Ayaw ibigay password ng phone nya.....

Ayaw na ibigay ng lip ko password ng phone nya nung time na may nahuli ako sa kanya dati. Galit na galit sya na kinuha ko password ng fb nya ng di nya alam. Aun nahuli ko kausap nya ex nya. Naging okay naman na kami. Binlock na nya ex nya dahil pinablock ko. After nun iniba na nya pw ng fb nya at phone nya. Ngayon halos ayaw na ipaalam sakin pw nya. Privacy nya daw un. Sabi ko kupal ka pala eh, mag privacy ka kung single ka, single ka ba???? Nakaka kulo ng dugo. Bwisit talaga. Kung loyal ka naman sa gf mo bat kelangan mo pa mag password. Kasi ako kako kaya kong ibigay sakanya phone ko palit kami maghapon. Aba g na g sya. Nagalit pa sakin. Sarap sapukin. Kayo ba alam nyo ba pw ng fb ng hubby nyo? Kusa ba nila binigay o hiningi nyo?

110 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kami naman ang baliktad. mag asawa na kami ngayon. nung mag bf/gf kmi nagalit ako s knya dhil inaalam niya yung fb password ko and cp. noon kasi naiiisip ko pa na privacy ko yun. pero dahilan lang yun kasi alam ko na mgagalit siya kasi may makikita siya na mga naka chat ko noon na lalaki. tska simula ng na create ko socials ko hindi ko binigay kahit knino PW ko, kahit sa mga ex bfs ko. hindi ako sanay ng pinakikialamanan. ang ginawa namin. dinelete ko fb ko. nag palit ng number at alam na din niya yung mga password ko. lahat chinecheck niya. from text msg, fb msg, viber , pati email at mga blocked messages from sms,fb, etc etc lahat. nung una nagagalit ako pag ginagawa niya yun sakin kasi pakiramdam ko wala siyang tiwala skin. hanggang umabot kami ng isang taon. kinokontrol ko na yung reaction ko. kasi pag ngagalit ako sa knya o nagiba tono ng boses ko sa pag sagot. ngagalit din siya at dun na nag sisimula away namin. ngayon wala ng nag mmsg skin at ang usapan namin pag may nag msg skin ay ssbhn ko s knya. ngayon, nag ccheck pa din siya ng cp ko sa lahat. hinahayaan ko n lng siya. naisip ko kasi na kung wala naman ako ginagwa masama hindi ako dpat matakot at maguilty. tska isa pa kung gagawin niya skin yung gngwa ko ay mgagalit din ako at mawawalan ng tiwala s knya. prang ganito lang, wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. yun din pinaparealize niya skin. paano dw pag ginawa ko s knya yung ganun. npapaisip ako,tama nga naman.

Magbasa pa
1y ago

tapos ako naman ang lenient. wala gaano pakialam sa mga socials niya or kausap niya sa cp kasi madalang lang siya may katext or chat. mostly kasi sa work. pag may nag chat na babae sa fb tapos bisaya pa yung language tinatanong ko lng kung ano yun. minsan lng din ako mag check ng insta niya(kung saan naka follow siya sa mga sexy ng carshow girl,inuunfollow ko n lng pag nadadaanan ko) at hindi ako ka thorough mag check. hindi naman ako paranoid pag dating sa knya. siya naman yung mas mahigpit compare samin dalawa.

for almost 10 yrs n kame ng live in partner ko. never ko kinuha ung pass ng fb or kaht anong accnt nya. pero naka log in ang fb nya s phone. and alam q pass ng phone nya. actually prehas kme ng pass ng phone. bawal mag iba. nagloko din xa before. pero para saken mga momsh, trust is more worth it than password ng bf/asawa/ka live in partner nyo. ndi nman sarili naten ang niloloko naten. kundi cla. and i know, mas malalakas tayong mga girls, kesa s mga lalake. kaya nga most of the time, cla ang nagkkaron ng iba. itry nyo cla iignore. n ndi nyo ppakielaman cp nla. fb or what, tingnan nyo, cla mag iicp n kau ang may iba. then ska nyo sbhin n, anong pakiramdam?? tpos mappahiya cla kc wala nman. based on my experience. kc kng magloloko, magloloko. khit ndi nyo alamin, mallaman nyo yan ndi mismo sau. pero s ibang tao. pero nasainyo p din nman mga momsh. nag share lng po aq since th din aq date and selosa. πŸ˜ŠπŸ˜‰

Magbasa pa

Ewan ko kasi dati nung mag gf at bf palang kami ng asawa ko.. medyo th din ako. So kinuha ko password nya sa lahat ng account na meron sya sa Socmed. Hindi naging Bigdeal sa kanya. Alam nya din naman ang akin.. After 10 years at Ngayon ngang mag asawa na kami.. minsan pag lobat phone ko.. bibigay nya pa ng kusa ang phone nya.. nood daw ako netflix. Me finger print din ako sa phone nya para mas madali mag sign in. 🀣 Hindi ko lng pinakikialaman ang mga work related messages nya. Kaya di kami nag aaway. Never naging issue samin ang privacy. Pag me important message or pm nga sa kanya ako pa mismo nag reremind sa kanya. πŸ˜… Pag me.kachat sya.. minsan magsasabi pa sya sakin ano daw irereply nya. Thankful lang tlga ako sa asawa ko kasi panunuod at laro lng minsan hilig nya. πŸ˜…πŸ˜‚ Depende lng din tlga sa tao siguro.

Magbasa pa

Selosa at sobrang th ko dati, pero pag kinutuban ako may something talaga at tumatama naman ako may ginagawa nga syang kagagugan. Nung mag bf/gf pa kami ilang beses ko na sya nahuli. Pakialamera kasi ako lahat ng bagay kinakalkal ko talaga. Pero nung huli ko syang nahuli sinabi ko sa sarili ko na never ko na papakialam ang fb, messenger or even cellphone nya kasi ako lang din sumasakit sa sarili ko. Kung gagawa sya ng kagaguhan bahala na sya sa buhay nya. Simula nun sabi ko ibahin nya password ng fb at phone nya para di ko maopen. Iniba nya sa fb pero sa phone nandun parin fingerprint ko. Ngayon kasal na kami at buntis na ako. Ok na naman kami. Tingin ko naman hindi na sya gumagawa ng ikasasakit ko. Nahahawakan ko phone nya kasi hindi naman nya pinag dadamot sakin. Iniiwan iwan din nya pero di ko pinapakialaman.

Magbasa pa

I've been there. I was like that when I was still a cheater. kaya I know your lip is cheating on you. bago pa maging dalawa anak niyo, iwan mo na. humingi ka nalang ng suporta. kasi kapag nagstay ka pa, ikaw lang masasaktan. once a cheater always a cheater na daw. kaya nga iniwan ko na din yung kaldr kong mag 4 years na sana kmi kung di ako nagcheat. iniwan ko siya coz I know he don't deserve someone like me. after that I changed myself before ako naghanap ng bagong lovelife. siguro alam ng nasa taas na sincere ang panalangin ko kaya biniyayaan ako ng loyal na partner sa buhay ngayon despite of my past. And I promised myself na di na ako magloloko. 2 years na akong loyal and happy living with my partner at magkakababy na kmi. open po kmi sa isa't isa. phone, email, fb, laro, name it.

Magbasa pa

hi po.. smin po mag asawa wla po kmi pakielamanan sa mga cp nmin.. pero anytime pwde ko icheck phone nya ganun dn skin.. honestly bingay nya skin password nya but i did not open his facebook lalo nat d kmi magkasama kc pra skin andun pa dn ang tiwala ko sa knya ee.. wla nman dn nagbago sa knya any moment nagpapalit kmi cp.. nag browse sya sa fb ko ganun dn ako sa knya pero wla pong malisya hahaha ako lan po ata may malisya 🀣🀣🀣 pero sa inyo po kc sis is nagloko na ang lip nyo po sa inyo kaya yung trust nyo po kc is wla na kumbaga andun na po yung lagi kayo magiisip kc nagawa na po.. once nacra na yung trust hnding hndi na yun mababawi unless sincere talaga.. yun lan sis kausapin mo ng maigi c lip mo.. if mahal ka ba nya talaga or hndi at nagbubuhay binata pa dn sya 😊😊

Magbasa pa

Same situation. Nahuli ko rin dati na may mga chinachat sya na babae. Sabi nya kaibigan/tropa nya daw. Nag away rin kami nun. Binigay naman nya password nya. Tas makailang araw nakikipaghiwalay na sya at pinalitan na rin password nya. Privacy daw nya yun naiinvade ko na. πŸ˜‚ kaso naging okay uli kami tas nabuntis pa nya ako hahahaha (sorry obobs lang). Ngayong magkakababy na kami hindi ko na hinihingi password nya bahala na sya sa buhay nya. Alam ko na may chinachat pa rin sya na ibang babae pero wala na lang sakin. Kasi mag kakaanak na ako. Kung nambababae/mambababae man sya ay wala na akong pakialam sa kanya. Dun na sya. Ang mahalaga magkakababy na ako. ❀

Magbasa pa

Ako 5 years na din kami and now may baby na kami 4 months old never ko hiningi password nya sa fb and cp, kasi kahit ako na wala naman tinatago ayaw ko din na paki-alaman nang partner ko ang personal ko like cp and fb, yes privacy ko yun. Kasi nasa kanya na yun kasi kahit anong higpit mo kapag mag loloko gagawa talaga nang paraan. Napag daanan ko na sa ex ko dati yan palit2x nang cp and sim and fb pa ayun pala may Milagro parin na ginagawa. At nakakasakal ang ganyang relationship, be confident. Ayaw nang mga lalaki ang mga babaeng insecure kahit insecure ka wag mong ipakita. Magiging source yan nang parating pag aaway. Partnership not ownership.

Magbasa pa

no, di nya alam password ng fb account or any of my social media, ganun din ako di ko alam yung sa kanya. pero both kami may access sa phone ng isa't isa may finger print kami nakaregister sa parehas naming phone. privacy nya na yun at privacy ko rin yun. and even may access kami sa phone ng isa't isa di ko binubuksan messages nya ng di nya alam, same sakin. tiwala ako sa kanya and never namin naisip sa isa't isa na meron syang iba. wala kaming tinatago sa isa't isa kaya walang issue na something related na may 3rd party whatsoever - nasasa kanya na naman yun kung lokohin nya ko, wala na rin syang babalikan once ginawa nya yun.

Magbasa pa

Never kaming nagpalitan ng password. Tiwala naman kami sa isa't isa, at kung umabot man sa punto na kailangan ko pa icheck ang accounts nya, hindi na healthy yun para sa akin at sa relationship namin. Alam ko man o hindi, kung magloloko sya, magloloko talaga sya. Hindi ko sya kailangan bantayan kasi bakit pa ako magsstay sa isang tao na kailangan ko pa bantayan para hindi magloko? Alam nya ang tama at mali, hindi na sya bata. Madalas naiiwan nya yung phone nya kung saan saan, ako pa nagbibigay sa kanya kasi baka may call or message syang mahalaga na ma-miss 😬

Magbasa pa