Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I'm a mom .. wLa pa 1yr old anak ko nang humiwalay kami s puder Ng asawa q dahil nsasakal din aq s parents Ng asawa ko at mga kapatid niya nung una .. may mga pagtatalo din kasi ayaw sa akin Ang parents niya . una , tumuloy kami s parents ko pero nag away away din tapos nagbukod kami at nag business , nalugi , tapos nag online business ako .. pero ngayon andito na kami s kanila , ksama nmin s isang compound lahat Ng kamag anak ng mister ko .. okay na kami Ng parents Ng mister ko . nasa pakikisama lang Naman yan .. pero Kung Hindi ka na makatiis , magwork ka at sikapin ninyo makapagbukod .. pero kung Hindi pa ninyo kaya , magtiis ka na muna alang alang sa anak mo .. mag6y.o na Ang anak ko sa July , pero syempre nkikisama pa din ako sa pamilya at kamag anak Ng asawa ko . per maipapayo ko Lang , tiisin mo lahat at habaan pa Ang pasensya para sa asawa at anak mo . matatapos din Lahat yan at makakaahon din kayo . tiis tiis lang at pray . marami pa kayong pagdadaanan na pagsubok , kung dyaan pa lang at susuko ka na , kawawa naman si baby db ? remember this , Hindi magbibigay si papaGod ng pagsubok Kung alam niyang Hindi ninyo kakayanin .

Magbasa pa