May anak na pero hindi pa kasal
Sino dito ang may anak na pero di pa kasal sa partner nila?. May times ba na napag uusapan niyo na magpakasal? Or meron dito na ayaw ng kasal kahit okay naman ang relasyon?

Meee. Mag dadalawa na anak namin and I don't feel like getting married yet. Everyday na yung pangungulit nya na magpakasal na kami. Mahal ko sya ha and mahal nya ko we know that to ourselves it's just that hndi lang dapat nasentro yung YES I DO sa inyo ng partner mo nandun din dapat yung opinion ng both sides of the family. Hndi dn kasi assurance yung "may anak na kami" so paano yan ma pa "lalayo na kami sa inyo k tnx bye". And I still doubt my self kung kaya ko na ba maging ina sa mga babies ko KUNG WALA NG TUTULONG SA AKIN PAG WALA NA AKO SA PUDER NG MAGULANG KO. Ang dami ko pang fear na dapat ma conquer and I want to be super mature when I raise another step to becoming a wife. Ayoko kasi gawin yung mistake na nakikita ko or naririnig ko kung saan saan kasi I know it will affect the kids. Nasa culture na kasi natin na once you're married kailan bumukod na and the help will be limited na. And sa pag dedecide kasi I consider din the factors na napag aawayan namin to come up with my answer. Ayun yung point ko lang naman tlga is MAGPAKASAL KA KUNG HANDA AT KAYA MO HINDI DAHIL MAY ANAK NA KAYO ganun napahaba lang hahaha
Magbasa pa