😭😓💔☠️🥺
mga mi. pa vent out lang, Nung 1st trimester ko kasi never ko napagbigyan si mister makipag talik kasi preggy ako at my nakitang hemorrhage sakin 15cc. ngayong 2nd trimester na naging maingat ako at minsan lang ako pumapayag since takot ako my mangyare sa bata sa loob at uncomfy rin sa feeling makipag talik. Kanina, humirit si mister at pinagbigyan ko pero after few minutes umaray ako. nagalit si mister, medyo natadyakan nya private part ko at natulak nyako sa tyan banda. Ewan kung napansin nya ba kung sna ako natamaan pero nung nagsimula akong umiyak nagalit at nag walk out. ito ako ngayon kanina pa iyak ng iyak. parang gusto ko umalis dito sa puder nya, parang gusto ko my mangyare nalang sakin para di maipagpatuloy yung pagbubuntis ko paramapagbigyan ko sya sa needs nya. Pagod nako mga mi. Pagud nako umiyak. di ko nman ginusto mabuntis ulit. bat ako yung need mag suffer??

if i were you, umalis kana. wag mo ng antayin na tumatagal at maging grabe pa ang trato sayo. saakin din ngayon buntis ako 1st trimester ko bawal ako makipag talik, bumyahe, bedrest tlaga kasi my Hemorrhage din ako non nasa 22 pa nga saakin pero di naman naging ganyan saakin asawa ko ngayon, pinaliwanag ko kasi agad saknya na bawal muna. wala din akong gana makipag S*x as in kahit nung di ako buntis. mas lumala pa ata ngayon. 🤦hanggang sa nawala ung bleeding napag bibigyan ko na sya pero hindi palagi. bilang lang kasi needs nya pa din un. pero bago ko sya pinagbigyan minakesure ko na clear na ang findings sa ultrasound ko. so ibig sabihin, hindi sa pinag oover think kita pero buntis ka kasi, and pag sinabing bawal, dapat naiintindihan ng partner mo yon dahil para din un sayo at sa anak nyo. in short nasaknya ang problema. ang mapapayo ko lang sayo, wag mong antaying lumala ang trato nya sayo, ngayon palang mag isip isip kna. at wag ka iiyak, lakasan mo loob mo maapektuhan lalo anak mo kung iiyak ka. normal sa buntis maging emosyonal pero pakita mo pa din na matapang ka. tandaan mo may bata sa tyan mo na naapektuhan.
Magbasa panakakalungkot naman bakit umabot sa ganito ang sitwasyon nyo. 😔in the first place sya Ang dapat mas concerned sa safety nyo ng baby mo. same case po tayo 2 months akong pinag bed rest Kasi nag bleeding Ako at may hemorrhage din 1st trimester palang naka 3 transvaginal ultrasound nako as per my OB para laging mamonitor si baby pati Ang hemorrhage na nasa loob if nawala naba after ko mag take Ng duphaston pampakapit, isuxoprene pang pa muscle relaxant at pain reliever sa sakit Ng balakang para di mag contract Ang uterus at omega Fish oil for 2 weeks. now Po 22 weeks na Ako. Wala padin kaming sexual intercourse tumatak sa isip Ng asawa ko na bawal pa sa ngayon at walang magagawa Sundin nalang ang doctor at sya mismo nagsabi na tiis tiis muna bawi nalang oag nakapanganak na dahil baka mapaano ang anak namin.
Magbasa paSobrang selan kodin mag buntis mii, 1st trimester ko may hemorrhage din nakita sakin and number 1 rule is no contact kay hubby, & until now 7months nako walang nangyayare samin kase ganon sya kaingat samin ni baby, sometimes nag lalabas sya sa harap kolang ganon. Dina sana para umabot kayo sa ganyan, much better if check up mo isama mo sya para naririnig nya ang mga bawal at di bawal gawin. Ganyan hubby ko sa kanya pinapaliwanag lahat tsaka sa mother in law ko kaya till now todo alaga nila sakin. Don't stress yourself mii nararamdaman ka ni baby :(( For sure lilipas din yan ang better to talk your husband para mas maintindihan nya nararamdaman mo ipakita mo yung sakit na nararamdaman mo wag ka mag walk out.
Magbasa paAko simula nag-positive ang pregnancy test ko alam na agad ng mister ko na hindi talaga pwede ang magtalik kami lagi. Alam na nya kasi nagre-research na sya agad kasi iniingatan nya kami ng baby. Kaya ang payo ko sayo wag mong isipin na may mangyari sayo para matangal ang baby at mabigay mo ang pangangailangan ng asawa mo, Mas masarap magkaroon ng anak kesa ng asawa na hindi ka iniingatan at hindi pinapahalagahan ang dinadala mong bata, At kung magpapakalayo ka wag mo na isipin na bumalik pa sa asawa mo kasi mas malala pa mangyayari sayo kung babalik ka. be safe always masakit mawalan ng anak ranas na ranas ko yan. ❤️
Magbasa paHi Mii that's sad po na ganyan ang reaksyon ng Mister mo..Iyak mo lang,kasi mas makakabuti yan sayo kesa mastress ka. May mga buntis talaga na feeling ayaw nila,kahit ako nun parang walang gana kapag makikipagtalik.Okay naman ang baby Mii as long na maging maingat ka lang protected naman siya sa loob niyan at hindi niyo naman nagagalaw si baby.. Sana mapasensya din si Mister sayo,Pero kailangan Niya din kasi yan alam mo naman.. Wag ka mag-isip ng ganyan kasi ang baby is a blessing naman,kailangan din talaga ang may pagkakaintindihan sa mag-asawa. I hope maging okay ka. God bless
Magbasa paMaselan talaga magbuntis mi lalo na at 1st trimester ka pa lang. I'm so sad na ganyan nangyari sayo. Don't overthink mommy ha, mas lalo masstress si baby. Alis ka muna dyan sa puder ni mister at hanap ka muna ng mapaghihingaan mo, yung may peace mi. Bawi ka muna sa rest like tulog, kain ka maayos mi at alagaan mo si baby maayos pati sarili mo. Wag ka nang umiyak mi, nandito rin kami. Medyo emotional talaga lalo na sa situation mo pero fight lang mi, temporary lang yan, you can do it!!!! Sacrifice tayo, hero tayo eh pag okay na ang lahat balik lang tayo.
Magbasa paBawal po tlga mkipagtalik if nd p tpos ang 1st trimester kc sensitive p ung pinagbubuntis.asawaq dti nung unang baby namin nd tlga kmi nagtalik kc nagbedrest aq ng 3months kc dinugo aq khit nung malapit n aq manganak n ok nman daw sbi ng OB q para mabilis aq manganak ayaw p din nya kc takot sbi nya may ibang paraan p nman daw kaysa mapahamak ung baby😂😂😂kaya un nkatiis nman hangang 3months n nanganak aq un nd n nkatiis kc sbi knakalyo n daw ang kamay😂😂😂
Magbasa paLeave for a while. Rest. Go to somewhere na walang stress. Or go to someone na kaya kang alagaan for a while like your parents. For now, di mo obligasyon ang makipagtalik sa knya kase in the first place kayong dalwa ang gumawa nan meaning you both has the responsibilty to take care of the baby now. Ingatan mo sarili mo lalo na mental health mo. Pryers on you. Fighting!
Magbasa paBat mo ibabaling ang negative thoughts mo sa bata eh di nya naman kasalanan na nabuo sya? Kamo ang iwan mo yang lalake na yan Alam na buntis ka walang respeto sayo, tadyakan ka ba naman. Kung mahal kaba ng lalake gagawin nya ba Yan sayo? Lalo na Alam nya na risky ang pagbubuntis mo ipipilit parin ang gusto? Kung ako sayo tinadyakan ko rin yan pero sa mukha.
Magbasa paFor me, never naging obligasyon ng babae masatisfy needs ng lalaki. Unreasonable manakit sa ganyang dahilan. Iiyak nyo lang po. Pero I think, kailangan nyo din sya bigyan ng leksyon. Hindi tayo pwedeng iiyak lang palagi