EX

Hello okay lang ba na hayaan ko ung asawa ko na nakasave pa din ung number ng EX nya sa new phone nya at ang nakalagay pa doon ung tawagan nila? Una, hinayaan ko sya nanakipagkita sya sa ex nya. So ngayon naman nakapagpalit na sya ng bagong phone ngayon ko lang nakita ung number na yun. Advice naman po pls!! Di ako makatulog kakaisip.

122 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku sis huwag mo hahayaan mga ex na iyan lalo na naka save pa number niya deleted muna kausapin muna ang hubby mo na iwasan ang lahat dahil walang patutunguhan ang ganyan buhay ma stress kapa mamsh! Ako ganyan ako before 2weeks ago nag chat ang ex ng partner ko hating gabi kinuha ko phone niya binasa ko kinabukasan mamsh kinausap ko hubby ko sabi ko huwag mo sirain ang relationship natin dahil sisirain ko ang buhay mo sisingilin ko ang buhay ko sayo ako kasi mamsh subrang bait ko di ako selosa pero pag nagalit ako sukdulan na kinagabihan nnman sabi ko pag dika nag bago gagapang ka sa lupa sa takot niya sa akin mamsh umiyak ang hubby ko takot na takot sa akin, kasi di siya sanay sa ganun na ugali ko, sabi ko pag umulit kpa sa kakareply sa ex mo pati ex mo sisingilin ko, mamsh payong sister ito, hanapin mo iyong weakness ng asawa mo iyong ba matatakot sayo pag mawala ka bawat tao may weakness iyan, sigurado mamsh pag nahanap mo matatakot iyan maki pag ugnayan sa ex niya! Huwag na huwag mo hahayaan ang ex kasi mag ka kilala na sila mamsh alam na nila kasi natikman na nila magagandang salita πŸ˜†

Magbasa pa

Syempre hindi. And your husband should know that. Kailangan malaman nya yung nararamdaman mo towards it. Hindi naman kawalan ng tiwala yung pagsasabi sa kanya na hindi comfortable sa ganong set up nila. Make hi realize, "Kung ikaw ba, malaman mo na nagkikita kami ng ex ko at nakakausap ko pa sya, nagugustohan mo ba?" You would have to let him know how you feel about it. Open communication is very important. And sa isang relationship, I think, kailangan laging peaceful yung mind mo over anything. Lalo na when it comes sa partner mo and talking about fidelity. You shouldn't be left alone over thinking about something na di ka sigurado kung may ginagawa ba sya o wala. Your heart should always and always be at peace. And to your question, kung okay lang ba na naka save pa rin yung number with endearment and nagkikita pa sila, NO. Because the question is, WHAT FOR?

Magbasa pa

Minsan talaga kahit Alam na natin na may mali we still need other people's opinion Kahit nagsusumigaw na sa harap natin ang katotohanan.. it's not okay mamsh, I know that you know that, cguro Hindi mo Lang Alam pano I address ung sitwasyon. Kausapin mo husband mo. Wala na silang reason para mag usap. Kung di nya kayang di sya nakikipag communicate sa ex nya it's not going to work out. Kailangan nya bitawan Ang Isa sa Inyo. Nasa sayo po kung gusto mong asawa mo pa ung kailangan mag desisyon Jan o may gut feel ka na na di na maayos Yan. You can leave him Kung sobra na.

Magbasa pa
VIP Member

A big NO!!!! Hndi pedeng magkaibigan pa rin sila ng ex nya mommy.. And mas lalong hndi dpat sila nagkikita. Wag mong hahayaan yun. Bilang magsawa karapatan nyo paagbawalan isat isa. Pero dpat kasi alam na yan ng asawa mo po e malaaki na sya alam nya na tama at mali. Haroooo.. Anyway, kausapin mo nlng dn po ng maayos, sabhn mo saknya nsasaktan ka. Wag mong komprontahin na galit ka at bka sa away lng mapunta. Pakatatag ka mommy. Mag masyado mastress para kay baby. Sabhn mo sa asawa mo.nraramdamaan nya para aware sya. Godbless po! Fighting! πŸ˜ŠπŸ˜‡

Magbasa pa

Case to case basis kung may anak sila pwedeng magkita basta kasama ka pero hind pwedeng nakasave ang number tapos tawagan pa nla ang nkalagay pwede nman name ng girl ang ilagay. Pero kung wala silang anak ateng hindi pwede yung ginagawa ng asawa mo naku ha parang ang lumalabas 3rd party kpa ngaun ikaw ang asawa kausapin mo yan tsaka ipakita mo n hindi ok sa kanya yung ginagawa mo kalokohan na magkikita sila ng ex tapos wla naman anak anung meron?!.

Magbasa pa

Im certain you know the answer to your question. Pero dahil nagtanong ka, sasagot pa din kami. At ang sagot ay HINDI. Its never ok to keep ahold of a past na pwedeng makasira sa relationship nyo. Talk to your husband about it. Tell him that it makes you uncomfortable and is hurting you as well. If di nya un maunawaan then clearly may problema sa asawa mo. And in the first place dapat alam nya un. Be sensitive enough to know na hindi un ok.

Magbasa pa

pucha di pwede saken yang ganyan nagkikita pa baka pasabuginko muka nong babae.. hahaha ilan beses kuna inaway yun dahil makati. tawag ng tawag sa jowa ko kong kelan iniwan sya tatanga tanga sya e. pinabayaan nya nong sila pa tas nong kame na saka sya mang gugulo. wag mo hayaan mamsh na nagkikita at may comunication pa sila ng jowa mo, ex na sya di na dapat umiEXsena pa! ganorn.

Magbasa pa

mommy una pa lang dapat hinde mo na hinayaan na makipagkita pa sya sa x nya para saan pa bakit kailangan pa nilang magkita eh asawa kana at pangalawa bakit nakalagay parin yung tawagan nila sa phone ng asawa mo..umpisa pa lang dapat hinde kana pumyag..tapos na sila at asawa kana kaya wala ng dahilan pa para mag usap at magkita sila..as a wife its a big NO..

Magbasa pa
VIP Member

Baka akala ng asawa mo por que pinagbigyan mo siyang makipagkita sa ex nya ay okay lamg din na ikeep nya number ng ex nya with endearment pa. Kausapin mo ang asawa mo, sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo bilang babae at asawa nya, kasi nakakawalang respeto yan kahit pa sabihin past na nya un at wala na lang para sa kanya. Magpakatotoo ka sa kanya.

Magbasa pa

Di po ko papayag.. Ex na nga po ee, past na.. ayoko kasi magkaron pa ng communication c hubby sa ex, sana ganun ka dn po kasi lam mo na panahon naun dami ng nagloloko at dami ndin ahas kahit na lam ng pamilyado na. kausapin mo c hubby mo konting respeto po sana sayo at sana lam nya ang tama at mali para na rin sa ikakaayos ng relasyon nyo.

Magbasa pa