Reyn Aller profile icon
PlatinumPlatinum

Reyn Aller, Philippines

Contributor

About Reyn Aller

Queenbee of 3 treasures

My Orders
Posts(9)
Replies(1241)
Articles(0)

Mga Hubby, LIP, gaano kayo kahalaga?

Hello po mga daddy out there, gaano po kayo kahalaga na nasa piling kayo ng mga loveones nyo? gusto ko lang po ishare kung gaano po kahalaga na nandiyan po kayo sa piling ng inyong mga misis, sumusuporta at nag aalaga. Nawalan po kami ng anak nitong September. halos double delivery ako, lumabas ng wala sa oras yung mga paa ng anak ko during labor(breech kasi siya) pero pinigilan lang po ng doctor, dahil hindi siya pwede inormal delivery dahil sa condition niya na Ophalocele(may part ng bituka ang labas sa tyan) kaya deretso po ako CS. dalawa po ang naging tahi ko. Aside sa subrang sakit ng katawan ko na akala moy hihiwalay ang bewang ko sa katawan ko, subrang lungkot din, dahil matagal namin siyang hinintay.. first 2 weeks ko, feeling ko mababaliw ako. ewan ko kung sign na ba iyon ng PPD. dahil hindi ako basta bAsta makagalaw o makabangon.,more lang ako sa higa at mag FB. kahit funny video ang nasa feeds ko, walang talab. tumutulo talga ang luha ko. then, yung asawa ko at pamangkin ko, tinuruan ako maglaro ng ML, para raw malibang ako. minsan kapag naglalaro na kami at naumpisahan ko ng tumawa, wala ng tigil yun. mapapansin ko nalang na nakatingin na sakin silang dalawa. parang hindi na normal. Most of the time, masgusto ko nalng matulog ng matulog. BUT 1month after ko manganak, fully healed nako not just physically but emotionally, At dahil iyon sa asawa ko.. Siya ang araw araw naglilinis at nagpapalit ng gasa ng tahi ko, nagpapalit ng diaper 3 days after ko lumabas ng ospital dahil narin di ako makabangon, siya lahat gumagawa ng lahat, hugas, laba, linis. kahit ang maglinis ng katawan ko, those days na di pa ako makaligo. kinakausap niya ako kapag napapansin niya na magiging gloomy ang mood ko, nagkukwento siya at madalas niyang ipaalala yung mga happy and wild days nung masayang pagsisimula ng relationship namin. Maybe way niya siguro para hindi ko maramdaman ang lungkot. Mas naging malambing din siya. Kahit balik nako sa normal kong activities,ginagawa ko na ang mga gawaing bahay, tinutulungan niya parin ako at minsan siya nalng ang nagkukusa. Mge effort niya na for me, nakakapagpasaya at nagpapakilig sakin. Mga Daddy, totoo po ang kasabihang "action speaks louder than word" at simpleng bagay lang po ang pagsasabi ng "I love You" pero napakahalaga parin po na marinig ito ng mga asawa nyo mula sa inyo. Mas mararamdaman nila na pinapahalagahan sila, na mas minamahal sila, at nakakatulong ito sa mabilis nilang paggaling at maging masaya. Sana po mga Daddy, nandiyan po kayo, hindi lang sa panahon na sweet pa kayo sa isat isa, sa panahong nakakapag ayos pa sila ng sarili, mganda pa ang hubog ng katawan, kundi ganun narin sa panahong hindi na nila maayusan ang sarili at mawala na ang magandang kutis at hubog ng katawan dahil inuuna ang pag aasikaso ng pangngailangan nyo, mabigyan kayo ng maayos na tahanan, masarap na ulam sa hapag, maalagaan ng mabuti ang mga anak.. Ang babae po, kapag inalagaan at minahal ng tunay, mas higit pa sa kaya nyo, ang kaya rin nilang ibigay pabalik sa inyo.. Salute din po sa mga Daddy na hindi man masyadong magaling sa gawaing bahay, pero loyal at stick to one.. ☺️

Read more
Mga Hubby, LIP, gaano kayo kahalaga?
undefined profile icon
Write a reply