Jomarie Reyes profile icon
PlatinumPlatinum

Jomarie Reyes, Philippines

VIP Member

About Jomarie Reyes

IG : _themalditz ||jhompetzzjourney.blogspot.com

Posts(60)
Replies(625)
Articles(0)

Happy World Breastfeeding Month

Nung nalaman ko na buntis ako kay Sab, I told myself na ipupush ko ang pagiging breastfeeding mom since kay Zyd di ko nagawa,3 months ko lang na breastfed ang panganay ko. Kaya thankful ako na nabigyan ako ng chance na magawa yun kay Sab. Super hirap at di talaga biro ang maging isang breastfeeding mom. Andiyan yung minsan gusto mo ng umayaw o itigil na kasi ang hirap. Kulang ka sa tulog, wala kang ibang magagawa, di ka makaalis basta basta and yung pain lalo na pag teething na, hindi talaga biro. Kelangan talaga ng DEDEcation. Pero sa kabila ng hirap super worth it naman. Makita kong healthy and strong yung anak ko super laking fulfillment. Yung bond na meron kayo ng anak mo when you are breastfeeding super special. Yung moment na kayo lang dalawa, yung ikaw lang kelangan nya kahit minsan may mga times na feeling mo super drained and exhausted ka na pero pag lumapit na sya sayo para dumede isasantabi mo yun. Kaya saludo ako sa lahat ng mga mommies lalo na sa mga BF moms kasi alam kong hindi madali pero kinakaya natin para sa ikabubuti ng mga anak natin. Breastfeeding provide our kids the nutrition that they need while they are growing. Nurturing them not only their physical aspect but also on their emotional and mental aspect because of the bond that we built while feeding them🥰 "Happy World Breastfeeding Month🤱🏻" You can also join us building a BakuNation for the awareness of getting vaccinated and the vaccines that we need especially our kids. https://form.theasianparent.com/buildingabakunation #BuildingABakuNation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH

Read more
Happy World Breastfeeding Month
 profile icon
Write a reply

A letter for my kids.

To my dearest kids, How time flies so fast, I wonder where did it go. You two are starting to outgrown my arms. Sa tuwing pinagmamasdan ko kayo habang natutulog kayo, I can't help but be amazed kasi sabe ko, " Grabe! Di ako makapaniwala na galing kayo saken, pano ko kayo naianak😁" . Well that's how amazing God is. Lahat ng magagandang bagay na ginagawa Nya di mo talaga kayang isipin paano☺️ And yes mga anak, kayo yung isa sa pinakamagandang nangyare sa buhay ko. You two are my greatest blessings. Kayo yung dahilan bakit ako isang ina. Kayo yung dahilan bakit nakakaya kong gumising araw-araw at maging matatag sa bawat pagsubok na binabato saken ng buhay. Kayo yung dahilan bakit nagagawa kong maging masaya kahit ang hirap hirap na. Kayo yung dahilan kung bakit nagagawa ko yung mga bagay na di ko akalain kaya ko palang gawin. You know kids, I always pray that you two will grow with a kind, generous and humble heart. Dad and I will do our best to give you the life you two deserve. We always got your back kids. As your mom, I will do everything to keep you safe, healthy and happy. Kaya mula nung baby kayo sinigurado kong wala akong namissed out sa mga bakuna at check up nyo kasi I want you to be protected from any diseases. Ang sakit kasi sa loob makitang may sakit kayo. It tears me apart. Wala kong ibang gusto para sa inyo kundi makita kayong malusog at masaya. You two occupied the biggest space in my heart and in my life. May you always remember kids, that if this world turn its back on you, you can always come back to mommy, kasi kahit kelan hinding hindi ako tatalikod sa inyo, I will just be standing here watching the both you walking towards your dreams. Hindi ako mommy kung wala ang Zyd & Sab ko🥰 You two may outgrown my arms but you will never outgrown my heart. Mahal na mahal kayo ni mommy, always remember that!😘 Lablab, Mommy Tap on the link below to join us in building a BakuNation. https://form.theasianparent.com/buildingabakunation?utm_source=KOL&utm_medium=socials&utm_campaign=BakuNation&utm_term=contest&utm_content=Jomarie+Reyes @theasianparent_ph @viparentsph @sanofi.ph #BuildingABakuNation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH  

Read more
 profile icon
Write a reply