sya di na sya sweet gaya nong bf/gf palang... dahilan nya naman may mga anak na daw bat un pa lagi laman ng isip ko.. minsan nasabihan pa nga akong "yong pag iisip mo late ng 2 yrs sa pagiging magulang".... e ano gagawin ko don ko sya nagustuhan pero di pala sya ganon.. prang wala lang magkasama pero di ramdam ang isat isa...

Magbasa pa

Me and my boyfriend have a beautiful 9 month old son. I was 19 and a student when i found out i was pregnant. My parents always said na mag pakasal kami before i gave birth but we ultimately decided not to push through with it muna being na sobrang bata pa namin (he was 22). Ngayon nga na 9 months na si baby and mas okay kami as a couple we always threw wedding jokes and ideas to one another. Sinasabe namin na after mag one year old si baby, pwede na. Bc mas financially free na kami non. Hopefully mag work out. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Yes napag uusapan naman kaso di pa sa ngayom prio namen is si baby. Makakapag pakasal ka anytime nasa tamang timing lang.. Pero kung ako tatanungin mas gusto ko muna kilalanin namen ang isat isa malay mo diba may hidden attitude pa pala na di pinapakita tong asawa ko di madali pakong makakalayas. Hahahahaha ung nanay ko nga malalaki na kme nung nagpakasal sila at ang gusto daw nya sana di renew ang kasal para pag ayaw muna wag muna irenew. Para paso ang visa. Charot

Magbasa pa
6y ago

Ilang taon na po ba kayong magkasama ng partner mo sis?

Aq mommy, undecided pa til now. Parang gusto q na parang ayaw. Laki kasi age gap namin ni LIP at nagwoworry aq baka makahanap pa sya kasing edad nia taz matatali sya sakin taz iiwanan nia din kami after although wala naman sya ginagawa para magduda aq praning lang aq ganun. Pero super happy kami pareho sa relationship namin. Aq lang talaga ang magulo 😂😂😂

Magbasa pa

kami ng partner ko 9months si baby, na pag uusapan kaso in process ung annulment nila ng dati nyang asawa. ayos naman kami ng ex nya pati ng mga bata. i help na maka ipon sila ng pang annual, 200k din un, pero wala naman akong hinanakit. as i remember isa sa knila ang pumirma na pilit ang kasal. fix marriage sila. 18y.o and 19y.o sila nung kinasal.

Magbasa pa

May kakilala ko ayaw niya magpakasal dun sa babae kasi parang pinikot o wala nalang siyang nagawa kasi hawak siya sa leeg ng babae kasi nabuntis niya. Sinusustentuhan naman niya yung bata kasi alam niya may panakot si babae sa kanya. No Choice. Kaya mas maganda ring hindi kasal. Dun niya kasi nakilala ng lubusan yung ugali ng babae.

Magbasa pa
VIP Member

ako ayoko ng kasal. kasi katwiran ko, kung ok nmn ang relasyon nio nung partner mo at itinuturing ka nmang asawa eh bakit pa? oo basbas yan at papeles ang kasal, pero kasi hindi nmn assurance yan na hndi kau mghhiwalay at hndi magloloko ang isa sa inyo.. bsta ang lalake, kung gusto nian sayo, sayo lng yan ke kasal o hindi.

Magbasa pa

Me po. May anak na kami pero hindi pa kami kasal. Nag secret marriage kami sa civil pero hindi un valid kc hindi pinirmahan ng mayor. Gustong gusto q na maranasan ikasal pero hindi pa pwede. Lagi reason is naka petition sya sa u.s mas madali daw kc pag single sya.

VIP Member

Kami. 8yrs na kami magsasama pinag-iipunan na namin yung kasal kaso nabuntis ako kaya dito muna mapupunta yung inipon namin. Tsaka nauna kasi yung pagpundar namin ng bahay at lupa eh para atleast bagobkami makasal nakasettle na lahat