Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May issue din ako with my husband's family. Different situation nga lang. Sa kanila kami nakatira kaya anghirap magsalita or magreklamo kasi hindi ko naman bahay yun. Smoker ang mother-in-law ko. Kahit sa first floor lang sya nagsmoke, umaakyat sa 2nd floor where my baby is staying. Also, kapag bababa na kami ng baby ko, naglilinger yung smoke sa first floor kahit tapos na sya magsmoke. She also has this nasty habit na kinukuha nya ang baby ko to cuddle right after smoking. Yung tipong hindi nagwash ng hands or nagchange ng clothes. 3rd hand smoke is just as bad as second hand smoke. Yun yung mga toxic substances from cigarette smoke residues. I want us to move out and magsarili pero wala pa kami funds to buy our own house :(

Magbasa pa
7y ago

Ipon ipon lang mommy at tiisan pansamantala. Makaka lipat din kayo sa tamang panahon. Pero sa ngayon, hanggat nasa poder kayo ng in-laws nyo, no choice kayo but to agree sa house rules nila.