Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako ๐Ÿ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. ๐Ÿ˜Šโ˜บ๏ธ

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang ikaw ang unang may mali . Hindi dapat na ganun ang maging response mo , Oo bastos ung nakita mo . Pero nature ng mga lalaki yun. and preggy ka , sguro un ung way nya para malibang at dika abalahin . Ako kasi ung hubby ko , lately madalas manuod ng porn. Kinausap ko sya ng mahinahon , sabi nya kasi maselan ako na magbuntis . So , ayun .. walang away , walang pagtatalo , walang sakitan . Minsan nasa paghandle dn kasi ng stwasyon at pang unawa. Sa ngaun, palamig muna kayo pareho . Ikaw mas nakakakilala sa LIP mo kung dapat mo ba syang hiwalayan o hndi .. Kasi sa totoo lang nsaktan mo dn sya e. Lahat ng bagay dapat dinadaan sa maayos na pag uusap

Magbasa pa
5y ago

Agree ako. Di kasi porket babae tayo di na tayo mapapatulan. Si mommy nag insist na saktan sya kaya nasaktan din sya ni daddy. Di ko kinakampihan ang lalaki mali na sinaktan ka pero isipin din dapat ni mommy ang mali nya.