Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?

Parents, kasama mo ba ang mga biyenan mo sa iisang bahay? Kumusta ang relationship niyo, so far?

Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?
131 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag naka-vacation asawa ko dumadalaw kami sa mga magulang nya, nag-iistay kami for 2 weeks or 1 week. Yung in laws ko na babae pag kinakausap ko laging galit or should I say laging nakasigaw kahit bigyan ko ng pagkain ayaw nya. Pregnant ako ngayon sa first baby namin ng asawa ko one day natutulog ako ang ginawa ng biyanan ko kinalampag nya yung bintana ng kwarto namin, as a pregnant hindi ko mapigilan antok ko. Ang masakit pa doon hindi nya man lang ako kausapin about sa pinagbubuntis ko. Iba pa din talaga yung may sarili kang bahay.

Magbasa pa
VIP Member

Depende sa klase ng biyenan po. Okay sya in terms na may pwedeng tumingin sa anak mo pag busy kayo mag asawa sa work . Pero for me mas ideal na bumukod kayo mag asawa. Kesa may kasama na kahit sino sa magulang niyo. Para yung decisions niyo walang nakikialam at pag may pinatalunan kayo or what. Kayo lang nakakaalam at mag reresolve. And panget kasi kung may kampihan magaganap. At isa pa ung magmumukha ka masama sa paningin nila. Plus ung ang hirap kumilos kasi alam mong may mga mata nakatingin sayo.

Magbasa pa

sa akin hindi...kasi gusto ko mawala ang pagka Mama's boy ng hubby ko..saka mahirap din na kahit sabihin mo mabait biyenan,meron at meron pa rin siya masasabing hindi maganda sayo...hindi ka makakilos sa gusto mo...kumbaga bawat galaw mo de numero..

3y ago

depende, sakin okay lng dito Kami naka tira sa bahay.. since busy parents ko ung byenan ko ung pumunta dito pra mag alaga sa baby, parents ko+husband+ byenan sa 1 bahay okay lng nmn as of now mabait Kasi parents ko in terms of money wala nmn problem, mas nakaka ipon Kami ung kotse ko help din parents ko magbayad.

Probably it's a big no! once u start raising a family dapat magbukod but if u had no choice, need talaga magtiis🤭 it's my current situation right now, we're residing together with my mother/father-in-law(only) since wala pang budget pampagawa ng sariling bahay. speaking of, noong d pa kami kinakasal ni hubby okay naman samahan namin ni mil sabi ko nga"napakaswerte ko" pero sa takbo ng panahon my mga nakikita akong ugali na hindi ko nagugustuhan.

Magbasa pa

so true mahirap magsama sa bahay ang biyanan ung biyanan ko upod paman din ng kaplastikan gusto pa ng biyanan ko sila ang magdesisyon samin mag asawa ....simpre di naman ako pumapayag kapag ganon sinasabi ko kami mag-asawa kami dapat magdidisesyon kahit ang asawa kopa man din ang gumagastos sa pangangailangan dito sa bahay lahat un sya lang inaasahan tapos pagnakatalikod ako tsaka sya magsasabi ng kong ano- ano mga sobrasobrang salita

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang naman na bumisita sila o kami ang bumisita, mabait sila, lagi nag ooffer ng help pero ayaw namin mag asawa na dumedepende kami kahit kanino. Lagi namin iniisip na bumuo kami ng pamilya kaya dapat panindigan namin dalawa yung inumpisahan namin. So far, okay naman, responsable kami sa bills, natuto magbudget, naging independent, nagkaron ng sariling desisyon. Mararamdaman mo talaga yung growth ng isa't isa.

Magbasa pa

ilang beses ko kinoconvince ang asawa ko dati na bumukod na dahil di ako masaya pag umuuwi ako ng bahay galing work. ang bigat sa pakiramdam dahil nakatira kami sa bahay nila kasama ang mama nya. kaso ayaw ni asawa e., ang ending ako ang umalis. ayoko talaga dun walang peace of mind. di ako makagalaw ng free. di ko ramdam na mag asawa kami. kasi bawal ako magalit mag busit bawal iexpress ang lahat hay. i hate it hahahahaha

Magbasa pa

okay lang naman ung mil ko ung bunsong kapatid lang ni hubby ang nakakabwisit hahaha napakaisip bata 21 nA pero di marunong magligpit nahuhuli kumain pero hinahayaan ung lamesa na makalat. wala ding pagpapahalaga sa gamit ung motor ni hubby di man lang niya linisan eh siya tong lagi gumagamit may oras magselpon at magpaligo sa mga aso nyang basurero ung motor namin di man lang nya linisan. kesyo di nya pundar sarap kutusan

Magbasa pa

okay lang sana pero minsan siya din yun rason kung bakit nag aaway ang mag asawa kasi nakikialam siya. Saka walang privacy, kung gusto pumasok ng kwarto papasok. E nakikitira ka lang wala kang karapatan mag reklamo. Gustong gusto ko na bumukod 2 yrs lampas nako nakikisama sa mga in laws ko. 🥺 Ilang beses nako nagmakaawa sa asawa ko na bumukod na kami pero wala 🥺 still wala siyang ginagawa. Hays

Magbasa pa

For me gusto ko sana bumukod kaya lng ayaw ng hubby ko. Mahihirapan daw kami pag kami lng, panu malalaman kung di susubukan di ba? Tsaka mas okay talaga bumukod walang magbabantay ng galaw mu. Walang sisita sayo, hawak mu oras mu. Sa pagpapalaki din ng anak walang makikisali sa inyo ng hubby mu. Pero okay na rin na palagyan ng 2nd floor tong bahay atleast doon may privacy kami. Sana lng matupad.

Magbasa pa