Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

palamig muna. pag usapan niyo pag ok n kayo.. Tama mga mommies dito. muni muni muna.. ipakita mo na Hindi k Niya daapt sinakal. though nauna ka. . Hindi din ok ginawa mo. above all Kung gusto mo irespeto k Ng Asawa mo, kailngn irespeto mo rin siya. nagalit at nabigla ka man Mali p rin Yung ginawa mo. mas maganda may anger management k rin. Kung galit at d mo mapigilan manakit mas magandang lumayo ka muna.. turo ng matatanda kahit gaano k kagalit sa asawa mo, tandaan mo n Hindi mo sila pag ma may ari,kausapin pa rin ng mahinahon at wag mag sisigawan Lalo lalala Ang away hanggang sa hindi na talaga Yung issue Yung kinakasama ng luob niyong dalawa kundi paano niyo trinato Ang isat Isa. upuan at pag usapan.. pag Hindi pa Kaya mkipag usap lumayo muna. masasabi ko n effective to saming mag Asawa.. lagi lng tandaan n iwasan mkipag sabayan sa asawa. . mapag uusapan pa yan, set boundaries pa rin. and give consequences sa action Niya. pero Hindi dapat laging hiwalayan Ang ending..

Magbasa pa