Sa tingin ko hindi naman siguro intention na ilayo yung bata sayo, ganyan talaga mga lola especially unang apo. Sabik sa bata yang mga ganyan, there's nothing wrong kung sabihin na dun na cya matutulog sa tabi nila once na hindi na nag dede ang bata sayo. Nakakatuwa nga kasi super love nila yung anak mo. Huwag mo lang sana sila pag isipan ng masama. And kung sa pag papadede, cguro ayaw lang din nila na ikaw mahirapan. Wala naman din masama kung mag pump ka. Mas OK nga yun, kasi makakakilos ka ng maayos dahil may mga naka stock ka na gatas agad. And kung 1 year old dapat medyo sanayin mo na din cya sa bote kasi pag lumaki cya ikaw din ang mahihirapan dahil hindi ka makakaalis ng hindi cya kasama dahil nagpapabreastfeed ka. Ikaw lang din cguro ang concern nila. balance mo muna ng mabuti, and I don't think nasisiraan ka nila sa baby mo, and makikialam talaga sila kasi nasa poder nila kayo, huwag mo isipin na hindi ka masaya sa family nya. Lahat ng sinasabi nila sayo pakinggan mo, kung sa tingin mo masama or ikasasama mo at pamilya mo huwag mong gawin. Kung uuwi ka sa parents mo, cyempre mas OK ka kasi parents mo yun, nasa comfort zone mo ikaw. Pero paano asawa mo? Sa tingin mo magiging comfortable ba cya sainyo at hindi makikialam ang parents mo sa pagpapalaki sa anak mo? :)
Magbasa pa