Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

anong kalaswaan po ba? may ibang babae po ba sya? galing po ba sa kanyang kabet(or sino)ang kalaswaan na yan? syempre Hindi po maganda yung ginawa nya sayo po. . pero nagawa lng ata nya yun dahil po sa pinagsasampal tinulak tulak at pinagmumura nyo po sya (naubos ang paxensya)... I know nagulat po kayo sa kalaswaan na yun pero dapat po kinausap nyo muna sya at naging mahinahon kayo..... Relax at usap po para iwas sakitan

Magbasa pa

SANA KINAUSAP MO MUNA SYA DI SANA KAYO HAHANTONG SA SAKITAN. DI KO SINASABI NA TAMA ANG GINAWA NYANG PANANAKIT SAYO. MINSAN KASI NASA ATING MGA BABAE ANG PROBLEMA. SAYO NA NANGGALING PINAGMUMURA MO SYA. MAY NABASA AKO NOON, NA KALIMITAN MAS OKAY SA MGA LALAKI NA SINASAKTAN SILA PHYSICAL KAYSA MURAHIN SILA. WAG GUMAWA AGAD NG DESISYON. MAGPALAMIG MUNA KAYO PAREHO AT SAKA NYO PAG USAPAN.

Magbasa pa

Pareho kayo mali, nanakit ka rin di porket babae tayo eh ma tatawag na magaan kamay natin pag sampal sampalin ang lalaki. At di mo rin naman siya ni respeto at pinagmumura mo siya. Pwede ka magalit dahil may nakita ka malaswa pero may pinag usapan niyo ba dati na bawal yon? Maki paghiwalay ka nalang kung awa lang nararamdaman mo at kung tingin mo mabubugbog ka lang in future

Magbasa pa

Alam mo ba na ayaw na ayaw ng mga lalaki na minumura sila??? Dapat kinausap mo ng maayos di yung nanakit ka agad at pinagmumura mo pa sya. Naging agresibo ka kaya sinaktan ka rin. Mali si mister na pinatulan ka at sinaktan. Pero isipin mo rin na tao lang yan at may hangganan ang pasensya. Ngayon, nasa sayo ang desisyon kung makikipaghiwalay ka. REMEMBER, MAY MALI KA RIN.

Magbasa pa

Very wrong na pagbuhatan ka nya ng kamay at mali din po na saktan nyo sya physically. Kasi once na ginawa nyo yan sa isat isa ay pwede ng maulit.. Normal lang naman po siguro sa lalaki na may mga sexy videos. Ibang usapan nalang kung sya ang bida πŸ˜‚ (kidding aside). Baka po may pinag dadaanan din LIP nyo at nagulat lang un dahil sinaktan nyo sya. Usap po kau ❀️

Magbasa pa

Hanggat wla po kayo baby makipaghiwalay ka na mommy, once masaktan ka na mauulit at mauulit yun, kung mahal ka tlga nya hindi sya gagawa ng bagay na pagsisisihan nya. Pero nagawa nya mas worst pa napagbuhatan kabnya ng kamay, yung respeto nya sau nawal simula ng nasaktan ka nya.. Sna mommy pag isipan mo mabuti kasi baka pag sisihan mo pa ulit kapag pinatawad mo sya

Magbasa pa

unang una sa lahat may mali ka rin. hindi mo rin sana sya ni provoke na saktan ka kung hindi mo rin sya sinampal sampal o tinulak tulak. regardless kung babae ka man. syempre nasasaktan din yan pero mali na pinatulan ka rin ng sakit ng katawan. secondly, nature na sa lalaki manuod ng porn, as long as hindi sya ung nasa porn wala dapat kayong problema πŸ˜…

Magbasa pa

alam ko n masakit sayo at nabigla k sis pero dapat huminahon k muna ako malayo yong lip ko LDR kmi since im 3 monthe pregnant bumalik sya ng barko minsan tinatanong ko pa s kanya kung namimis nya makipag do sabi nya oo pero manonood nlang sya ng mga ganyan kaya sabi ko ok lang kc my mga need din kc cla... mas ok n yon kay s mag hanap cla ng iba... 😊

Magbasa pa

Pwede naman na tanungin mo siya ng maayos, kausapin ng mahinahon. nauna ka magwala eh, nauna ka magmura at nauna ka manakit then pag natrigger partner mo at nasaktan ka parang ikaw pa yung kawawa. Bastos ka din sorry to say, ang lalake ayaw na ayaw nila yung mumurahin sila, sasaktan agad ng hindi kinakausap. Masyado kang maattitude kaya nga nasakal.

Magbasa pa

nahuli ko din lip ko nag pa send ng vids. tapos bwiset na bwiset ako . kinausap ko sya . sabi nya nmn " di nmn yan maganda baket nagagalet ka " basTa dami nmin sagutan πŸ˜’πŸ˜’ nasuntok ko na nga sya ii. tapos aun lumabas lang sya ng bahay gabi na umuwi . kinabukasan nag sorry ok na kme ulet πŸ˜’