Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I've been on that situation and worst part is my husband is always on their side and never akong pinagtanggol pag nakikialam sila. I suggest kausapin m husband mo, tell him na gusto mo na bumukod but do not tell him nalang ung feeling mo na nilalayo nila sayo anak mo baka kasi magstart pa ng away yun sa inyong mag-asawa. But before kayo bumukod, ready mo na sarili mo magbudget, sino magbabantay sa bata if both of you are working, mga ganun. Mahirap talaga pag nakikitira ka sa in laws mo, makikialam at makikialam sila dahil unang una, magkaiba kayo ng values at culture na nakasanayan, hence nagkakaron ng mga ganyan.

Magbasa pa