Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ako favor sa side ng husband nya, we don't know what's the real issue. Ang akin lang huwag laging pinag iisipan ng masama mga in laws, hindi naman siguro gusto nila mapasama kayo or yung apo nila, kung wala ka naman ginagawang masama sknla. Mahirap makisama.. Oo! Gusto nila bumukod pero hindi pa nga kaya, wala naman masama dun kung gusto nila bumukod kaya kung sila mismo hindi pa nila kaya. Hindi naman purket pag sinabi na nya na gusto nila bumukod agad agad. Mahabang process yun, imbes na I take nya ng negative yung sinasabi ng inlaws nya. I take nya as positive comments to be a better wife/mother. Isipin mo na lang na may anak ka at soon mag asawa ka, im sure may masasabi at masasabi ka din sa magiging asawa ng anak mo. :)

Magbasa pa