Ano ang isang bagay na na-experience nyo nung kabataan nyo na never nyo gusto na maranasan ng mga anak nyo ever?

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My parents separated when I was 7 years old. My youngest sibling was less than a year old then. Hindi ko pa fully naiintindihan ang mga nangyayari but I remember I was baffled when my mom took us over the roof to our neighbors house. During my parents' happy days, we would always play hide and seek. Minsan nagtatago kami ni mommy sa cabinet then surprise our dad. So nung napunta kami sa bubong, I didn't know sinusubukan na pala niya kaming itakas nun. As I grew up, I understood the situation little by little. I get hints and pinagdugtong dugtong ko. Until I was in highschool, my wish was for them to get back together, but to no avail. To make things short, this is what I don't want my kids to experience. It will be a scar forever in the mind and heart of a kid.

Magbasa pa

1. Ang mapalo o ma-punish ng sobra-sobra. I still remember nung Grade 6 ako na pumasok ako na puro pasa at latay ang likod dahil nawala ko ang payong sa school. Nasubukan ko mapalo ng sinturon, tingting, sanga ng kung anong puno sa malapit; lumuhod sa asin at monggo na naka-spread ang arms na may libro; matulog sa labas ng bahay; masampal dahil lampas 5 nakauwi - at madami pa 2. Ipahiya sa harap ng maraming tao kahit pa kamag-anak 3. Ma-bully sa school at walang mapagsabihan sa bahay 4. Maisip na hindi ko cya mahal dahil ngkulang ako attention at pag-aalaga Andami kong napagdaanan na ayoko ma-experience niya ngayon. Kaya I'm making all the sacrifices I make para ma-ensure na magiging mas maganda childhood memories niya.

Magbasa pa

Ayoko maranasan ng mga anak ko ung pinapahiya sa public kapag pinagagalitan. My dad used to this as early as 6 years old ako as far as I can remember. Bilang bata, at hindi ko pa maintindihan kung bakit kailangan gawin sakin un, I began to develop hatred for my father hanggang sa lumaki na ako. Natuto ako na sumagot sa kanya and I really wanted to stow away that time. Narealize ko lang na kaya ko naman pala tanggapin kahit ganun ginagawa ng tatay ko kasi he loved me so dearly naman. Sobrang protective lang sya kaya ganun, na minsan nakakagawa ng mga bagay na nkakasakit na din sakin.

Magbasa pa

My parents separated for few years. It was a double whammy for my mom as after the split, a customer run away with 200K-worth of jewelry she was selling. So she was forced to leave us and went abroad for two years to work and pay for that 200K with huge interests. It was really dark years for our family. But then, it was there where she met new friends who introduced Christian teachings to her. It was probably why she and my dad were able to fix their marriage upon her return. Praise GOD for that! Still, i would never want my daughters to undergo separation in our family.

Magbasa pa

Yung hindi naging open ang communication between me and my parents sa sobrang takot ko sa kanila. I would keep secrets from them even mga crush lang kasi bawal sa kanila yun. My parents would try to provide us everything they can, not just financially but pati ung quality time, wala akong masabi, The only problem is I couldn't be myself when I'm with them. I want my kids to grow up na ako ung una nilang pagkakatiwalaan at takbuhan whenever they problems, at hindi ung sa ibang tao ka pa lalapit just to share your sentiments.

Magbasa pa

Cguro yung being away with my parents , my dad is working as seaman ang si mama naman is in japan . I was raised by my grand parents and lumaki ako ng wala sila . Noong una masakit shempre kasi you want to experience the love of your biological parents . Although super thankful naman ako dahil di nagkulang ang lolo at lola sa pagpapalaki sa akin . Ngayon with my family ayoko maranasan ng mga anak kong lumaki ng wala kami kahit na anong mangyari Im making sure na magkasama kami palagi at buo .

Magbasa pa

ayokong maranasan ng anak ko na mainggit sa mga kaklase na nakakasama sa fieldtrip. ayoko maranasan nyang mainsecure dahil sa pagkakaroon ng sakit. ayokong maranasan/maramdaman na pinagdadamutan, pinagkakaisahan ng sariling pamilya. I want the best for my kiddo while appreciating the things we could provide for him. I have learned a lot from my childhood, enough to raise my kid as a good citizen and a loving son.

Magbasa pa

Yung mag work in a young age. Kasi when I was elementary, I need to work to continue my schooling kasi we are not financially supported by my father kahit nasa abroad xa. I experienced selling balot sa gabi, and selling palamig sa hapon, ung mag tutor din, plus maging tindera. Di ko na experience ung makipaglaro or makagala kasi I need to work. Ni hindi ko nga kilala mga kapitbahay ko kasi sa sobrang busy ko

Magbasa pa

Ayoko umabot sa point na magtatanim ng hatred ung mga anak ko dahil sa sobrang strict or napapagalitan ng husto. At an early age, I remember grabe din ang experience ko kasi andaming bawal sa bahay. Lagi akong natatakot kasi baka magalit ung dad ko na sobrang perfectionist. With my kids, I just let them be. Okay lang to commit mistakes basta they have to learn from it.

Magbasa pa

ayoko maranasan nang baby ko ngayun ang maagang mawalan nang magulang. kaya lagi ako nagdadasal na sana mahaba pa ang buhay namin nang papa nya. para magabayan ang paglaki nya.. ang hirap nang 13 years old pa lang ako wala nang magulang lahat nang pang aapi nang tito tita danas ko.sana mahaba pa buhay ko.. yung tipong makita ko pa maging apo ko.

Magbasa pa