Do you still remember...

Ano'ng first words ng asawa mo sa'yo? Paano siya nagpakilala sa'yo?

Do you still remember...
198 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Natatawa po ako sa meeting namin hanggang ngayon eh. Kasi nagpunta akong comp shop dahil naconfiscate cellphone ko ng mommy ko sa pagkacutting. Thru comp shop ako gumawa ng assignment ko, yung hubby ko tinimbrehan pala ng pinsan nya na nandon ako so dumating sya, yung katabi ko pinaalis nya putek. diko alam pero hate na hate ko talaga sya non jusq ayoko sa kanya. Nagffb ako, may nagchat sakin, sya yun, ayoko ng makulit kaya ibblock ko sana, pero nakasilip pala sya sa monitor ko, sabi nya "Sige subukan mo iblock yan. Ihahack ko account mo. Pang ilang gawang account ko na yan ah. Pakitingnan blocklist mo kung ilang made account ko na nablock mo" Ako naman si tanga tiningnan ko blocklist at ang dami na nga 🤣 sabi ko sa isip ko, "Gago sya pala to. Consistent" Hahaha imagine, 2ndyr HS summer nangyari to, nagsimula sya magchat sakin Grade 6 pa kami, bakasyonista lang ako sa cebu non, hometown ng mama ko nang magkagusto sya saken. Simula non loyal na sya at kahit na nauwi na kong samar, inaantay nya padin pala ako. 😭 Inadd nya ko ulit tapos tumayo sya lumapit sa likod ko inagaw mouse ko at inaccept sarili nya. Naiinis na daw syang di sya updated sakin eh di ako namamansin. "Pag inunfriend mo ko, pupunta ako sa inyo. harap harapan kitang liligawan" tangina natakot ako dun, sobrang strikto ng mommy at stepdad ko. That's when I was just 12 and he's 13. He fell in love with me when I am still 10, year 2008, Dec. Napakatagal nyang loyal. 😭 Ngayon I am 23 and he's 24, 10yrs na kami. 💖

Magbasa pa
2y ago

He greeted me, " Hi Miss," And I responded "Hi kuya" 🤣

VIP Member

Actually Di ko matandaan, Nagkakilala kasi kame sa Fastfood Chain , Bagong Employee ako Samantalang siya , Cooker na dun , Nilagay ako sa Kitchen Since nalaman na Marunong den ako magluto , Dun kame nagkakilala, Nagkukulitan ang master chef namen at ibang kitchen Staff dun, Kung sino man daw pumorma saken wag daw ako papaligaw nun, Wag daw makikinig sa mga Kasamahan Ko daw dun Na mga Chikboy. Pero Siya tahimik lang , Nakikitawa lang siya , minsan Na den siya Tinutukso lagi saken Since Tahimik Nga siya, pero kahit ganun Siya. Siya yung nagtuturo saken , saka Lagi naghehelp HAHAHAHA 🤣 Kakausapin lang ako Pag nakita niya napendingan na ko, Tulungan niya raw ako .. Hindi Man lang siya nagpakilala Or nag Hi! saken. 😌😌😌keya mako-consider kong, First word niya saken Yung "Ligawan kita" , ang Presko ng Dating saken Niyan keya Nabigla ako tas umayaw ako. May itsura naman siya, Pero di kasi un basehan ko, Nayabangan ako sa tanong niya Keya Di ko siya pinayagan manligaw, Pero nung napapansin niya na Umiiwas nako, Dun siya nagbago. Di na niya ko pinansin sa personal, Sa Fb Chat niya ko Dinaan 🤣 Dun Lumabad Yung Totoong siya, Makulit, Masaya den Kausap Then Dumating sa Point He ask na naman Kung pede , Keya pumayag na ko, that time naman kasi Aminado na ko, Gusto ko na den siya. Oh! Diba Nagkwento na ko. HAHAHAHAHAHAHA 🙈🤣 Sorry agad sa mga "Anonymous" jan na Bitter sa ganitong comment. I'm Just Sharing lang naman 🤭 Sarap Balikan Eh ☺️☺️ Since naalala ko lahat , bakit hindi ko ikwento diba.

Magbasa pa

Masyadong naging mabilis yung pangyayari hahaha pag naaalala ko natatawa ako. 3 years ago nung nagchat s'ya sa'kin, nagreply sa story ko sa facebook nung time na yun and since hindi ko naman sya kaclose or should I say hindi ako interested sa kanya, hindi ko pinansin. I thought it was for fun kasi sino ba namang lalaki ang naamin kaagad na crush ka kahit you barely know each other haha. Nung time na yon hindi ako interested sa kahit kanino since I was ghosted by my ex bf kaya nagbreak kami, I was enjoying my life and having fun back then, inom dito, inom doon, pasyal kung saan, though may katalking stage ako non ilan din sila but it was clear naman for them na ayoko muna sa mga commitment na yan ganan until unti unti rin kaming hindi nakakapag usap, at yung matyaga lang talaga sa lahat is yung hubby ko na ngayon, nung nagstart na sya manligaw inaasar pa ako ng family ko bakit parang chinese daw yung suitor ko, kasi tanghali sya nanliligaw unlike sa ibang lalaki na pahapon napunta sa bahay ganyan. Hindi naging mahirap yung pagkakakilala namin sa isa't isa since our fathers are close friend kaya pareho namang kampante mga parents namin and they want nga na kami ang magkatuluyan, and it happened haha. Maraming ups and downs,may break ups pero di nagtatagal ng ilang araw kasi yung pagsuyo nya di ka talaga titigilan kahit antok na antok ka na haha and now we have a baby pero consistent pa rin sya. Though minsan shunga shunga e hinahayaan ko na lang basta mahal nya kami ng anak namin. Hahahahaha yun lang.

Magbasa pa

"Can you do another lesson but in tagalog?" Siguro hindi man yan ang exact words pero ganyan yung ibig niyang sabihin. That time kasi nag aapply ako as SHS teacher sa isang school kung san siya nagtuturo. SHS Coordinator siya kaya siya yung nagsala sa mga bagong SHS teachers since kaka-introduce pa lang nun ng SHS. So ayun nga. Hirap kasi ako magpaliwanag nun in English kaya di niya masyadong naintindihan pero kaya naman daw pala nung nagtagalog ako. Partida pa, yung bagong lesson na yun, on the spot kong inisip 😂 Bwisit siya hahaha. Natanggap din naman ako nun. Alam ko may bf pa ko nung nag apply ako pero kinalaunan, naghiwalay din kami. At dahil open book ako sa mga coteachers ko (close kaming lahat eh. bakit ba? 😂), napansin nilang malungkot ako nung nagmeeting kami. Then after meeting, nagpabili si Coor ng cake to cheer me up daw. Aba'y ayun na nga dun na sila nang asar sa amin. 😂 Nung una, ayaw ko kasi ang sungit niya para sakin tapos sobrang professional ng datingan pero nung nagtagal, napansin ko na mabait naman pala siya, maaalalahanin, matulungin at makulit 😂. Hanggang sa ayun lalo pa nila kaming inaasar kasi may isang araw na pareho kaming naka pink long sleeves na polo haha basta kahit na anong mga simpleng bagay na gagawin niya para sakin eh ginagawa nilang pang aasar sakin. Lalo na kapag break or dinner after work, dun sila nang aasar sakin. Di kasi nila maasar si Coor kasi nga medyo may pagkamasungit haha. Ayaw niya kasing pahalata na gusto niya na ko nun hahaha.

Magbasa pa

2013 simula Nong Naging kami 19 years old ako noon at sya sabi nya sakin 24 years old sya pero yung to too 34 years old na sya noon uso kasi noon ang text m8 at keypad cp pa ang gamit ng karamihan Mg kasintahan kami simula 2013 hangang 2017 mgkalayo kami LDR nag tatrabaho ako noon sa tita ko sa starts. Maria bulacan at 2017 nag pasyal ako na umuwi na ng palawan Kaya nagkita kami ng txtm8 ko 😊 Nag pasyal at nag pa alam at namanhikan sya pg katapus I lang buwan na pag kasunduan ng Mga magulang nmin nag pa kumbera kami tradition kasi dto samin na ganun kumbera yung si a sabi tan kayo ng pera Tapos nag sama na kami bilang mg asawa 2018 nag ka roon kami ng anak Tapos 2021 nagpakasal kami Sa to too lang wala ko plano noon wala ako ideya na papayag ako mg pa asawa sakanya pero dahil narin sa kahihiyan ng magulang ko pumayag nlng ako kasi my parusa sa boyfriend ko kung mg kataon namamasyal sya sa bahay na dko kagustuhan Mabait nmn boyfriend ko Kahit may edad na 28 ako now sya nmn 42 yrs old na Maraming pagsubok na muntik na kami mg hiwalay pero alam ng diyos na kakayanin nmin kaya hangang ngyon kami padin 😊😊😊my 3 kids na kami yung pang 3rd baby nmin ngyon due date ko ngyong july

Magbasa pa

May event sa pinag oojthan ko na mag iinvite ka ng mga interested maging FA. Tapos invite sya ng friend ko na kasama ko as intern. Naintriga sya sakin kase nginingitian daw nya ko pero di ko sya pinapasin 😅. Hanggang ginagamit nya cp ng friend ko para imsg ako. Tapos hiningi nya fb and cp number ko sa friend ko. Nakakaloka lang. He's an accounting student tapos Info Management ako, pero nag tatanong sya ng sample ng thesis ko 😅. Natutunugan ko na sya na interested aya sakin kase pinipilit ko na magkaiba kami ng thesis dahil sobrang layo ng course namin. Tapos lagi na sya sumasama/ sumasabay samin kapag pupunta ng school. Since yung office namin e malapit sa pinag boboardingan nya. During that time nakikipag balikan ex ko with harrasment, and thankfully isa yung partner ko sa tumutulong para maiwasan ko yung ex ko hanggang nagka developan kami 😅. Fun fact lang, nung kami na, may nakita kaming picture with friends sa fb na nagkasama na pala kami sa isang intrams 😊. Gulat kami pareho. Dun ko din nalaman na nakikita na pala nya ko even before pa dahil sa mutual friends and naging kaklase ko din pala sya sa isang minor subject 😅.

Magbasa pa

Di ko na matandaan. Haha.😅 2012 pa kasi nung una kaming nagkita at nagkakilala ni hubby. Nanligaw siya, crush ko rin pero since wala pa akong 18y.o. that time, binasted ko. Hahaha! (Nag-18 ako nung November 2012). Pagdating ng January 2013, nagkita kami ulit, nanligaw, pagdating ng February, sinagot ko. First Boyfriend ko siya. First Love namin ang isa't-isa. Naging kami for 1 year and 5 months yata tapos naghiwalay. Nagkaroon kami ng kanya-kanyang partner. February 2020, muling nagcross yung path namin, nataon na pareho kaming single. Inaabangan lang pala ng mokong na maghiwalay kami ng naging 2nd boyfriend ko. Haha. Chinat ako. Naging friends. And after 6 years mula ng nagkahiwalay kami, nanligaw siya at muli kaming nagkabalikan. After 4 months mula nung sinagot ko siya ulit, nagpropose, at namanhikan sa family ko. And now, nagsisimula na kaming bumuo ng sarili naming family together. 6 months pregnant nako sa taong una kong minahal.♥️ Indeed, na FIRST LOVE NEVER DIES. That love is sweeter the second time around. At may plan at reason si Lord kung bakit nangyayari lahat.💚

Magbasa pa

we were always participating sa mga activity sa company. sa music sya sa sayaw naman ako. everyday n may practice kme lagi sila nanunuod ng band nila minsan sya lng dinadaldal ung choreo nmen. lagi din sya tumitingin sa station ko before at yung friend ko nagkagusto sa knya kasi akala nya sya ung tinitignan nya lagi. di nman kasi ko pala lingon din sa pligid pag nag wwork so i knew him as a someone n may gusto sa friend ko not until nalaman nya n may nag aaya mag coffee sakin which is kabanda nya at nag email sya agad sakin and said " wag ka na sumama dun, sakin k nlang sumabay mag break " wala kasi mga frenny ko that time puro absent and wala ko kasama sa break ko. after that lagi na sya nag aaya mag break khit nandyan ung mga friends ko. hinahatid n rin nya ko pauwi plagi after nun nlaman ko n di pala ung friend ko ung tinitignan nya kundi ako. lagi din nya ko inaaya umattend sa service ng church nila n ngging date n rin nmen.

Magbasa pa

ang sarap lang balikan ung mga araw na una kaming nagkakilala sa fb livestream ng mga movie sa comments lang hanggang ngkachat at ngkainlove an.. ng comment kc ako ng cnu pdng mahalin dian nasa liveatream kami nian ah 😅 may sumagot " ako pd mong mahalin " hanggang sa ngkaasaran na nasa abroad ako ng mga panahon na un at xa papaalis palang . hanggang sa ngkakwentuhan na thru messenger nagkakilanlan kami halos lahat magkasundo kami parehas kami ng gusto lalo na sa movie 🍿 ang panunuod ng mga movie ang most naging bonding namin nung kapwa kami nasa abroad hindi kami ng away tampuhan lang pero madalang until now na may 1st baby na kmi .. maraming pagsubok na dumating sa amin pero nalampasan nmn namin lahat kahit madalas LDR pdin kami share ko lng paanu kami ngkakilala at minahal ang isat isa pati ung first word nia sa akin🥰🥰🥰🥰

Magbasa pa

kababata ko siya 5 to 8 yrs old kami tapos after 20yrs nag communication 2019 nag start siya mag chat sakin pero di ko siya gano pinapansin kasi in relationship ako .tapos nitong 2022 nag chat kami ulit pero in relationship parin ako at siya rin pala meron pero nag kakalaboan na yung pariho kami LDR ako nasa 3yrs siya naman nasa 1yrs mahigpit at ayon nanga naging kami saka nanamin inamin sa isat isat na may bf pa ako at inamin din niya sakin na may gf siya noong kamina tapos nakipaghiwalay kami doon ldr after 1month relationship namin na buntis nako pareho kami masaya sa blessing na dumating kasi pariho na din namin gusto bumou nag family 🥰 ....sabi nag both relatives, friends ,family namin lumayo pa daw kami sa lugar namin eh kami lang din pala ....kaya naniniwala talaga ako kung kayo kayo talaga 😊 next yr plan namin mag pakasal

Magbasa pa