Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?

Parents, kasama mo ba ang mga biyenan mo sa iisang bahay? Kumusta ang relationship niyo, so far?

Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?
131 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sakin wala namang problema, nasa iisang bubong kami ng husband ko kasama in law's ko simula nung naglive in kami hanggang sa nagkababy kami, and til now sobrang bait pa din sakin ng in laws ko, lalo na si tita (mama nya) mahal na mahal kami ni baby, minsan niyayakap yakap din ako ng mom nya, lagi ako chinichismisan, minsan pag wala hubby ko pinagdadala nya ko ng food sa kwarto pati si tito, minsan sila ate (mga kapatid nya) , tapos lagi nilalambing ni tita si baby, sya pa nagiinsist na kesa kumuha ng nanny ni baby eh sya nalang daw mag alaga pag bumalik na ko sa work ko. Minsan si tita pa naglalaba ng damit namin pag di na kaya maglaba ng hubby ko kasi pagod sa work(never ako naglaba ng damit namin, asawa ko lagi, ayaw nya ko paglabahin, wala kasing tiwala sa laba ko hahaha), minsan sinasabihan ko na nga si tita na wag na labhan damit namin kasi pagod din sya, in return tumutulong ako sa gawaing bahay, lalo na sa pagluluto, favorite ni tito at tita pag ako nagluluto, madalas nagrerequest sila ng food na iluluto ko. Thankful din naman si tita kasi masipag din naman daw ako sa gawaing bahay at maasikaso kay baby at sa husband ko. 😊❀️

Magbasa pa