Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?

Parents, kasama mo ba ang mga biyenan mo sa iisang bahay? Kumusta ang relationship niyo, so far?

Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?
129 Replies
Magsulat ng reply

for me no po. kasi diba sa kaharian isa lang dapat ang hari at reyna.. how can we decide on our own kung ksama nmin ang nanay at tatay nya sa bahay? tsaka feeling ko pag andito yung inlaws ko maietsapwera na kami ng anak ko.. isa pa ayoko ng may nagdidikta sakin. lalo na when it comes to my baby.. anak ko to ako dapat masunod. and kilala ko kasi cla.. alam ko na pag malapit kami sa knla c hubby na naman ang oobligahin nilang mgbigay ng mgbigay ng pera sa kanila. at kawawa lang baby ko. kea i want to be far from them. kht kapitbahay cla ayoko p dn.. 13yrs ko inantay c hubby kc sv ng nanay nya sakin ng nakaharap yung mga kamaganak nila na hindi dw pwd mgasawa yung anak nya hnggat hnd p nkkatapos sa pagaaaral yung mga kapatid nya. at bubuhayin p dw cla. in my face diba. with a capital HINDI PWEDE. kaya cmula non hnd ko n tlg cla gsto. mahal ko lng tlg c hubby e.. pati nga yung anak ko sv ng MIL ko ky hubby wag daw bilhan ng bagong damit dahil bka masanay. e anong isusuot ng baby ko basahan? tpos sabay sabing patahian dw ni hubby ng mga polo yung mga pamangkin nya dun. wala nga pkialam ata yung mga yon samin. pag tumatawag at ngttxt pera lang ang laging cnsv. na mgpadala dw yung asawa ko. dba nkakasad? kea tlgang nwalan ako ng amor sa knla.. hnd kc gnun parents ko.

Magbasa pa

Sakin wala namang problema, nasa iisang bubong kami ng husband ko kasama in law's ko simula nung naglive in kami hanggang sa nagkababy kami, and til now sobrang bait pa din sakin ng in laws ko, lalo na si tita (mama nya) mahal na mahal kami ni baby, minsan niyayakap yakap din ako ng mom nya, lagi ako chinichismisan, minsan pag wala hubby ko pinagdadala nya ko ng food sa kwarto pati si tito, minsan sila ate (mga kapatid nya) , tapos lagi nilalambing ni tita si baby, sya pa nagiinsist na kesa kumuha ng nanny ni baby eh sya nalang daw mag alaga pag bumalik na ko sa work ko. Minsan si tita pa naglalaba ng damit namin pag di na kaya maglaba ng hubby ko kasi pagod sa work(never ako naglaba ng damit namin, asawa ko lagi, ayaw nya ko paglabahin, wala kasing tiwala sa laba ko hahaha), minsan sinasabihan ko na nga si tita na wag na labhan damit namin kasi pagod din sya, in return tumutulong ako sa gawaing bahay, lalo na sa pagluluto, favorite ni tito at tita pag ako nagluluto, madalas nagrerequest sila ng food na iluluto ko. Thankful din naman si tita kasi masipag din naman daw ako sa gawaing bahay at maasikaso kay baby at sa husband ko. 😊❤️

Magbasa pa

Right now we're living in my inlaws, okay naman nung umpisa sobrang maalaga mil ko eversince nung nag buntis ako but then nung lumabas na si baby, ayun daming ako naririnig na mga do's and dont's regarding sa pag aalaga kay baby, naiintindihan ko naman yung concern pero minsan nagiging OA nadin nakakawalang gana minsan kumilos pag pinapakialaman yung mga ginagawa mo para sa anak mo, tho madali lang naman makasundo yung mil ko, tamang pakikisama lang tlaga since no choice kami ni hubby dahil wala pa sapat na budget para mag bukod, but I know in God's perfect time lahat ng mga pagtitiis at hirap namin in terms of finances, since halos wala na matira sa sahod ng hubby ko dahil pinaako ng fil namin yung lahat ng bill kuryente at pati wifi as in walang naiipon. Di rin nila ako pinapayagan mag worksince bf mom ako, halos nag aadjust tlaga ako since im a ftm also kaya lahat ng nararanasan ko bago sakin. Much better tlaga bumukod, and I know darating kami dyan dahil marami pa kaming pangarap ni hubby na gustong tuparin i know ayaw nya rin ako nakitang nahihirapan and likewise. I'll just pray na soon magging okay nadin ang lahat. 💙

Magbasa pa

okay lang naman for the meantime. depende sa situation especially kung nagsisimula pa lang kayong mag asawa. (hal. buntis ka o kakapanganak mo lang lalo na kung first time mom ka pa, wala pa kayong ipon para magbukod) kaya lang sana wag masanay. and iwasan ang mga d pagkakaunawaan. well, kailangan talagang makisama kasi nakikitira ka lang sa byenan. swerte mo kung napakabait ng in laws mo. so far, ok naman ang relationship namin ng in laws ko. super ang babait nila. kaya lang, aabot ka talaga sa point na mapapagod kang makisama lalo na kung ikaw ay introvert person. minsan kasi wala ka ng privacy. feeling mo bawat galaw mo eh napapansin nila, kahit na mabait sila. iba pa din kapag nakabukod kayo. may kalayaan kayo ng asawa mo sa lahat ng bagay: sa pagdedesisyon sa pamilya ninyo, wala kayong pakikisamahan, sa pagbabudget ng finances, at lalong lalo na sa pagdidisiplina sa anak. nanjan ang magulang para gumabay satin. ❤️ in general, mas maganda pa din ang bumukod kayong mag asawa. mas lalo nyo maaappreciate ang mga magulang ninyo kapag naranasan nyo na ang tunay na pagpapamilya. 🙂

Magbasa pa

In my case first year nang marriage namin ni asawa nakabukod kami sa inlaws namin. kaso nung nagkapandemic at need nang asawa ko mag work sa malayo inampon ako nang inlaws ko kasi ayaw ni hubby at inlaws ko na solo akong mag rerent. Mag iisang taon na rin ako dito sakanila at masasabi kong napakabait nila as in ituturing ka nilang parang sariling anak at may pagka spoiled din kami. take note hndi ko po kasama asawa ko dito sa bahay nila kasi nag wowork sya sa malayo. Basta marunong kang makisama at syempre malinis ka sa bahay ay okay na mga in laws ko dun. BTW preggy ako 7months and FTM. Pareho kaming may work nang asawa ko at kahit papaano nag aabot kami monthly sa inlaws ko. Meron na rin kaming hinuhulugang bahay baka by next year makalipat na kami. Theres nothing wrong na makitira pansamantala sa ating mga in laws. basta make sure na yung goals ninyong mag asawa ay hndi maapektuhan at hndi tayo aasan lang sakanila. Kaya napaka palad ko kasi may inlaws akong katulad nila. 🥰

Magbasa pa
2mo ago

good for... your lucky cguro gusto k tlga nila pra sa anak nila. Hindi lng ung asawa mo ang may gusto sau lahat ng pamilya ng asawa mo cguro ganun dn sa side mo mo. Kung baga matagal na kau magkalilala ... i mean before you got married kilala kn sa kanila ganun dn si mister. So okay kau makitira sa biyanan mo. At un nga pansamantala nmn. kasi kadalasan bkit d kasundo si biyanan or d komportable kasama si biyanan sa iisang bahay. Una plng ayaw k nila pra sa anak nila kya d ka kasundo.

hindi nga kasama sa bahay pero nakikialam pa rin mil ko. Binigay nya na sa amin yung isang pinto ng apartment nila, tapos kapag magbabayadan na ng kuryente nagagalit kapag malaki (kahit nagbabayad naman kami) ,like less than 1k. Ano naman magagawa ko dun diba? hahaha . Dapat daw di na kami nagamit ng ref, tapos sunod sabi dapat daw di na kami nagamit ng washing (automatic) ihandwash ko nalang daw. Tapos wag na daw kami gumamit ng ricecooker. Jusko. Kung hindi lang mabait asawa ko baka nagtalk back na ko sa Mil ko. Sa Fil at sibs in law ko wala ako problema mabait sila yung Mil ko lang talaga, kahit tuloy nakikita ko sya naiinis ako. 😂

Magbasa pa
2mo ago

Lahat ng ways para makatipid ginagawa namin especially bago kaming kasal and nasa adjusting stage pa kami. Kapag sinasabihan kami ng mil ko naiiyak lang ako secretly (its my way siguro to release my frustration kesa naman masagot ko mil ko). And kagaya nung sinabihan nya ko na maghandwash nalang, ginawa ko yon kaya lang nagalit si hubby kasi masyado ko daw dinidibdib yung mga sinasabi ng mom nya.

VIP Member

Alam po ng Diyos na siyang "Founder Of Marriage" na magkaka problema kapag kasama ang biyenan sa iisang bubong. Kaya kung susundin po natin ang payo ng Bible, maiiwasan po natin ang problema na pwedeng bumangon sa gitna ng pamilya. '‘Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at mamumuhay kasama ng kaniyang asawang babae, at ang dalawa ay magiging isang laman’ Kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao"-Mateo 19:5,6

Magbasa pa

For me, mas okay pa rin na nakabukod talaga kayo. Kasi nga magagawa nyo lahat ng gusto nyo simula sa gusto niyong kainin hanggang sa pag-aalaga sa anak. Siyempre yung kilos mo parang laging binabantayan pati desisyon. Nakakairita pa minsan yung mga kapatid ng asawa ko, dahil nga sa bata ba parang hindi pa sila marunong makiramdam. Like mag 21 na pero isip bata pa rin. Minsam gusto ko na lang umuwi samin sa mother ko kasi dun naalagaan ako, hindi ako nalilipasan ng gutom. Thus, hindi mo rin naman pwedeng iasa lahat sa MIL mo baka may masabi pa.

Magbasa pa

For me hindi okay na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay. We're currently living with my parents... And sometimes kasi, makikialam 'yung mama ko sa amin ng partner ko... Pag may makita siya na mali para sa kanya kahit di naman big deal,eh sinasabihan niya ako... minsan nga, pag may misunderstanding kami ng partner ko, we talked it privately na kami lang kasi ayaw kong makialam ang family ko sa amin... And kaya nga puspusan ang paghahanap-buhay ng partner ko para matapos na 'yung munting bahay namin para meron naman kaming privacy...

Magbasa pa

Pag naka-vacation asawa ko dumadalaw kami sa mga magulang nya, nag-iistay kami for 2 weeks or 1 week. Yung in laws ko na babae pag kinakausap ko laging galit or should I say laging nakasigaw kahit bigyan ko ng pagkain ayaw nya. Pregnant ako ngayon sa first baby namin ng asawa ko one day natutulog ako ang ginawa ng biyanan ko kinalampag nya yung bintana ng kwarto namin, as a pregnant hindi ko mapigilan antok ko. Ang masakit pa doon hindi nya man lang ako kausapin about sa pinagbubuntis ko. Iba pa din talaga yung may sarili kang bahay.

Magbasa pa