Hello po Mommies. Sino po dito ang nagpapainom ng chocolate milk kay baby? 14 months na po si Habibi ko. Gusto ko po sana siya bilhan ng supplement milk since gusto ko na siyang mag bottle feed. Masakit na po kasi yung pagdede niya kasi may tig dalawang ngipin na siya taas baba. Ayaw niya pong tigilan yung right boob ko kasi mas madaming gatas dun compare sa left at dahil po dun, nagkasugat na nipple ko. Sinubukan ko na po ang lactum, s26, nido at arla full cream milk pero ayaw po talaga ni Habibi. Nakakita po ako ng Lactum Chocolate for 1-3yrs old kaya gusto ko po sana malaman yung review niyo po sa Chocolate milk for 1 yr old. Thank you po. #lactum1to3 #chocolatemilkfor1yrold
Read moreHi Mommies. Yung baby ko po ay 4months na at napansin ko po na minsan tinatanggal niya yung dede sa bibig niya tapos babalik din. Ano po kaya meaning nun? Ibig sabihin po ba nun, wala siyang nakukuhang breastmilk? or dahil busog pa po siya? every 2 hours ko po siya pinapadede. Paulit ulit po kasi niyang ginagawa yun eh tapos kapag ganun po ginagawa niya, nililipat ko po siya sa kabilang side pero ganun pa rin ang gagawin niya. Di po kaya naglalaro na lang siya? TIA. #advicepls #firsttimemom
Read moreAdvice po for protection kay baby
Hello mommies. Ask ko lang po sana kayo for tips kung pano mabibigyan ng dagdag protection si baby. Nakuha ko na po kasi ang 1st dose ko ng vaccine nung Aug 21 tapos nagpapabreastfeed po ako. Sa tingin niyo po, nakakuha na po si baby sakin ng antibodies? Sapat na po kaya yun na protection? Ano pa po kaya pwede kong gawin para safe si baby kapag lalabas po kami para sa bakuna niya this Sept 15. Lagi po kasing napupurnada yung alis namin since nag ecq tapos pinag-quarantine kami kasi may nagpositive dito sa household namin. (Negative naman po kami at less po ang interaction namin sa nagpositive before pa po siya magpakita ng symptoms.) Thank you po sa sasagot. ☺️ #pleasehelp #advicepls #1stimemom
Read moreHello po mommies. I wanna ask po kung tama pagkakaintindi ko dito. For example po, nagpump ako today at 1pm, tapos nilagay ko agad sa ref, it will last up to 4days. Tapos kapag nilabas ko na po sa ref at nag-thaw kinabukasan ng 6pm, it will last until 10pm. Pero kapag uminom na po si baby ng mga 9pm, pwede pa po ba yun until 11pm? since sabi po, kapag nalawayan na, pwede pa po 2hrs after consumption. Please enlighten me. Thank you po. 😊 #1stimemom #pumpingjourney
Read moreHi Mommies. Ask ko lang po, baka may nakakaalam. 2months postpartum na po ako and cs ang delivery ko kay baby. Namimiss ko na po kasi dumapa. Yun kasi ang fave position ko kapag natutulog bago pa ko mabuntis. Ilang months po kaya bago ako pwede dumapa? Nagheal naman na po yung tahi ko. Hindi ko po kasi naitanong sa OB ko nung last check up ko. Thank you po sa sasagot ❤️ #advicepls #1stimemom
Read more