Para sa'yo...

What's the biggest difference between DALAGA life and NANAY life? Ano'ng biggest changes na nangyari sa buhay mo?

Para sa'yo...
72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung dalaga ako ang gising ko lagi patanghali na , yung pagkagising mo cp agad hawak mo , yung kakain ka nalang , gagala ka kasama mga kaibigan mo , yung makakain mo mga gusto mo , makakapag ayos ka sa sarili mo talaga. Pero ngayong nanay na ako sa 2 kong baby kailangan gigising kana din ng maaga minsan nga nauuna na ung baby ko eh, yung puyat ka dati kakacp ngayon puyat ka dahil sa nagising sila o kailangan magpadede o palitan ng diaper dahil puno na , yung lagi ka nalang nasa bahay kasi kailangan matutukan sila ng maayos , gagala ka man hanggang tindahan nalang , yung mga favorite ko ng bilihin ngayon ung mga gamit nila mga laruan pati diaper at gatas masaya kana kpag madaming stocks , kakavahan ka lang pag alam mong paubos na mga needs nila .. Pero kahit ganun sobrang thankful ako kay god binigyan nya ako ng dalawang prinsipe sa buhay ko na habang buhay kong mamahalin at aalagaan . Mahirap man o Nakakapagod maging nanay pero hinding hindi ako susuko para sa kanila mahal ko sila higit pa sa buhay ko . ๐Ÿฅบโค

Magbasa pa
VIP Member

Before go go go lang pagmay nag aya. Ngayon laging di pwede kase may baby. Dati di ako maselan, ngayon super oa sa selan kase may baby. Pate sa food, dati hilig ko sa chips at chichirya, ngayon.. healthy living na kase kung anong nakikita ni baby ginagaya. Mas matipid na din ako ngayon. Yung mga importanteng importante lang talaga yung chinecheck out ko. 10x ko pa pag iisipan ๐Ÿ˜‚ dati every 2 weeks ang manicure at pedicure, ngayon solve na sa nail cutter na lang. Dati nakakapagparebond pa at salon for treatment, ngayon di na nga makapagsuklay ๐Ÿ˜… (hair fall is real) noon movie ang series marathon, ngayon.. cartoons maghapon ๐Ÿ˜… noon, solo ko ang bed, ngayon, kahit malaki ang kama, laging ang sikip sikip kase anlikot matulog ni baby. Pagliligo dati umaabot ako ng 1 hour sa cr, ngayon mabilisan lang madalas, minsan sabay pa kame ni baby maligo. Sobrang daming chances, pero mas happy pa din ako ngayon kase may baby na kame ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa
VIP Member

Dalaga life : unlimited gala, unlimited tulog, bili ng ganito bili ng ganyan. You have all the time in the world para maligo at magayos ng sarili mo. You make decisions just for yourself kasi wala pa nakadepende sayo. Nanay life: You woke up early and sleep late. You can go outside 1 hour will be the longest time. You take a bath as fast a s 3-5 minutes. You eat while breastfeeding your baby. You carry your baby while teaching your first born while cooking while having your laundry, MULTITASKING at its finest. Kahit may gusto ka bilihin para sayo ang ending di mo mabibili kasi para sa anak mo mabibili mo. You can't just easily say yes to your friends to go outside kasi you think about your kids. Before you make a decision you think about if it will affect your kids. You become self less. Your tired but your happy.

Magbasa pa

Dalaga Life: Priority ko was mostly myself and my partner. Yung lifestyle ko back then was unhealthy, laging nagpupuyat, gala ng gala hehe. Syempre pati ung sa money tulad nung expenses ko were mostly hindi pinagisipan, impulse buying. Lagi ako naka ayos at nakabihis! ๐Ÿ˜ Mom/Nanay Life: Priority ko na baby ko, my family and my husband. Health became an importance to us, most especially sa akin kasi gusto ko healthy ako para kay baby. Nag change kami ng lifestyle, healthy living na kami, no more puyat, drinking etc. Hehe tapos, we mostly stay home nalang. When it comes sa money, lahat pinagiisipan na talaga bago bilhin. May budgeting narin kami, lalo na ako! Naging matipid na ako sa sarili, puro kay baby mostly ang expense namin. Sa self ko naman, kubg dati rati bihis ako at nakaayos ngayon comfy na mga gusto ko at no make up look na. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ’›

Magbasa pa

DaLaga Life : puro trabaho Lang Naman Ako nun muLa Ng naggraduate Ako Ng high school ei. pero nakakagaLa Naman Ako pag day off ko . nabibiLi ko kung ano gusto ko . nakakapag bigay pako sa maguLang ko araw araw . nakakatuLog Ako Ng maaus . nakakapunta Ako kung saan saan. foodtrip din pag nkaLabas nako sa work ko. Saka marami along friends nun ๐Ÿ˜ Nanay Life : napakalaki Ng pinagbago . first Wala nako trabaho dto lang sa Bahay nag aaLaga Ng anak ko. LahaT Ng Gawain Bahay Ako gumagawa . pagLalaba gang sa pagLuluto. Hindi na makaaLis KC nga my baby nako. Hindi nako makabiLi Ng pansariLi ko. para ky baby nalang . Hindi narin Ako nakakapag abot sa maguLang ko . in short full time house wife and full time mom Ako Ngayon. Saka my friends pa naman Ako pero kaso Hindi ko siLa nkakasama ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

dalaga life_ lahat ng gusto ,magagawa mo, mararanasan mo LAHAT..paEasy-easy lang. Sama sa friends kung saan. Kain dito ,doon at punta kay jowa๐Ÿ˜… kpg Rest day. Nanay life_Super busy NA as-in super. yong tipong kinagisnan kong matulog ng maaga,ngayon u need to adjust everything โค๏ธ. Yong tipong magsisipilyo ka,ngayon dpat kasama mo na para turuan kung pano magsipilyo๐Ÿ˜…. LAHAT nagbago simula nung may dumating na Anghel sa buhay ko . Especially ngayon na magkakaroon na ng kapatid ang panganay ko ๐Ÿฅฐ. GOD IS GOOD ALL THE TIME โค๏ธ.

Magbasa pa

hindi ko na nagagawa ung mga nakasanayan kong gawin noon, like matulog nang mahaba, gumising sa oras na gusto ko, makapag ayos ng sarili, makapunta sa lugar na gusto ko mapuntahan kasama ang partner ko. Pero kahit ganon, I am trying to enjoy every changes na nangyayari sakin bilang isang panibagong nanay para sa anak ko. Kaligayahan at kabutihan nya na ang dapat kong unahin bago ang sarili ko. Although mahirap at totoong nakakapanibago at nakakamiss ang dating ako, mas masaya parin ngayon dahil nakikita kong okay ang anak ko.

Magbasa pa

DALAGA LIFE: Unli gala/travel, maligo sa falls' magbeach. hang out with friends, unli puyat, unli shoppe for my self luho ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜ NANAY LIFE: Unli puyatan, Unli saway sa kiddos. hahhaha stay at home nalang lage para magalaga ng mga kiddos. housewife is nakakapagod but worth it sa mga kiddos na nakakatanggal stress at pagod + responsableng asawa (not all the time๐Ÿ˜‚) siguro yung mga gastos ko sa sarili ko dati at ngayun ang biggest na pagkakaiba. natutung magbudget ng pera for family needs.

Magbasa pa
Super Mum

Nung dlaga pa ako puru travel lang naa isip ko. haha then hangout with frends, wlang problema.. nkakanood pa ng cne kain sa labas ngayon na nanay na, bntay bata na hahaha. then my direction na ung buhay daming plans.. daming mga goals sa buhay. priorities na.tlg mga needs ng mga bata.. wla ng tym sa sarili. or ung ME TIME na tntawag. but overall. being a mother is hard but worth it mxado.. kahit mhirap mas pipiliin mo pa rin ang gnitong sitwasyon.. yun lng ung hugot ko๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†

Magbasa pa

dalaga life: nakakatulog ng mahaba.. nakakagala kasama mga barkada or katrabaho nakakababad maligo nakakatamby sa labas ng matagal ng walang iniisip Nanay Life: maagang gumigising maganda na yung tulog mo nasa 1hr. pero malabong mag 1hr. tulog mo tulog mo nukuan 15mns. di n makakagala dahil may baby na di narin nakakaligo ng matagal pag pasok sa c r mabilisang ligo tapos na hahaha grabeng pagbabago madami akong natutunan bilang first timer mama

Magbasa pa