Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa asawa ko nman nakikitaan ko siya ng porn sa phone noong bf/gf p lang kmi lalo at ldr pa relationship nmin. Ang ginawa ko noon binubura ko lang, kapag tinatanong ko siya bkit may porn siya sa phone, aba ang sagot ndi daw siya ang nagpasa di sa inis ko nman sinuntok ko siya. Pero natawa lang ang loko. Ngayong mag-asawa na kami, wala nman na. Sa totoo lang po, may mga lalaki tlga na pumapatol sa babae kahit asawa pa nila. Yan po ay kapag naprovoke sila, cguro kapag po may ganyan, mas maganda po daanin sa magandang usapan, ang iba kc lalake kapag sinaktan ng babae tingin nila under de saya na sila at ayaw nila ng ganon so they need to show na mas dominant sila. May mga lalaki po tlga mahilig manuod ng porn, wag lang po cguro nila i-apply sa ibang babae at ibang usapan na yan. Sa pananakit nman niya sayo, pag isipan mo po kung ano dapat mo gawin, balansehin mo po. May kasabihan kc na oras na sinaktan ka ng asawa mo, mauulit at mauulit yan and I believe a lot can testify to that. Pray dn po kayo. Nagpapasalamat aq sa Diyos dahil ndi nananakit physically asawa ko. Kapag nag-aaway kmi pero nagkakaayos dn kmi agad.

Magbasa pa

wala po akong kinakampihan.. pero hindi po mabuti na nagsasakitan lalo na pisikalan.. minsan, nag eexpect ang mga babae na kapag sila ang unang nanakit edi di sila papatulan..natural lang po sa tao na gumaganti lalo na kung inunahan. mas mainam po na kinausap nyo po ang LIP nyo ng mahinahon pero deretsahan.. bilang babae, tinatanong nyo rin po ba sarili nyo minsan? maasikaso ba kayo bilang asawa? malambing? mahinahon? mapagpasinsya? o mabunganga? madaling magalit? umiiwas kapg galit? may mali rin po sa part ng LIP nyo. pero, minsan nasa babae rin kung bibigyan niya ng dahilan para magsawa at mahumaling sa iba ang partner nila.. may kasabihan, maging malandi ka sa sarili mong partner.. huwag mo siyang bigyan ng dahilan para mapunta sa iba. minsan, kailangan din ibulsa ang pride... pinakaimportante, ipagdasal nyo po.. Babae po nagdadala ng relasyon.. Ang babae ay malakas at matapang.. pero nasa tamang paraan po.. try nyo po baguhin approach nyo.. pag wala parin pagbabago. baka di pa kayo handa para magkaroon ng panghabangbuhay ng relasyon.. pinag eeffortan po iyon, hindi lang basta nangyayari.

Magbasa pa
3y ago

Agree

Hi po share ko lang, ang sa akin naman po, nahuli ko si hubbyna meron din kausap sa phone pero ang masaklap po, ka sexmate nya, (dont know if yun po tawag dun) nagpapalitan sila ng mga pictures na naked sila parehas. Nung una po gusto ko din syang pag sasapakin lahat ng pedeng pananakit gusto kong gawin sa kanya. Dahil sa nalaman ko. Imagine kaya pala minsan madaling araw na CP pa rin hawak nya. Hinahayaan ko lng kasi ika ko, baka yun lng din minsan nakakapawi ng pagod nya. Pero di ko alam my ginagawa palang ganun, pero ginawa ko kinausap ko sya mamsh pinagpaliwanag ko sya. Anyway 6 months na po since nanganak ako at never pa ulit kmi nag se sex ni hubby. Siguro lagi kasi nasa isip ko natatakot ako kasi sobrang laki ng tahi ko. Yung ilang months ko sya ininda dahil sa hapdi. Kaya siguro naghanap din si hubby ng iba. Anyway mamsh kung ilang beses naman mo na sya nahuhuli, siguro its time na humiwalay ka na. Opinion ko lng po ah, kasi lalo natw wla pa kayong baby. Edi pede nya pa rin ulit ulitin. Its up to you mamsh, mag usap po kayo ng maayos, lahat naman nadadaan sa usapan. ❀️

Magbasa pa

palamig muna. pag usapan niyo pag ok n kayo.. Tama mga mommies dito. muni muni muna.. ipakita mo na Hindi k Niya daapt sinakal. though nauna ka. . Hindi din ok ginawa mo. above all Kung gusto mo irespeto k Ng Asawa mo, kailngn irespeto mo rin siya. nagalit at nabigla ka man Mali p rin Yung ginawa mo. mas maganda may anger management k rin. Kung galit at d mo mapigilan manakit mas magandang lumayo ka muna.. turo ng matatanda kahit gaano k kagalit sa asawa mo, tandaan mo n Hindi mo sila pag ma may ari,kausapin pa rin ng mahinahon at wag mag sisigawan Lalo lalala Ang away hanggang sa hindi na talaga Yung issue Yung kinakasama ng luob niyong dalawa kundi paano niyo trinato Ang isat Isa. upuan at pag usapan.. pag Hindi pa Kaya mkipag usap lumayo muna. masasabi ko n effective to saming mag Asawa.. lagi lng tandaan n iwasan mkipag sabayan sa asawa. . mapag uusapan pa yan, set boundaries pa rin. and give consequences sa action Niya. pero Hindi dapat laging hiwalayan Ang ending..

Magbasa pa
VIP Member

ok lang sis na magbigay nang second chance basta magbago na talaga sya.. ako nga din nagaaway kami to da piont na nagwawala ako at nasasaktan ko sarili ko, hanggang magiimpake ako nang damit para umuwi na saamin pero pinipigilan ako saka magmamakaawa din na wag ko iwan, sinabi ko din na pag naulit pa iiwan kona talaga sya. Pero sad to say nauulit pagaaway naming ganun pero bigay parin ako nang bigay nang chance kasi mahal ko at pinagsisisihan nya nagawa nya pero nauulit nanaman e. pero noon subrang lala nang away namin ngayon nd na ganun kalala.. nakukuha na sa maayus na usapan. pero sau sis.. ang pagbuhatan ka nang kamay sobrang lala na un pero sana wag na nya ulitin kasi nd talaga un tama kahit gaanu ka pa magwala o manakit nd tamang pagbuhatan ka nang kamay. pwede pong kasuhan yan sis.. picturan mo pasa mo patunay pagdating nang panahong sumusubra na sya. sakin kasi hanggang sigawan lang kami .

Magbasa pa

ginawa na once un pananakit . mauulit at mauulit na yan .. as a woman know ur worth momsh although ikaw nmn tlga un my unang mali .. pero hnd un dhilan para saktan ka nia .. aq nun cnampal lng aq ng lip ko my ank na kmi 2 pa .. wlang heno heno nkpghiwalay na ko .. and ive been a single mom for almost 10 yrs .. kc itinatak ng ttay ko sa isip ko un bawal saktan ang babae .. well mama ko nga lhat n ata ng pgmmura at gamit sa bahay naibato nia sa ttay ko nun🀣 pero never nia nakanti mama ko kht dumating sa point n ssaksakin na ni mama ko papa ko 🀣🀣🀣 (share ko lng 😁✌).. and now im pregnant again for my 2nd lip .. ngwarning aq sknya na my phobia aq sa mga lalaki nananakit kht pa pitik lng yn kht super love q sya .. d aq mgdadalawang isip iwan sya pg gnwa nia un .. awa ng dyos swerte q sa lip ko ngaun family man at super sipag at super maalaga ^_^ ..

Magbasa pa

Di kita masisi momshie, kungnasaktan mo lip ,kasi nga naman na puno ka na, iba talaga kapag kinikimkim mo lang yung sakit, kaya pag sa point ka na talaga sasabog at sasabog ka. same sayo momshie, Di ko alam pass ng hubby, ko sa cp nya ultimo sa account nya sa facebook at messenger Di ko nga din po alam ii , haysst , although lagi nya sabi sa akin na, Hindi nya nga daw kinukuha yung akin , kasi may tiwala daw sya, Pero kung hihingiin nya PW ko willing to give naman ako, hayy minsan nga nagagalit sya kapag pinipilit ko na hingiin ii , imbis na wala tumatakbo sa isip ko , nag kakaroon tuloy. kasi diba kung wala nMan sya, tinatago ibibigay nya sa akin yun ? correct me if I'm wrong πŸ˜“πŸ˜“

Magbasa pa

Sa totoo lang ikaw ang unang may mali . Hindi dapat na ganun ang maging response mo , Oo bastos ung nakita mo . Pero nature ng mga lalaki yun. and preggy ka , sguro un ung way nya para malibang at dika abalahin . Ako kasi ung hubby ko , lately madalas manuod ng porn. Kinausap ko sya ng mahinahon , sabi nya kasi maselan ako na magbuntis . So , ayun .. walang away , walang pagtatalo , walang sakitan . Minsan nasa paghandle dn kasi ng stwasyon at pang unawa. Sa ngaun, palamig muna kayo pareho . Ikaw mas nakakakilala sa LIP mo kung dapat mo ba syang hiwalayan o hndi .. Kasi sa totoo lang nsaktan mo dn sya e. Lahat ng bagay dapat dinadaan sa maayos na pag uusap

Magbasa pa
3y ago

Agree ako. Di kasi porket babae tayo di na tayo mapapatulan. Si mommy nag insist na saktan sya kaya nasaktan din sya ni daddy. Di ko kinakampihan ang lalaki mali na sinaktan ka pero isipin din dapat ni mommy ang mali nya.

No offense to many, but porn is really demonic. It doesn't only promote fornification & adultery but also creates unrealistic expectation to the one who watches it. I used to believe porn is normal or atleast for a man, until I started reading the bible and it's not. Kung hindi ka komportable sa porn, pwede mong kausapin si LIP. But as far as I know when a guy hits a woman it could always lead to repetition. Nasa sayo na yan.

Magbasa pa

Usap kayo sis. Nasaktan nyo lang isa't isa. Ilang beses nadin kami nagkaganyan ng asawa ko nung una, pero nag usap kami. May mali din ako, ako unang nananakit pag sobra galit ko. Nung tinigil ko ganung pag uugali, saka ko narealized na ako lang talaga may problema. Di nya ako masasaktan kung diko sya napipilit saktan ako, natatapakan ko na kasi yung pagkalalaki nya sa sobrang pananakit ko pag galit ako. Try nyo pag usapan sis. God bless you both!

Magbasa pa