Sad question

Mga mommies, Ano kayang gagawin ko para makalimutan n ng Asawa ko ung ex nya.? Sabi nya mahal nya ko pero Hndi ganun ung nakikita ko. Last time nagpost ako tungkol saknya dahil inopen ko nun messenger Tapos nabasa ko kchat nya ung ex nya. Kasal kami May anak kami 6mons old. Nagtitiis ako, gabi gabi umiiyak ako pero Hndi nya napapansin kasi busy sya sa laro nya ung pangalan nya sa nilalaro nya pangalan ng ex nya. ninanamnam ko ung sakit para pag dating ng araw n Kaya n nya sabihin sakin ung totoo Hndi n ko ganun masaktan, gusto ko ng tanggapin ng buo At maging civil Na lang sa relasyon namin. minsan humihiyaw ako sa banyo sa sakit, Tapos Lalabas ako n parang Ok lang ako. Kung di nya kayang kalimutan ung ex nya siguro dpat ako n Lang mag adjust 😔😔#advicepls #pleasehelp

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kausapin mo ng masinsinan asawa nyo po,.iopen mo sa kanya ang naramdaman mo para alam nya. po . maherap ang ganyan. sobrang sakit nyan. ganyan dn asawa ko .noon hnd nya makakalimutan kaagad ex nya .umabot pa ng taon bago sya nakalimot ng tuloyan,.pero dko sya iniwan araw2x ko pinaparamdam sa kanya kung gano ko sya kamahal .pero honest kc asawa ko. sinabi nya naman sakin na maherap tlga kalimutan ang ex lalo na kung mahal na mahal nya naman tlga, kaya ang nasabi ko noon hayaan ko syang makapag isip lalayo man ako pero hnd ibig sabihin na dko na sya mahal. dumistansya ako sa kanya,. hiwalay kami ng bahay. para tlga makapag isip sya and one day. gusto kuna lumayo ng tuloyan bigla sya dumatin.at yun sinabi nya na mahal nya pa ex nya pero mas hnd nya kakayanin na mawala ako sa buhay nya,. hinayaan ko .lang sya another day. pasko yun nagulat ako at pinakilala nya nalang ako bigla sa mga titas nya.at sinabi nyang .mahal nya ako. andami naming pag subok sa bubay noon. dalawang beses dn akong naagasan dahil sa kanya . pero wlang sumuko samin. gang sa naging masya na kami ngaun ng asawa ko at sa wakas 5 months pregy na rin ako , kaya sana mag open ka rin po sa asawa mo .at iparamdam na kahit anong mangyari dmo sya iiwan, kc one day maisip dn nya yan na naging gago pala sya sa panahon na nasaktan ka nya ng patago. 😊😊 gd bless po sana maging maayus na po buhay nyo mag asawa. hnd biro po kc ang ganyan .

Magbasa pa

hi mommy, i feel you. nangyari din sakin yan pero sinampolan ko ang asawa ko na lalayasan ko sya talaga. pinakita ko sakanya na kaya kahit kasal kami, lalayasan ko sya kasi hindi ako enough sakanya. kung di sya masaya sakin at ididisrespeto nya lang ako sa pakikipagusap sa mga kung sino sinong babaeng such as exes, pabayaan na lang din nya kong maging masaya sa buhay ko hanggat itutuloy nya gawain nyang ganun, lagi lang ako masasaktan at magiging emotionally unhealthy ako. may point pa na lagi kong sinusumbat sakanya yung pinakasalan nya ko kasi sya nuon yung may gustong gusto at ako chill chill lang sa buhay nun haha. after that incident, nagtino naman na sya. and after a month nalaman din namin na preggy ako. naging showy na sya sa pagmamahal at pagaalaga. mommy, wag mong ideprive yung sarili mo sa happiness. lahat tayo may karapatang maging maligaya. dapat marealize nya kung anong mawawala sakanya pag sumuko ka. lalo na at pamilya na kayo. goodluck mommy sana maging masaya din ang marriage nyo.

Magbasa pa

UPDATE : Magkasama pa din kami Ni Mister . hndi kami nag hiwalay. Pero ganun ba talaga mga mommies. nawawala pla ung love kapag pagod na pagod. ang masasabi KO Lang. pnakikisamahan KO sya Para Sa Anak namin. gusto KO Kasi Makita Ng Anak habang lumalaki sya may nanay at Tatay sya. kapag mature n C baby at Kaya na nyang intindihin ung sitwasyon Saka na KO bibitaw. Sa ngayon bumabawi C Mister , Pero nauubos tlaga ung pagmamahal. at nakakalungkot isipin na pag nawala ung tiwala at pagmamahal WALA na tlaga. masaya naman Ako ngayon . narealize KO na C baby Lang pla kukumpleto Ng pagkatao KO. ! 🥂

Magbasa pa
2y ago

gooo momsh..pkita mo sa mister mu di cya kwalan.. kc pag nakikita nla na independent ka, parang matatkot cla , kc alam nilang mabubuhay tayo na wala cla, kaya tudo effort yan.. un lang kaya natin mag tiis pro pag ngsawa na tayo, tlagang totaly zero talaga tayo

kausapin mo asawa mo mommy Baka mabaliw ka nyan sa subrang bigat ng nararamdaman mo dapat kasi wala na silang connection Gago din ng asawa mo parang walang utak di marunong mag isip at makiramdam tanongin mo din mommy kong ano mararamdaman nya kong ikaw na sa sitwasyon nya at sya sa sitwason mo. tanongin mo din kong kasal kayo at may anak para kasing nakalimotan nya na dahil sa kabobohan at kalandiAn. Pag pinag tangol pa nya ex nya or meron pang connection, Alam mona sagut mommy subrang mali na talaga yan. Laban lng mommy para sa anak mo Pray ka din God bless.

Magbasa pa

qng mhl pa nya x nya bkt ka nagpakasal sa knya at bkt pinakasalan k nya??masakit ung magpakamarter sa taong mhl mo qng alm mo sa sarili mo na iba nmn mhl nya,,masakit mahirap mag let go qng mhl mo sya pro qng aq sau focus k nlng sa baby nyo,ung love at care mo sa asawa mo ibigay u nlng sa anak u kesa araw arw k nmn nasasaktan dhl sa knya,mahalin mo rin sarili mo mommy kc anjn pa anak mo n kht kelan d k nya ipagpapalit sa kht na knino man.kausapin mo sya hnd ung patago kng nasasaktan dhl sa ang akala mo mhl p nya x nya pra alm mo qng ano sunod mong hakbang

Magbasa pa

You need to talk to him po, mommy. Wag mo sarilihin, you are married, dapat nako-communicate nyo po yung mga ganyang bagay instead na tinitiis nyong nasasaktan kayo. Depende naman po yan sa situation, kung kinakailangan, tingnan nyo po kung mayroong free/affordable marriage counseling sa inyo, or mag-inquire po kayo sa church if you're open to that. Hindi lang po kayo ang dapat na may gawin para dyan, he needs to move on po. Nakakapagtaka lang po na paano at bakit kayo nakasal kung hindi pa pala sya nakakamove on. Sana po masolusyonan nyo nang maayos.

Magbasa pa

Kausapin mo ang asawa mo mommy, kung ano ba talaga ang gusto niya mangyari sa buhay niyo at sa anak niyo.. Hindi mo pwedeng tanggapin lang lahat ng mga ginagawa niya sa inyo.. Dapat meron siyang plano para sa inyo kasi kasal at meron kayong anak.. Ngayon, kung mahal niya pa rin ang ex niya at hindi niya kayo kayang panindigan na kayo lang siguro it's time na you set him free or maybe bigyan mo siya ng ultimatum.. Hindi ko alam mommy pero alam ko masakit ang nararamdaman mo.. Focus on loving sa baby mo, stay strong mommy!

Magbasa pa
VIP Member

Usap kau mamshie hindi pwedeng ikimkim mo yan mas nakikita nya na ganyan ka akala nya tama pa ginagawa nya and para alam ko din ung side nya. Hay mga games na yan kaka phobia nangyari kasi yan sa brother ko akala namin lahat GAMES lang literal hinayaan namin kasi kesyo un lang ung stress reliver nya pero ilang months lumipas nahuli ng partner nya may ka flirt na🤦🏼‍♀️ kaya sa panahon ngaun kung kaya pa na pigilan pigilan na habang maaga pa.

Magbasa pa
VIP Member

Ang llaki kc sis minsan prang nd nkkramdam gng nd mo ssbhin, kya kailngn mong iopen sknya yan at kht ano png nrrmdmn mo. Ngpksal kaung dlwa nd lng ikw kya kailngn nyong iworkout un. Ang love nmn nd agad nkkuha un kung skli n bgo plng kau, naeearn un sa pgssma nyo. Sna ay mgkron ka ng lks ng loob sis pggnyan kc never mgging okay ang marriage nyo mgging worst pa.

Magbasa pa
TapFluencer

alam ko po gaano kasakit yan, since kasal kayo mas masakit po talaga lalo na may newborn baby. mas okay po sana kausapin niyo siya at dapat na itigil na niya ang communication sa ex, wag ka papayag na ginaganiyan ka. dun naman sa babae, may mga ganiyan talagang makapal ang mukha at walang konsensiya, karma nalang katapat niya.

Magbasa pa
Related Articles