Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kelangan bumukod kayo momsh. Ayan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nagaaway kami nang husband ko, kasi ayaw ko pumayag tumira sa kanila. Dahil alam ko na ang mga pwedeng mangyari once lumabas si baby. Ayokong makikielam sila sa decision making namin pati kung paano palalakihin ang bata. So ngayon magkalayo padin kami ni husband kasi sa Manila siya nagwowork, ako dito sa Zambales nagsstay. Mahirap makisama sa In laws kahit pa mabait sila sa umpisa. They complicate things at di nila maiwasan na makialam sa lahat nang bagay.

Magbasa pa