Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa asawa ko nman nakikitaan ko siya ng porn sa phone noong bf/gf p lang kmi lalo at ldr pa relationship nmin. Ang ginawa ko noon binubura ko lang, kapag tinatanong ko siya bkit may porn siya sa phone, aba ang sagot ndi daw siya ang nagpasa di sa inis ko nman sinuntok ko siya. Pero natawa lang ang loko. Ngayong mag-asawa na kami, wala nman na. Sa totoo lang po, may mga lalaki tlga na pumapatol sa babae kahit asawa pa nila. Yan po ay kapag naprovoke sila, cguro kapag po may ganyan, mas maganda po daanin sa magandang usapan, ang iba kc lalake kapag sinaktan ng babae tingin nila under de saya na sila at ayaw nila ng ganon so they need to show na mas dominant sila. May mga lalaki po tlga mahilig manuod ng porn, wag lang po cguro nila i-apply sa ibang babae at ibang usapan na yan. Sa pananakit nman niya sayo, pag isipan mo po kung ano dapat mo gawin, balansehin mo po. May kasabihan kc na oras na sinaktan ka ng asawa mo, mauulit at mauulit yan and I believe a lot can testify to that. Pray dn po kayo. Nagpapasalamat aq sa Diyos dahil ndi nananakit physically asawa ko. Kapag nag-aaway kmi pero nagkakaayos dn kmi agad.

Magbasa pa