Para sa'yo...

What's the biggest difference between DALAGA life and NANAY life? Ano'ng biggest changes na nangyari sa buhay mo?

Para sa'yo...
72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung dalaga ako ang gising ko lagi patanghali na , yung pagkagising mo cp agad hawak mo , yung kakain ka nalang , gagala ka kasama mga kaibigan mo , yung makakain mo mga gusto mo , makakapag ayos ka sa sarili mo talaga. Pero ngayong nanay na ako sa 2 kong baby kailangan gigising kana din ng maaga minsan nga nauuna na ung baby ko eh, yung puyat ka dati kakacp ngayon puyat ka dahil sa nagising sila o kailangan magpadede o palitan ng diaper dahil puno na , yung lagi ka nalang nasa bahay kasi kailangan matutukan sila ng maayos , gagala ka man hanggang tindahan nalang , yung mga favorite ko ng bilihin ngayon ung mga gamit nila mga laruan pati diaper at gatas masaya kana kpag madaming stocks , kakavahan ka lang pag alam mong paubos na mga needs nila .. Pero kahit ganun sobrang thankful ako kay god binigyan nya ako ng dalawang prinsipe sa buhay ko na habang buhay kong mamahalin at aalagaan . Mahirap man o Nakakapagod maging nanay pero hinding hindi ako susuko para sa kanila mahal ko sila higit pa sa buhay ko . 🥺❤

Magbasa pa