Paranoid ?

Sino po katulad ko na sobrang paranoid yung tipong iniisip ko minsan kung normal kaya si baby kung paglabas ba niya normal kaya sya o baka may kulang sa kanya o kung ano man na nakakabaliw isipin hays. nagdadasal ako lagi kay God pag nag iisip ako ng ganun pero di ko maiwasan kakabaliw po talaga ???

79 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako rin mommy nung una kase 4 months na pala tyan ko ng malaman kong preggy ako..uminom pa ko nun ng kape pamparegla kase kala ko delay lang ako..tapos naghulahoop pa ko para magkaron ako..yun pala buo na si baby sa tyan ko..tapos may sakit pa kong hypothyroidism..eh pag mababa raw ang thyroid ng buntis..posible raw na makaapekto yun sa baby at maging mentally retarded..kaya talagang sinikap ko agad makapagpacheck up sa endocrinologist para maresetahan ako ng gamot para tumaas yung thyroid ko..at awa naman ng dyos..na cas na ko at ok naman lahat kay baby..normal naman daw lahat..thank you kay lord..palage rin akong nagprepray nun tuwing maiisip ko yung mga sinabi saken ng ob..kaya dasal lang talaga para mapanatag mga kalooban natin..

Magbasa pa
4y ago

Yung symptoms ng hypothyroidism eh yung namamaga yung mukha..paa..mabagal kumilos..lamigin..antukin..mabagal magsalita..bigla kang tataba kahit di ka naman palakain..bumabagal kase yung metabolism..tapos hingalin ka rin..hirap huminga..depression..moody..hirap dumumi..ganun..