What Would You Do?

Nasa labas ka at gumagala or namimili somewhere, may biglang nakasiko ng tiyan mo at parang wala siyang pakialam, WHAT WOULD YOU DO? note: I'll be giving 100 bonus points to the best, most amusing answers.

What Would You Do?
55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ahahaha happen to me nasiko ako deadma sya ayun lumabas pagiging artista ko napaungol ng ahhh ahhh ahhh(xempre hawak hawak tyan ko) ang tyan ko ahhhh ang sakit so napalingon mga tao pati din yung naniko sa ingay ng bibig ko sabay tingin sa kanya siniko mo po tyan ko kuya busog po ako este buntis po ako si kuya parang nagtataka sinabi ako, turo ang sarili, ay uho ikaw nga. Ayon nagsorry binuhat yung dala ko na grocery hinatid pa ako sa sakayan ng taxi 😂🤣😂🤣😂🤣 PS: Mainitin ang ulo ng buntis aminin ahahaha kapag nasiko talaga ang tyan kukulo ang dugo mo. Wag denial sa mga di pa naexperience madaling sabihin na ganto ganyan pero kapag nasa sitwasyon na iba na talaga 🤣😂✌.

Magbasa pa

Lahat tayo nagkakamali maliit man o malaki kasalanan parin yun. Pero hindi maging dahilan ang isang maliit na pagkakamali ang pagrespeto at pag-intindi sa kapwa tao lalo na kung hindi naman sinasadya na masiko ang tiyan ng isang buntis.. Ang importante hindi mo inaalis sa sarili mo ang pag unawa , pag intindi , at pagrespeto sa taong nagkamali sayo☺️ Dahil sinadya man o hindi nakita yun ni Lord sa taas at syang bahalang magbigay karma sa taong gumawa nun kapag sinadya niya talaga. Wag mo lang alisin ang respeto mo sa kapwa tao. Dahil mas iingatan ka ni Lord kapag nakita niyang may ginawa kang tama☺️

Magbasa pa
VIP Member

Nangyare na saken to once. Sobrang nagmamadali yung babaeng teenager maglakad nasa Dept store kami. Hindi nya totally nasiko kundi nasanggi talaga ng kamay nya at malakas dahil sa sobrang pagmamadali nya. After nun,Dedma sya. Ni walang sorry at lingon lingon. 🤷‍♀️ Nainis ako nun pero makalipas ilang oras nakita ko ulit sya nagkasalubungan kami. Ayun nilapitan ko at kinausap ko. Sabi ko natatandaan mo ba ko? Nasanggi mo yung tiyan ko knina habang nagmamadali ka. Ni hindi ka man lang sorry. Sana next time ka mag stop ka at mag sorry ka. Hindi ko talaga kayang tiisin na di sya kausapin e.

Magbasa pa

It happened to me once nasa grocery ako, nakasalubong ko si Lola na nasa 60s na ata sya. Di nya siguro napansin na nasiko nya yun tyan ko. Di ko na sana papansinin kaso parang nagulat si baby sa tummy ko. Sakto huminto si nanay sa isang isle sabi ko Nay, nasiko nyo po yun tummy ko nagulat po su baby ko ☹️sabi ni nanay ay sorry anak di napansin ni nanay matandan na kasi sorry din baby sabay himas sa tummy ko, ayun nawala na yun pagkukulit ni baby at nawala na din yun inis ko. Kelangan mo din mag step up pag naiinis or nadismaya ka diba? 😊

Magbasa pa

pero seryoso, akisidente man o hindi ang pagka siko sa tyan ko, kakausapin ko talaga ng mahinahon, kylangan mo talaga kunin attention nila at kausapin para aware sila sa actions nila na he/she should be extra careful. sincere lang na sorry is enough for me, mas mapapanatag kasi loob ko na nasabi ko yung nararamdaman ko na nasaktan ako at si baby, wala naman akong ibang inexpext na gawin nya, basta lang mag sorry sya then ALL IS WELL❤ dahil pag laki din ng anak ko gusto ko rin sya maging forgiving person so you need to be a good example😘

Magbasa pa
VIP Member

Kung accidentally man or di naman ganon kalakas hahayaan ko nalang. But if ever man na malakas ung pagkakasiko niya and parang aware rin siya mas ok na iconfront ko siya personally but in a nice a way. Para naman maging aware siya sa mga actions na ginagawa niya and para di narin maulit in the future. Kung humingi naman siya nang tawad and nakita mo.naman na sincere siya sa sorry niya papatawarin ko siya. Communication is the key mas ok nalang rin yun kesa naman gumanti karin sa ginawa niya sayo. Pwede pa magcause nang gulo or away.

Magbasa pa

depende sa sitwasyon po. hehe pero sasabihin ko sa kanya na dahan.x. lng po, tingin.x din sa dinadaanan o sa taong madaan baka makasakit po kayo. "Dili raba jud lalim magama og bata" at love ko baby ko inilagaan ko ito ng mabuti kahit nasa tyan ko pa lang. Sana maintindihan mo kung magagalit ako sayo. lalong lalo na kung wala kang paki.alam sa nagawa mong mali baka ipa DDS kita. hehe pero in reality po base on my character and personality parang sasabihin kulang "Aray" tpos parang pusa na kawawa yung mukha. hehe

Magbasa pa

curo una maiinis ka kasi hindi sya nag sorry, pero iicpin mo nalng. pag pinatulan. ko yan at inaaway. wla namn mangyayari mas lalo kalang maiinis kaya hayaan nlang pag dasal nalng na sana hindi na nya magawa yun kung sino pang buntis na makakasabay nya, for me cguro in public place mnsan d maiiwasan kaya tau mga buntis mas lalo taung mag iingat lalo sa mga crowded area

Magbasa pa

Nung buntis ako palagi nasisiko tiyan ko tuwing naglalakad nagcocommute or kahit nasaan ako. Binabangga bangga pa nga ako eh 😅 hindi kasi halata na buntis ako eh sa liit ng tiyan ko kahit 9mos na. Kahit sabihin ko ng malumanay na dahan dahan lang po kasi buntis po ako eh, sila pa galit at sinungaling raw ako dahil hindi naman raw ako buntis hahahaha

Magbasa pa

depende sa pagka bangga, pag di naman sinasadya ok lang, pero yung nakita nya na na buntis ako🙄 or busy sa pakikipagharutan or chikahan tas babanggain ako🙄 tinititigan ko talaga ng masama, tas sasabhin ko " aray, tignan mo naman yung dinadaanan mo, ipapahospital mo ba ako pag bgla akong dinugo dito"

Magbasa pa