#GoAnonymous

What's your biggest regret in life?

#GoAnonymous
40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tatlo po talaga pinagsisisihan ko sa buhay. *Yung sa Papa ko po na masyado kameng bata nung mawala siya at di ko masyado nasasabi kung gaano ko siya kamahal at ka-thankful na andyan siya lage for us. *Sa Bunsong Kapatid kase po di pinigilan na sumama sa barkada kase kasama pinsan namin at ayun, nalunod siya and di nila sinabi agad samin. After 3 days pa nung malunod siya 😭 May kutob nako na masama nun pero inignore ko. at *Sa First Baby namin na pinagsisihan kong di ko nalaman agad na buntis ako tapos lage akong panggabi sa work then pagod at puyat kaya ayun, nakunan ako😔

Magbasa pa

nababahala ako sobra. parang pinagsisisihan kung nakilala ko kaLIP ko kasi may ex sya at kapapanganak nya din this year.. parang feeling ko nakasira ako nang pamilya. nagaway sila kasi na humantong sa nangealam na parents nang babae at nd na pinakinggan side nang lalaki. ngayon 7months preggy na ako. nakokonsensya ako. pano kung nd kami nagkakilala at nagkabalikan sila edi wala sanang broken family. malala kasi pinagawayan nila. sa kaLIP ko move on na sya dun pero bat ako tong nagiisip masyado😔

Magbasa pa
4y ago

ok update ko lang about sa comment ko na toh.. his mother call his ex gf. at sinabing wag nang maggulo sa amin nang anak nya and. nag agree naman si ex kasi alam nyang me asawa na ex nya. parang nabunutan ako nang tinik.

My first regret is loosing my soon to be babies. Cguro ndi ko masyado naalagaan sarili ko coz of work. But now I will do everything to keep my baby, maipanganak ko siya, masubaybayan paglaki niya, etc. My second regret in life is getting married too soon. Dream ko kc mabigyan ng comfortable life mga magulang ko. Pero kahit ngayong married aq, tutuparin ko prn wish ko for them. I just need a little time.

Magbasa pa

Yung time na napabayaan ko pag aaral ko & nawala saken yung scholarship ko. Though nakatapos naman ako kahit 2 yr course, siguro mas maganda yung buhay ko if di ko sinayang yung chance na binigay saken before..And also falling in love with the wrong person..

Yung napabayaan ko ang pamilya ko. Inuna ang kasiyahang pangsarili. Eto ung medyo bata pa ako at ang dami kong nagawang mali sa buhay na wala nman akong napala. Sana nuon pa man minahal ko na ang pamilya ko. Buti nlang binigyan pa ako ni Lord ng chance maayos ang buhay ko.

VIP Member

nung mdaling madali ako makatapos magaral para lang maka escape na sa ganoong buhay 😂 ngayon parang gusto ko nlng minsan bumalik sa pagging estudyante. mas mgaan pala ang ganoong pamumuhay. wala kang iisipin kundi magaral lang.

My biggest regret in life is hindi ko pinush ang sarili ko para maging independent, when I moved out of our house sobrang dami kong natutunan. Sa career as in zero kasi may pagka buhay prinsesa ako sa family ko, but things are different now. 😊 I'm learning and growing

meeting my daughter's father. mahal ko anak ko at sobra sobrang pasasalamat ko dumating sya sa buhay ko sa panahong walang direksyon ang buhay ko. gusto ko lang mabura ung memories ng father nya sa utak ko. 😔

Hindi ako nagipon muna bago magpakasal at naganak :( may ipon naman na ako pero di sapat. di ko rin inaakala na di ako makakapagwork habang buntis, maselan kasi :( ngayon stay at home ako kasama first and soon to be born 2nd child ko

Nung na-stop ako sa pag-aaral dahil mas inuna ko sila na makatulong at makapag hanap buhay. pero in the end, hindi man lang na-appreciate. 😆 walang utang na loob pa ako dahil mas ginusto ko nang magkapamilya at maging masaya.