Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

be strong. ganyan din ako. working kasi ako so naiiwan si baby sa biyenan ko. pero nung nakikita ko na kumukulit si baby kinausap ko si hubby. hindi pwede sakin yung kesyo alam na nila ang gagawin nila. i respect them pero ako ang nanay. kaya minsan kahit nakakahiya sinasabi o binibilinan ko talaga sila ng gagawin kay baby. 11 months palang si baby pero marunong ng sumunod sakin. kaya kahit sila napapahanga pag nakikita ako ng anak ko na parating at nagkukulit kusa ng tumitigil. firm kasi ako sa pagdidisiplina sa baby ko.

Magbasa pa

Medyo ganyan rin situation ko sis. Until now my small family is living with my in-laws. 4 years narin. May mga times na kapag may decision making kami ni husband makikisali sila sa discussion until si husband medyo massway nila but my husband and I are constantly communicating. Now if may decision kami we'll let them know and just acknowledge their opinions a little bit. I recommend you talk to your husband about how you feel about the situation. And tama nga, save up so you can move out eventually.

Magbasa pa

di nman lahat tho ung byanan ko super makulit po tlga kc matanda na..nung bgo ako panganak sa knila kmi tumira kada iyak ni baby bgla nlng sya nagbubukas ng kwarto at kinukuha skin kht karga ko baka kc iniisip nya di p ntin lam dhil first baby pero nung mga 5months n baby ko amoy nya na sino mama nya skin lng po tumatahan si baby kht ano gwin nila nagiiyak pag wala ako kya nagbago na po nun tas bumukod na kmi..di po dhil nakikialam sila pero prevention po na makialam sila hehe.

Magbasa pa

Ndndn kc minsan mganda pkinggan pag gnun ang salita nila.. nkakababa ng tiwala s sarili.. nd k nmn mag iisa.. maraming mai case nian.. aq nga sinabihan p q n kya dw nanga2yayat ung bata dhil nd q inaasikaso.. nd b msama n mghanap ng aapplyan dhil ayaw q n hbng buhay sing liit ng langgam ang tingin sakin.. msakit un pra sakin kc prang sinabi nila n d q kya mag alaga ng bata.. ngaun lumayo n tlaga kmi s knila dhil nd n nmin matiis ung mga ginagawa nila..

Magbasa pa

Hindi naman talaga matatanggal ang issues sa mga inlaws nayan kumbaga may forever issues talaga ke nakapisan kayo or nakatira sa poder nila. But in your case dapat na nga talaga humiwalay kayo, pero sadly sabi mo wala pa kayo kakayanan, hindi na tama yung ganyang inaakto nila na balak ilayo yung loob ng anak mo sayo, kausapin mo asawa mo baka naman may ibang paraan. Hindi naman forever na dapat ka nagtitiis lalo anak na ang usapan. Good luck sissy.

Magbasa pa

Totoong po na mahirap makisama sa side ng lalaki po. Kahit gaanu pa yan kabait, magkakaroon nyan ng conflict lalu na pagdating sa pag aalaga ng anak natin. Ako nga kahiit nakabukod na, still nangengealam padin e, gusto iformula ko anak ko, eh ayaw nga ng baby ko dumedede sa bote. Sabihan pa ako na wag akong maselan sa anak ko, paggamit ng alcohol kinakasama nila, kaartehan lang daw. The best way na gawin is, more pag uunawa at magsarili talaga.

Magbasa pa

Pagusapan nyo mag asawa yan. Ganyan yung sitwasyon ngayon ng kapatid ko pero ang maganda sa kanya, di din sya nagpapatalo sa mga kapatid o sa byanan nya. why? kasi sino pa ba ang dapat magdecide sa future ng anak nyo? di ba kayo dapat mag asawa. Lalo ka na kasi mommy ka nung bata. Kung ano man iplano nila sa apo/pamangkin nila, dapat dadaan muna sila sayo. Desisyon mo pa din dapat masunod kahit na sabihon mong nasa poder ka pa nila.

Magbasa pa

alam mo moshie.. sakin kasi byenan ko nag aalaga sa baby ko since may work ako at malaki ang pasasalamat ko kasi ng resigned siya sa work nya.. pero sa pag aalaga medyo iba kasi tayong mga ina may mga gusto tayong paraan na sa tingin natin yun ang makakabuti...pero dahil nga siya nag aalaga minsan di yun nasususod pero ok lang basta ok si baby at di siya pinababayaan panatag na din ako.. lalo na si mister on hands din kay baby..

Magbasa pa

I suggest na humiwalay kayo ng asawa mo. Hindi niyo mafi-feel ang buhay mag-asawa pag ganyan. Ako, ayoko din makitira sa inlaws ko kahit mabait sila sakin. Ayoko ng pinakikialaman ako sa diskarte ko, lalo at sa pagpapalaki sa anak ko. Kausapin mo ang asawa mo, pero hindi tungkol sa family niya. Pag-aawayan niyo lang pag sinabi mo na may issue ka sa family niya. Sabihin mo na lang na gusto mong maging independent kayo, etc.

Magbasa pa

sobrang hirap nyan mamsh, mas maganda sana kung nakabukod kau,kasi ngyare ndin samen yan e, partida pa 3mos lng kme ntira s knla 1st apo din ni pagbreastfeed s anak ko ayaw nila kesyo mhihurapan dw cla pg ng work nko,ang nangyare tuloy,ayw na dumede saken ni baby,mas gusto nlng formula and worst naging skitin pa si baby,bukod nlng kau kht mliit n bhy lng basta kau lng pamilya, mhirap pag maraming nakikisawsaw. nakakagigil!

Magbasa pa