Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala po akong kinakampihan.. pero hindi po mabuti na nagsasakitan lalo na pisikalan.. minsan, nag eexpect ang mga babae na kapag sila ang unang nanakit edi di sila papatulan..natural lang po sa tao na gumaganti lalo na kung inunahan. mas mainam po na kinausap nyo po ang LIP nyo ng mahinahon pero deretsahan.. bilang babae, tinatanong nyo rin po ba sarili nyo minsan? maasikaso ba kayo bilang asawa? malambing? mahinahon? mapagpasinsya? o mabunganga? madaling magalit? umiiwas kapg galit? may mali rin po sa part ng LIP nyo. pero, minsan nasa babae rin kung bibigyan niya ng dahilan para magsawa at mahumaling sa iba ang partner nila.. may kasabihan, maging malandi ka sa sarili mong partner.. huwag mo siyang bigyan ng dahilan para mapunta sa iba. minsan, kailangan din ibulsa ang pride... pinakaimportante, ipagdasal nyo po.. Babae po nagdadala ng relasyon.. Ang babae ay malakas at matapang.. pero nasa tamang paraan po.. try nyo po baguhin approach nyo.. pag wala parin pagbabago. baka di pa kayo handa para magkaroon ng panghabangbuhay ng relasyon.. pinag eeffortan po iyon, hindi lang basta nangyayari.

Magbasa pa
5y ago

Agree