Claire profile icon
PlatinumPlatinum

Claire, Philippines

Contributor

About Claire

Mum of 2 active little heart throb

My Orders
Posts(22)
Replies(50)
Articles(0)

Labor and Delivery 2 hours only

EDD june 20, 2020 DOD june 12, 2020 3.4 kls via NSD No stitches Thank god nakaraos na ko. Sobrang thank you talaga sa ating panginoon kasi hindi nya kami pinabayaan. 39 weeks and 1 day ako nanganak. At 37 weeks, 3cm nako and 70% effaced sobrang lambot daw. So akala ko manganganak nako the following days. Umabot ng 38 weeks, pag ie sakin 3cm pa din.. tapos bigla daw tumaas. (nawawalan ako pag asa manganak ng maaga, sa panganay at bunso ko kasi pag sinabing 3cm nko ilang araw lng nanganganak nko). so nag squat ako, lakad, kain spicy, mga inducing labor exercise sa youtube, primrose. para lang bumaba. pag balik ko ng june 11 (39 weeks) sa ob ko at pag ie 3-4cm pa din at 70% effaced. so nasstress nko, inofferan nya ko mag painduce na nung gabing yun. nagdadalawang isip ako, kasi sobrang sakit ng labor pag ininduce compare sa natural labor (experienced both). so nung gabi nag decide ako bumalik pero dami daw patient balik daw ako kinabukasan june 12. wala pa rin akong sakit na nararamdaman. no discharge as in wala. pag punta ko june 12, 2020 at 5pm ie ako, 5cm tas pinutok panubigan ko. di pa rin masakit. nilagyan ako dextrose may tinurok mga 5:30 pm nag simula na sumakit. pero kaya pa nmn. pinainom ako dalawang cap ng primrose tas may ininject sya ulit. ayan na sobrang sakit na. pinaupo ako sa birthing ball ng mga 30 mins. tas pinahiga nako left side. sobrang sakit as in di ko alam kung san kukumpara yung pain. nagpoop ako sa diaper ko. tas pinatihaya ako tas sinundot sundot ako para lumabas lahat ng poop (nkkhiya first time nangyare skin yun) tas pag tapos nya ko linisan pinag handa na tta ko ng mga gamit ni baby damit ganyan. tas narining ko sabi nya crowning na daw. sabi ko mabilis na to. sobrang sakit talaga. pero think positive lang. dumating na ob ko. pinabukaka nako.. tas pinaire. nauubusan ako lakas sa sakit. tinulungan na din ako nung dalawang mid wife itulak si baby para mabilis. ayun 6:57pm lumabas si baby, pag labas nya nagpupu agad sya. sabi ni doc, kaya pla ang bagal ng progress ng dilation ko kasi nakatihaya si baby. (normal is nkadapa) yung ganung cases daw pang cs daw yun. kasi di mkkahinga si baby kasi may buto sa taas. pero buti nkaya kong inormal.. sobrang thank god. sa mga may due date dyan na malapit na.. kaya nyo yan. tiwala lang kay god. walang imposible sknya.

Read more
Labor and Delivery 2 hours only
undefined profile icon
Write a reply