Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?

Parents, kasama mo ba ang mga biyenan mo sa iisang bahay? Kumusta ang relationship niyo, so far?

Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?
131 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naku po huwag na! ako mahal ko asawa ko, at siya na talaga gusto ko for life, pero dahil sa mother in law ko parang gusto ko na makipag hiwalay, kasi nag iisang anak lang sya at yung mama at papa nya kasama nmin sa bahay nila. umpisa palang mag sign na na di maganda di ko lang pinansin, nung isang beses na nag make face sya sakin di nya alam na nakita ko, tinirikan ako ng mata.. may inaalok kasi sya na food sabi ko okay lang po, kala nya nahihiya lang ako, naartehan siguro sya. sana yun palang yung nakita ko umatras na ko. di ko rin alam na ganito pala kahirap pag masyado madaldal ang byenan mo, lahat ng nasa utak sinasabi walang filter. kaya kitang kita mo alam na alam mo kapag masama yung iniisip nya, lumalabas sa bibig, sa sobrang dami kong gigil moments, na napapaiyak nalang ako at minsan nagsisira nalang ako ng gamit, para lang mabuhos ko yung galit ko dibale nang may masirang gamit, wag lang may masaktan na tao. Never din ako sumagot at nakipag away sknya, lahat yun sa asawa ko lang nilalabas, lahat ng issue ko. pero matigas sya, ayaw nya talaga bumukod kasi sobrang matipid din sya kaya para sknya hindi praktikal na magbukod at ayaw nya din iwan magulang nya kasi nga nag iisang anak lang sya. Yung lahay ng rason ng galit at gigil ko di ko na masabi , para too numerous to mention at too numerous to count parang pus cells lang sa Urinalysis. Napapamura nalang ako sa messenger ng friend ko at ng nanay ko. nagsisisi nadin ako bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon. wala akong peace of mind, lahat may comment sya, pagligpit ng plato, may pamahiin na bawala pag kaskasin ang kutsara at tinidor. imaginin mo kung bawat kilos mo sasabihin nya na "masama yan" "wala nman mawawala kung susundin natin". pati pag aalaga sa anak ko yung nakasanayan nya sinusunod magiging novel na to next time nlang ung iba

Magbasa pa