Mae profile icon
PlatinumPlatinum

Mae, Philippines

VIP Member

About Mae

Mumsy of Beautiful Baby Girl

My Orders
Posts(22)
Replies(690)
Articles(0)

Sign Ng Active Labor

Pano mo nga ba masasabi pag naglalabor kana.. Iba iba tayong mga nanay pano maglabor Pero iisa lang ang mararamdaman natin. SOBRANG SAKIN Masasabi mong active labor kana kapag! #0. Pag nakaramdam ka ng parang guhit na masakit or para may tumusok na parang hiniwang sakit (mabilisang sakit) at ito na ang mga susunod na mararamdaman ? #1. Ngalay ang balakang mo Ito ung parang may nakalambitin sa balakang mo na parang humihiwalay ung mga buto mo sa katawan mo. Meron pa pag full cm kana marririnig mo ung buto mo nag cacrack (thats true) #2. Pag naninigas tyan mo or humihilab Ito ung parang dika makahinga pag naninigas sya at super tigas din ng tyan mo. Hilab literal na humilab ang tyan #3. Iterval first 10mins after and hour 5mins pag ganto be ready na kasi pag oras na 2mins nalang ang interval ng sakit paparating na si baby. Para sa mga kaalaman ng mga magiging nanay natin. Pag nasa active labor na po kayo bawat makakafeel. Kayo ng hilab sabayan nyo ng squat para si baby tuloy tuloy sa pag baby at di sya maipit di nyo mafefeel sakit ng hita nyo dahil mas masakit pa dun ang hilab. Ang tamang pag bukaka squat na naka bukas ang hita. Humawak kayo pader or sa leeg ng mr nyo (charot) ? bawat sakit inhale exhale paulit ulit lang. Sabi ng ob ko pag nakakangiti pa wala pa daw un pero pag hindi na dahil sunod sunod na ung sakit un na daw palatandaan ? Nung naglabor ako alam na alam ko ??

Read more
 profile icon
Write a reply

POOPS

Common question ng mga nanay tungkol sa hindi pagdumi araw araw ng mga sanggol nila depende sa edad at kung purong gatas ng ina, mixed feeding at pure formula fed. Sagot: - ang mga sanggol na wala pang 6 weeks ang edad ay dapat araw araw ang pag dumi. (May mga sanggol na 5 weeks hindi nakakadumi ng ilan araw ok lang basta hindi sya fussy) -ang mga sanggol na 6 weeks pataas ang edad at exclusively breastfeeding ay normal lang na hindi araw araw ang pag dumi dahil ibig sabihin noon ay inaabsorb ng katawan nila ang lahat ng nutrients ng gatas ng ina walang tapon, basta hindi matigas ang tyan at iritable ok lang, dapat malambot ang tyan ng bata. -minsan umaabot ng ilan araw (e.g 3 araw, 1 week, 2 weeks, 30 days pinakamatagal) bago makadumi ang mga sanggol na gatas ng ina lang ang iniinom. -gawin ang “I LOVE YOU MASSAGE” at “BICYCLE EXERCISE” araw araw para ma stimulate ang tyan ito ay proven and effective. -frequent latching -check if proper latch -ang mga sanggol na mixed feeding at pure formula fed kahit 1 araw pa lang ang edad pataas ay dapat araw araw ang pag dumi, pag hindi nakadumi ng 1-2 araw magpa check up agad sa pedia. -ang mga sanggol na kumakain na ng solids simula 6 na buwan ay dapat araw araw ang pag dumi -pakainin ng fiber rich food gaya ng papaya, pineapple, sayote etc. -painumin ng tubig lagi -check mother’s diet rin, too much dairy products can cause allergy that can manifest as constipation to baby (e.g egg, cows milk, chocolates, seafood) ?Reminder: - Huwag gumamit ng suppository or cotton buds na may oil at kilitiin ang anus ng sanggol dahil ito ay nakaka trauma sa kanila at masakit pag sinundot ang pwet (hindi ito nakakatulong, kailangan iresolba ang issue kung bakit hindi nakakadumi ang bata hindi yun basta na lang pilitin dumumi ang bata kaya nilalagyan ng mga ganyan sa anus, nakadumi nga ang bata dahil may nilagay sa anus pero ang tanong naresolba ba ang main concern nyo kung bakit hindi sya nakakadumi ng ilan araw hindi ba hindi? Kaya ang point dito ay hanapin ang solution sa pinaka main issue para maresolba, ang paglagay ng kung anu ano ay parang bandaid lang panandaliang solusyon) Kaya hindi rin ito recommended dahil may mga sanggol na nagiging dependent na lang makakadumi lang sila kung may sinundot sa pwet or kiniliti at ayaw natin mangyari sa anak natin yan tama? -Dapat magpatingin sa breastfeeding advocate pedia kung nagawa na lahat pero hindi pa rin gumana. -ang isang breastfeeding advocate na pedia ay hindi magrerekomenda nang ganyan na solusyon para lang makadumi ang bata, may nirereseta sila na iinumin ng bata para pampalambot ng dumi. -ang mga pedia na nagrerekomenda ng suppository at cotton buds na may oil etc. ay hindi mga breastfeeding advocate na tunay kundi mga breastfeeding friendly lang sila. Ctto

Read more
POOPS
 profile icon
Write a reply