Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(
👀 ActuaLLy sis , may pagkakahawig tayo ... ayoko din kasama ung famiLy nia kasi nga mas gusto ko nakabukod kasi para iwas issue ... hnd kasi maiiwasan magkaroon ng issue lalo pag magkasama kayo sa iisang bubong... at mas gusto ko pa nga ung super layo namin sa family nia dahil kapag malapit , anjan pa rin sila na makikialam lalo na kung numero unong pakialamera at chismosa sila... 😤 kainis talaga! At bukod sa napaka boring niLa kasama , talagang bantay sarado sila sayo , kahit tama ang ginagawa mo , gagawan at gagawan kapa rin ng chismis... may masasabi at masasabi pa rin ... 😡 sa totoo lang , pinagawaan ng bahay ng husband ko ang nanay at ate nia , sa likod un , meron din kaming bahay para samin pamilya , pero ang nangyari , cla ang nakatira don sa bahay namin kasi nga wala pang tumatao don , abroad si husband ... halatang halata na gusto nila sa bahay namin kasi mas malaki kesa sa bahay nila sa likod .. eto pa , kapag lumipat na daw AKO sa bahay namin , aalis na daw sila sa bahay namin , Na NAPAKA LABONG MANGYARI ... hahaha sabi lang nila ... mejo umangat ang buhay nila dahil sa anak nila na asawa ko , at kung hnd dahiL sa akin ay wala sa abroad ang asawa ko dahil ako talaga nagpush sakanya at nagpa unawa na need nia muna mag abroad habang hnd pa kami mag asawa NOON for our future... super plastic nilang mag ina (ate at nanay nia) pero pinakikisamahan ko pa rin alang alang sa asawa ko ... hanggat hnd nila ako ginagawan ng masama (sinasaktan) , makakaasa sila na may respeto pa rin ako sakanila.... mga backstabber at plastic ... 🤮 ALAm naman ng husband ko ang pangit na ugali ng nanay at ate nia kaya hnd nia kinakampihan pero xempre dahil nanay at ate nia un , love pa rin nia dba 😊
Magbasa paSa tingin ko hindi naman siguro intention na ilayo yung bata sayo, ganyan talaga mga lola especially unang apo. Sabik sa bata yang mga ganyan, there's nothing wrong kung sabihin na dun na cya matutulog sa tabi nila once na hindi na nag dede ang bata sayo. Nakakatuwa nga kasi super love nila yung anak mo. Huwag mo lang sana sila pag isipan ng masama. And kung sa pag papadede, cguro ayaw lang din nila na ikaw mahirapan. Wala naman din masama kung mag pump ka. Mas OK nga yun, kasi makakakilos ka ng maayos dahil may mga naka stock ka na gatas agad. And kung 1 year old dapat medyo sanayin mo na din cya sa bote kasi pag lumaki cya ikaw din ang mahihirapan dahil hindi ka makakaalis ng hindi cya kasama dahil nagpapabreastfeed ka. Ikaw lang din cguro ang concern nila. balance mo muna ng mabuti, and I don't think nasisiraan ka nila sa baby mo, and makikialam talaga sila kasi nasa poder nila kayo, huwag mo isipin na hindi ka masaya sa family nya. Lahat ng sinasabi nila sayo pakinggan mo, kung sa tingin mo masama or ikasasama mo at pamilya mo huwag mong gawin. Kung uuwi ka sa parents mo, cyempre mas OK ka kasi parents mo yun, nasa comfort zone mo ikaw. Pero paano asawa mo? Sa tingin mo magiging comfortable ba cya sainyo at hindi makikialam ang parents mo sa pagpapalaki sa anak mo? :)
Magbasa paI'm a mom .. wLa pa 1yr old anak ko nang humiwalay kami s puder Ng asawa q dahil nsasakal din aq s parents Ng asawa ko at mga kapatid niya nung una .. may mga pagtatalo din kasi ayaw sa akin Ang parents niya . una , tumuloy kami s parents ko pero nag away away din tapos nagbukod kami at nag business , nalugi , tapos nag online business ako .. pero ngayon andito na kami s kanila , ksama nmin s isang compound lahat Ng kamag anak ng mister ko .. okay na kami Ng parents Ng mister ko . nasa pakikisama lang Naman yan .. pero Kung Hindi ka na makatiis , magwork ka at sikapin ninyo makapagbukod .. pero kung Hindi pa ninyo kaya , magtiis ka na muna alang alang sa anak mo .. mag6y.o na Ang anak ko sa July , pero syempre nkikisama pa din ako sa pamilya at kamag anak Ng asawa ko . per maipapayo ko Lang , tiisin mo lahat at habaan pa Ang pasensya para sa asawa at anak mo . matatapos din Lahat yan at makakaahon din kayo . tiis tiis lang at pray . marami pa kayong pagdadaanan na pagsubok , kung dyaan pa lang at susuko ka na , kawawa naman si baby db ? remember this , Hindi magbibigay si papaGod ng pagsubok Kung alam niyang Hindi ninyo kakayanin .
Magbasa paKasama namin sa bahay ung mom and ibang kapatid nya, pero bahay namin to, at hindi nila, so in a way mas may advantage ako dahil hindi ako ang nakikitira, pero ganun pa man, di talaga maiiwasan na makikialam sila, ang ginagawa ko is sinasabi ko pag ayaw ko sa mga idea nila. Pinaparamdam ko na ako ang nanay therefore decision ko or namin ng asawa ko kung paano palalakihin ang bata, minsan kasi nakaka stress ung kung ano ung nakasanayan nila un din ung gusto ipagawa sayo which is ayoko naman, syempre may sarili kang diskarte kung paano mo gustong lumaki ung anak mo. Siguro di naman masama kung minsan iparamdam mo na di ka nila pwedeng kayan kayanin. In a nice way, iparamdam mo na may sarili kang diskarte and hindi sila ung masusunod. They can suggest pero hanggang doon lang.
Magbasa paHindi ako favor sa side ng husband nya, we don't know what's the real issue. Ang akin lang huwag laging pinag iisipan ng masama mga in laws, hindi naman siguro gusto nila mapasama kayo or yung apo nila, kung wala ka naman ginagawang masama sknla. Mahirap makisama.. Oo! Gusto nila bumukod pero hindi pa nga kaya, wala naman masama dun kung gusto nila bumukod kaya kung sila mismo hindi pa nila kaya. Hindi naman purket pag sinabi na nya na gusto nila bumukod agad agad. Mahabang process yun, imbes na I take nya ng negative yung sinasabi ng inlaws nya. I take nya as positive comments to be a better wife/mother. Isipin mo na lang na may anak ka at soon mag asawa ka, im sure may masasabi at masasabi ka din sa magiging asawa ng anak mo. :)
Magbasa paMay issue din ako with my husband's family. Different situation nga lang. Sa kanila kami nakatira kaya anghirap magsalita or magreklamo kasi hindi ko naman bahay yun. Smoker ang mother-in-law ko. Kahit sa first floor lang sya nagsmoke, umaakyat sa 2nd floor where my baby is staying. Also, kapag bababa na kami ng baby ko, naglilinger yung smoke sa first floor kahit tapos na sya magsmoke. She also has this nasty habit na kinukuha nya ang baby ko to cuddle right after smoking. Yung tipong hindi nagwash ng hands or nagchange ng clothes. 3rd hand smoke is just as bad as second hand smoke. Yun yung mga toxic substances from cigarette smoke residues. I want us to move out and magsarili pero wala pa kami funds to buy our own house :(
Magbasa paIpon ipon lang mommy at tiisan pansamantala. Makaka lipat din kayo sa tamang panahon. Pero sa ngayon, hanggat nasa poder kayo ng in-laws nyo, no choice kayo but to agree sa house rules nila.
kami din nkatira sa mga byenan ko mabait nman kaso may mga bagay talaga na pinapakialaman nila tulad ng pag bbreastfeed ko sa anak ko ayaw daw kasi dumede sa bote pag nasasanay sa akin dumede para tuloy ako may gingawang mali dahil patago ako magpadede sa anak ko gusto kasi nila ipump ko na lang eh mas feel ko na Ina ako kapag sakin siya dumedede.And pag may mga bibilin kami.gamit sinasabihan kami na gastos ng gastos kahit kailangan naman nmen yun and hanggang ngayon sila pa din nag hahawak ng pera ng asawa ko kasi para daw hindi magastos nmen pero nakukuha nman nmen pag need yun nga lang sila pa din talaga controlado nila gastos.
Magbasa paI've been on that situation and worst part is my husband is always on their side and never akong pinagtanggol pag nakikialam sila. I suggest kausapin m husband mo, tell him na gusto mo na bumukod but do not tell him nalang ung feeling mo na nilalayo nila sayo anak mo baka kasi magstart pa ng away yun sa inyong mag-asawa. But before kayo bumukod, ready mo na sarili mo magbudget, sino magbabantay sa bata if both of you are working, mga ganun. Mahirap talaga pag nakikitira ka sa in laws mo, makikialam at makikialam sila dahil unang una, magkaiba kayo ng values at culture na nakasanayan, hence nagkakaron ng mga ganyan.
Magbasa paYan din greatest fear ko ung lumalaki ung bata na kung ano ano ssabhin ng mattanda kesyo ganto si mommy mo ganto si daddy mo blah blah blah. Di ko kasundo family ni hubby lalong lalo na mother niya pero atleast kami di namin sila kasama. Kami nga na nakabukod pinag aawayan pa din namin mga sinasabi ng fam niya kayo pa kaya? Hanggat maari pag ipunan makabukod kahit maliit lang basta ung matatawag mong inyo. Sa isang bahay isa lang dapat ang reyna, pag ganyan di ka magging reyna kasi nanay niya ung reyna dun kaya dapat bigyan ka ng hubby mo ng sarili mong kaharian.:)
Magbasa paKelangan bumukod kayo momsh. Ayan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nagaaway kami nang husband ko, kasi ayaw ko pumayag tumira sa kanila. Dahil alam ko na ang mga pwedeng mangyari once lumabas si baby. Ayokong makikielam sila sa decision making namin pati kung paano palalakihin ang bata. So ngayon magkalayo padin kami ni husband kasi sa Manila siya nagwowork, ako dito sa Zambales nagsstay. Mahirap makisama sa In laws kahit pa mabait sila sa umpisa. They complicate things at di nila maiwasan na makialam sa lahat nang bagay.
Magbasa pa