Paranoid ?
Sino po katulad ko na sobrang paranoid yung tipong iniisip ko minsan kung normal kaya si baby kung paglabas ba niya normal kaya sya o baka may kulang sa kanya o kung ano man na nakakabaliw isipin hays. nagdadasal ako lagi kay God pag nag iisip ako ng ganun pero di ko maiwasan kakabaliw po talaga ???
Ako rin mommy nung una kase 4 months na pala tyan ko ng malaman kong preggy ako..uminom pa ko nun ng kape pamparegla kase kala ko delay lang ako..tapos naghulahoop pa ko para magkaron ako..yun pala buo na si baby sa tyan ko..tapos may sakit pa kong hypothyroidism..eh pag mababa raw ang thyroid ng buntis..posible raw na makaapekto yun sa baby at maging mentally retarded..kaya talagang sinikap ko agad makapagpacheck up sa endocrinologist para maresetahan ako ng gamot para tumaas yung thyroid ko..at awa naman ng dyos..na cas na ko at ok naman lahat kay baby..normal naman daw lahat..thank you kay lord..palage rin akong nagprepray nun tuwing maiisip ko yung mga sinabi saken ng ob..kaya dasal lang talaga para mapanatag mga kalooban natin..
Magbasa paSame din po.. kung my pgbabasehan nmn po yung worried nio mkakapg isip k tlga ng gnyan pro kung wla nmn at tama nmn pgbubuntis mo.. kumpleto sa check up and vit eh wla kpo dpt ikabahala.. Sa akin po kc dko po alm n preggy n pla ko, cge inom prin aq ng pampa mens, lhat ng mapait na try ko then cnabi nila bka dw buntis aq. nag p.t ako thrice. yun positive pla.. nong tinuloy ko na tuloy araw araw akong paranoid kung healthy kya baby ko pglabas dhil sa kung ano anong kagagahan pinag gagawa ko 😂😂😂 pro sa awa ng Dyos laki ng lumabas c baby. healthy p sya.. kya sis wg ka msydo mag iisip ng kung ano ano.. stay positive lng
Magbasa paAko din mommy. Namatayan na kasi ako ng baby 3years ago. Ngayon buntis ako uli sobrang paranoid ko. Everyday struggle kasi un mga usok ng yosi nkakaamoy ako once a day pero halos everyday kahit malayo na sakin feeling ko naamoy ko parin. Un usok ng motor mnsan feeling ko amoy gas. Halos di nako lumabas ng room para lang makaiwas kaso sympre masakit din sa likod. Gstuhin ko man maging healthy pnipilit ko kaso may mga bagay na di ko na macontrol hays. Pray lang talaga maovercome natin fears 19weeks po ko. Sana okay ang baby🙏 God bless
Magbasa paLike ngayn lang sis may tumigil na motor dto sa harap ko tapos amoy ko un gas miski nkatakip nako ng ilong at nag hold ng breathe sbi ko nalang sorry baby bawi si mama pro diba u are strong anak kaya ntin yan. Gnun mamsh tpos prayer
sis same tayo.naiinis na nga husband ko.grabe ako magdasal sis pero ewan ko ba d ko tlaga din minsan maiwasan.kaya nakikipagchat ako sa mga kagaya ko ding preggers kng ganito din ba nafifeel nila.cguro nakakadagdag din kasi once plang ako nakapagpacheck up kasi nga sa lockdown and hndi pa ako nakapunta sa OB.good thing doctor ung sister ko ans ung husband nya kaya lagi nila ako ginuguide.ang tagal ko na kasi sa last pregnancy ko 14 years na din.kaya naninibago ako
Magbasa paSame here. Late ko na nalaman na preggy ako. Naka inom pa naman ako gamot dahil in-asthma ako 1 week straight yun. Antibiotic. 6 weeks and 4 days nung malaman kong preggy pala ako. Pero tinanong ko yung OB ko kung safe ba yung gamot, ok lang daw yung antibiotic pwede naman daw sa buntis yun. Kaso hanggang ngayon di ko pa rin maiwasan isipin na baka di normal si baby. Lagi ako nagdadasal kay lord☹️
Magbasa paI take Neozep din sinisipon kase ako that time kala ko yung allergy ko lang☹️ i take bioflu din. So nung nalaman ko preggy ako medyo na depress ako nun kasi naalala ko yung mga nainom kong mga gamot☹️ i keep on praying na lang talaga.
Akala ko ako lng ung ganito 😭😭😭 araw araw gabi gabi ako nag ppray na sana HEALTHY NORMAL AT SAFE ung baby ko. First pregnancy ko kasi na miscariage ako, minsan naiisip ko wla ako kkyahan bumuo ng bata sa tyan ko. Pero nilalaban ko negative na pagiisip, malakas tiwala ko kay Papa God na gagabayan nya baby ko, kame during this pregnancy journey hanggang maisilang ko sya. Pray lng po sis !
Magbasa paOo nga pray lang tayo. mabait si God satin 😔 siguro ganito lang talaga pag buntis overthink.
nakakaparanoid tlg.ako nga monthly nguultrasound ako pra makita ko si baby.Think positive lng bsta make sure na nasusunod lht ng bilin ng doctor at naiinom regularly ang mga vitamins and healthy diet. nakakaparanoid tlg pero iniisip ko nlng na ung ibang preggy nga nagiinom ang alak at naninigarilyo pero okay nman ang baby nila paglabas. may awa ang Panginoon. Good luck satin lahat.
Magbasa patrue sis!and ung iba nga na never nagpacheck up at tagtag sa trabaho at wala pang vitamins ok naman mga babies nila.let's pray and lift it up all to God.bigay nya to sa atin
Same here, Nung 16weeks kase tyan ko sumakay pa ako ng mga slide slide nung nag swimming kami 😭tapos lagi akong nasa byahe ng mga oras naun, subrang nababahala na ako Kung okay lang Kaya si baby.. dipa kase ako nakakapag ultrasound Mula non, Kaya worried na worried ako Kay baby.. Sana okay lang sya sa loob, Ftm pa Naman ako
Magbasa pasis paano ko naoovercome ung pagiging paranoid?pahelp naman po
Ako nga din po ganyan..lalo napo nagdradrive papo ako ng tricycle ..pag ihahatid kopo anak ko sa school..malapit lang naman po..tapos may starter naman po tricycle..at ndi naman po makaldag..wala po ksi ako iba aasahan dlwa lang po kami ng panganay ko..nasa manila po asawa ko..pray nalang lagi kay Lord
Magbasa paKaya nga po.basta tiwala lang po kay Lord dahil kung para po talaga sayo kahit ano mangyari sayo padin.😊
lahat po siguro ng soon to be mommy or preggy yan po gusto diba na maging normal si baby lagi korin po naiisip yan lalo na naoperahan palang ako sa uterus and may pcos ako .. pero ipasaDiyos nalang natin lahat si God na bahala in Jesus name safe po lahat ng baby naten Amen🙏☺☺
a mom of cute little baby boy