SHOULD I LEAVE MY PARTNER?
Mga sis ano po ba dapat kong gawin. I'm 37th week pregnant at ilang beses kong nahuli yung partner ko na nambabae at nagsisinungaling pero pinatawad ko sya kasi mahal ko sya at the same time may anak kami. Ang sabi nya magbabago na sya pero pag aalis sya kasama ng friends nya may mga kasamang babae tas magbubura ng chat tapos sasabihin saakin na ayaw nya lang daw ako ma stress pero alam kong kalokohan yun. Nag away kami at ayaw nyang mag pa control lalo na kung ginusto nya. Sa tingin nyo ba it's time na iwan ko na sya? Natatakot akong magkaron ng broken family yung anak ko pero ako kung wala kaming anak I'm ready na iwan sya sa dami ng masasakit na nagawa nya..
Been there done that, lilipas ang maraming taon bago palang magkaron ng realization ang mga ganyan klase ng lalake.. Minsan pa huli n ang lahat bago matauhan ang lalake, kung hindi makuha sa matinong pakiusapan, might as well iwan mo na, yun ganyan lalake hindi pa sawa sa pagkabinata pasasakitin lang ang ulo mo ng mhabang panahon at papanget ka lang, ikaw na nga nagdusa makisama, sa huli ikaw pa ang kawawa.. Habang may oras kapa momsh at bata bata kapa i let go mo na. Kung babalik sayo at talagang mahal mopa pahirapan mo muna. Life is too short para matoxic ka sa ganyan klase ng tao.. Sa panahon ngayon mas mtaas ang chance makasurvive at guminhawa ang buhay ng mga single parent bastat andyan sa tabi naten ang mga bata, kesa may partner ka nga papatayin ka naman sa stress ang ending depression ang papatay sayo..
Magbasa paTeach him a lesson. Try mo umalis. Pakita mo na seryoso ka. Pag hinabol ka nya... it means importante ka pa.. if not, alam mo na... Oo ssabihin ng iba, madali para sa akin mag sabi na iwan mo na kasi wala ako sa situation. Pero kung ako ang asa situation mo, kaysa mabaliw ako sa post partum depression, aalis na lang ako. Mahalin mo muna sarili mo at mga anak mo.. pag may nangyari sayo, do you think maaalagaan sila ng selfish nilang ama the way ng pag aalaga na kaya mo ibigay sa kanila? PS. Kalokohan po yung sinasabing mag pray at bigyan pa ng chance.. π sa tingin nyo po.. isang araw habang nagkakape siya isang umaga... bigla na lang siya lilimliman siya ng divine intervention at mag babago siya?? π π π walang ganon. Kelangan kumilos din c mamsh para matuto c mister π
Magbasa paY not let him suffer first? Yung tipong wag mo ng pakialaman? Maging manhid ka sa harap nya. Pag nagagalit ka inhale exhale na lang wala ka namn magagawa eh. Ipaghanda mo parin sya ng pagkain nya sabayan mo ganun. Be extra sa pag aasikaso sa kanya. Then contact ur friends lumabas labas kayo o kahit magkita lang. Be out wag mo syang pakealaman. Then pag feeling mo sawa kana talaga at d paren nagbago tapos dependent na sayo π iwan mo. π isang linggong walang taga laba taga ligpit ng pinagkainan taga hain πππ he will reflect promise pag hindi ibig sabihin deserve nyang maiwan. Minsan pasaring ka din na may napanood ka kuno ung lalaki laking paghihinayang nung tumanda walang malapitan. πππ his playing with ur feelings? Play the game too play with his mind π
Magbasa paBet ko to haha
LET GO. kung ako ikaw ha. pero nasa sayo yan, ikaw ang nakikisama e. wala na ang respect bilang babae, bilang partner, bilang ina ng anak niya. aanhin mo ang buong family kung miserable ka naman. gusto mo ba na makalakhan ni baby ang ganyang klase ng ama? Imagine-in mo ang buhay niyong mag-ina na kasama yang partner mo. I dont think he loves you na din, he doesnt respect you either. Ayaw lang niyang mastress ka kasi buntis ka, sa ngayon. Ikaw, pag-isipan mong mabuti. Lapit ka kay Lord for guidance and protection. Sayang ang panahon, sayang ang buhay. Wag aksayahin sa mga taong di ka pinahahalagahan. Pati yang mga kaibigan niyang kunsintidor haay nako. Kung makikipaghiwalay ka, makipaghiwalay ng mapayapa. Kung magsstay ka, gagawin at gagawin lang niya uli yan, kahit sabihin niyang magbabago siya, etc etc.
Magbasa paiwan mo na sis habang maaga pa. di nga xa ng tino na mgkaka baby na xa. at di ka rin nirerespeto kahit buntis ka how much more kinabukasan? same yan saken 6mos preggy ako at yung close.friend ko ng flirt2 dun sa husband ko, d ko alam na may malalaswang text message napala sila hanggan isang gabi na laman ko kasi sabi nya matulog na kmi, nakatalikod ako sa kanya pro na fefeel ko na busy xa sa cp nya kinuha ko agad at yun na, d pa nya nabubura convo nila. akala ko mgbabago pa. so o give it a chance, nung 2yrs old na anak namin, nadala xa sa barkada nya. at yun ng simula ulit. may mga babaeng kasama, add2 sa fb, chat2 txt2. kaya iniwan ko na. waste of time lng ksi yang chance2 na yan lalo nat alam.mong inaabuso na nila
Magbasa paHndi po magbabago yn hanggat hndi nadadala,ako po iniwan ko noon c hubby ung panganay namin 7months palang,buntis pa po ako nong sa pangalawa namin 2months po,nasundan kasi agad panganay ko..nang babae po kasi asawa ko noon at binahay nya pa ayaw pa nya umamin hanggang sa nalaman ko inuupahan nila,aun oramismo umuwi ako sa magulang at c hubby nagsama cla nong babae,pero natauhan din c hubby pinagdamot ko kasi sa kanya mga anak ko kahit sa social media hndi ako nagpopost ng mga picture ng mga anak ko,aun iniwan nya ung babae nanligaw uli sakin syempre nong una mahirap magtiwala na uli pero binigay ko un sa kanya para maging maaus pamilya namin,ngayon sobrang happyfamily kami 4 na anak namin ..
Magbasa paSa totoo lang, madali kasi sabihin na hiwalayan mo na. Paulit-ulit ka naman talaga lolokohin pero paulit-ulit mo din yan patatawarin hanggang darating ka nalang sa point ng buhay mo na matatauhan ka dahil wala ng natirang pagmamahal sayo. Lahat nabigay mo na. Ako kasi ganyan din pero nasa punto pa ko ng buhay ko na nag-hohold pa kasi pinanghahawakan ko yung pinagsamahan namin, pinagdaanan namin, mga pangako niya at tawanan na naranasan ko. Wala ako advice pero, pinagdarasal ko nalang sis na sana mahanap mo yung inner peace. Yung mas makakabuti sayo mali man sa paningin ng iba o hindi gawin mo kasi life is too short.
Magbasa paAsk him sis. Is he willing for your baby to have a broken family. Or ask him the question kung mahal ka pa ba nya. Kasi kung talagang mahal ka nya, magrereflect dapat yun sa actions nya. Mahirap kasi na ikaw na lang yung lumalaban for your family.. Also I think you should deal with him after mo na lang manganak sis.. You will need him the most sa panganganak mo.. Also that will buy you some time to think and observe his actions on how he will be a father to your baby. Just try to stay calm when you comfront him. Good conversations will have good results π
Magbasa paLove this comment π
Ayaw mo mamsh ng broken family pero deep inside ikaw naman ang broken? Asan ang hustisya dun. Dapat masaya ka rin naman at some point. Di porke wala kang asawa at anak mo lang ang kasama mo broken family na. Yung iba nga na kumpleto pero di naman masaya ang pagsasama ng mag asawa. Or worst sinasaktan pa ang asawa at anak. Para sakin Hindi pamantayan ng masayang pamilya ang pagsasamang toxic. Wag ka magpa dikta sa society. Di sila ang makikisama sa asawa mo. Di sila ang bubuo sa pamilya mo.
Magbasa paKung ilang beses na kayo nagaway dahil sa pambababae niya, at di pa din nagbabago at paulit ulit pa ding ginagawa. Siguro mommy, bigyan mo ng ultimatum or kung kakayanin mo, hiwalayan mo na. Kung hindi niya kayang magbago para sainyo, walang kwentang lalaki yan. Uulit ulitin niya lang yan, lalo siguro pakiramdam niya, kaht anong gawin niya tatanggapin at tatanggapin mo siya. Ipakita mong, kaya niyong wala siya. Mahirap yang ganyan, masyado ka lang mastress kung siya mismo parang ayaw niya ng matinong pamilya.
Magbasa payes sis salamatttt
Preggers