Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po share ko lang, ang sa akin naman po, nahuli ko si hubbyna meron din kausap sa phone pero ang masaklap po, ka sexmate nya, (dont know if yun po tawag dun) nagpapalitan sila ng mga pictures na naked sila parehas. Nung una po gusto ko din syang pag sasapakin lahat ng pedeng pananakit gusto kong gawin sa kanya. Dahil sa nalaman ko. Imagine kaya pala minsan madaling araw na CP pa rin hawak nya. Hinahayaan ko lng kasi ika ko, baka yun lng din minsan nakakapawi ng pagod nya. Pero di ko alam my ginagawa palang ganun, pero ginawa ko kinausap ko sya mamsh pinagpaliwanag ko sya. Anyway 6 months na po since nanganak ako at never pa ulit kmi nag se sex ni hubby. Siguro lagi kasi nasa isip ko natatakot ako kasi sobrang laki ng tahi ko. Yung ilang months ko sya ininda dahil sa hapdi. Kaya siguro naghanap din si hubby ng iba. Anyway mamsh kung ilang beses naman mo na sya nahuhuli, siguro its time na humiwalay ka na. Opinion ko lng po ah, kasi lalo natw wla pa kayong baby. Edi pede nya pa rin ulit ulitin. Its up to you mamsh, mag usap po kayo ng maayos, lahat naman nadadaan sa usapan. ❀️

Magbasa pa