Bukol sa Mata
Hello po. tanong ko lang po kung meron sainyo naka experience ng ganto sa baby nyo. May bukol po kasi sa mata yung anak ko (3yrs old) di sya namumula, wala ding sugat. may bukol lang talaga. Worry po ako.
pwede pong kuliti pero rin po nung katulad ng sa anak ko noon. napansin kong parang namaga tas sumingkit yung mata niya tas tinignan ko ang ilalim ng mata niya. Yung white part ng eyeball sa may talukap, may bukol na pula at yellowish yung paligid. Di agad siya mapapansin kung hindi mo talaga titignang maige. Sabi nung opthalmologist, dahil daw sa paggamit ng gadget, nastrain yung mata. Di na daw matatanggal yun. Tas may nireseta na pampatak. Di ko na alam kung ano yun. Pero ngayon, okay naman na ang mata ng anak ko. Wala na yung bukol na namula. Bawas gadget time na rin for his safety.
Magbasa pakuliti po yan mommy, bacteria yan, iwasan mahawakan and puede mo sya e hot compress dampi-dampi lng. paarawan nyo anak nyo araw-araw sunrise to 9am 15-20 minutes at 12 ng tanghali 10-15 minutes 2 to 3 x a week kasi yun yung oras na pinaka mataas ang vit D na pino produce ng araw para lumakas immune system. wag nyo muna pakainin ng malalangsa katulad ng manok, itlog, patis, seafoods. puede kainin na isda ay yung may kaliskis lng tulad ng bangus.
Magbasa paHello miii , ganyan din sa baby ko 15 months old na po sia. Dati mapula Sia parang kagat ng cockroach Pero impossible nman Yun na makagat sia. Tapos almost 1 month nawala din yung bukol and pamumula sa mata niya. Pero ngayon worried na nman ako kasi bumalik na naman yung bukol Pero hndi Sia mapula. Hindi Sia halata pang nkadilat Sia prang wala lang. Pero pag nka pikit Sia . Mkakikita talaga yung bukol and nhahawakan .
Magbasa paPara siyang kuliti mommy, better check sa opthalmology doctor. Yun eldest ko kasi nun nagkoroon din ng bukol sa mata pinacheck ko sa optha dr and sabi niya kuliti and ito advise niya, apply Warm Compress 10 mins 3x a day over the inflammed area and nagbigay siya ointment na need ng rx ng dr bago mo siya mabili sa drugstore. Kaya better consult a doctor first.
Magbasa paHi mommy. If parang kuliti po sha and mejo swollen yung talukap sa mata…my little girl had the same concern last month. The pedia prescribed fucithalmic eye drops. Meron po nabibili sa mercury drug store. Pinapatak sa mata twice a day - paggising and bago matulog. Within less than a week wala na agad yung kuliti and pamamaga ng mata nya.
Magbasa paKuliti siguro momsh, yung may nana sa loob. Ginagawa ng mama ko dati tinatanggal niya gamit yung singsing. Ipapadaan niya habang hawak sa dulo yung singsing tapos yung kabilang dulo is para masungkit yung nana. Di ko lang alam kung applicable pa rin yan sa panahon ngayon.
Hello po, ano po ginamot nyo po sa bby nyo? Kasi ganito rn ang sa baby ko.
Hi po ask lang kung meron dito na katulad sa anak ko 3 yrs old na po siya , meron po kasi siyabg bukol sa mata . Di nmn po kuliti kasi di nmn siya namumula ,tapos singkit na siya ano po kayang pwede gawin para mawala . Natatakot kasi ako baka kung anong mangyare sa anak ko .
Para nga syang kuliti. Ako dati nagkakaroon din ng ganyan ngayon namana yta sa akin ng mga anak ko. 😁 Pro alam ko walang gamot sa kuliti dti ksi pinaoperahan yung akin pro wala din nngyari pabalik balik din sila. Kusa lng sila nawawala medyo matagal nga lang.
parang kuliti nga po
Green tea compress po. Ilagay sa maligamgam na tubig ang green tea tapos tapal nyo ilang minutes sa bukol kahit ilang beses hanggang mawala. Ganyan po kasi ginagawa ko sa anak ko. Nawawala naman sya.
Good evening momsh, tanong q lng kung ok na po ba yung bukol sa mata ng baby nyo? Sa anak q may tumubo din eh same case sila di namimula,wal ding sugat worried naq pero nahihirapan nmn aq mag pa check.up sa kanya due to Covid😥
hello momsh kumusta po anak niyo merun padin po ba ?
Excited to become a mum