Jowa Mong Tinatanggi Ka

Mga sis share ko lang ha. wala kasi akong ibang mapagsabihan sa close friend and family ko dahil ayoko namang maging masama yung image ng daddy ng baby ko sakanila. Pero hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko eh. Yung bf ko kasi hindi nya ako pinanindigan pero sabi nya magsusuporta sya samin ni baby at okay naman kami, kumbaga kami pa din naman, pero ayun nga, accidentally nabuksan ko yung ginagamit nyang fb account ngayon dahil na-hacked yung main acct nya, and nabasa ko sa convo nila nung babaeng tropa nya lang daw pero umamin sakin na may feelings sya sa bf ko nung mga 2 months palang tummy ko at nalaman ko din na dating niligawan ni bf yun, pero nag explain sya at pinatawad ko naman kasi maliit na bagay lang e, ang hindi ko lang matanggap na sa twing sasabihin nung babae yung tungkol sakin na kesyo "yung asawa mo" ang sinasagot nya lagi eh wala syang asawa. Masakit kasi mga sis yung feeling na hindi kana nga pinanindigan tapos itatanggi kapa sa ibang tao. Sa tingin nyo dapat ko nabang sukuan?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mga sis ako ulit to. Update lang :< online kasi sya then sakto binuksan ko account nya syempre para hindi halata, then tagal nya ng online but hindi sya nagchachat sakin kahit to check manlang kung kumain naba kami ni baby or what pero ang nakakatawa dito e may kachat syang ibang babae and dun tinanggi nya ding may girlfriend sya. nakakaiyak lang. So ang ginawa ko chinat ko sya. Sabi ko kanina pa online hindi manlang magchat, then nagsend ulit ako ng msg saying na kumain naba kami ni baby? kamusta na kami? Kamusta maghapon namin? malikot ba si baby? Upon typing sinagot nya na yung unang chat ko sabi nya kumain kana, then sinend ko yung sarcasm chat ko, tas tinawanan lang nya, lakas tama na naman daw ako. Then mag iinom daw ata sila mamaya at nagkatay sila ng manok, cold replies na ako. Nakakawalang gana

Magbasa pa
4y ago

mas maganda ng hiwalayan monl sya, sa iyo wlaang mawawala kapag nakipag hiwalay ka sa kania nawalan n ng taong marunong umintindi nawalan p ng anak,

Grabe naman po yang bf mo mamshie. Red flags all over na po yan. Sorry to say this but according po sa mga sinabi niyo mukhang hindi na po kayo mahal ng bf mo. If mahal ka po niyan kahit hindi ka nya pakasalan ngayon eh magpapakita yan ng enthusiasm and pagka ama sa baby nya kahit nasa tyan palang. Tapos nanghaharot pa ng ibang girl. Momsh wake up call na po yan. Hindi po worth it iyakan mga ganyang klase ng lalaki. You have your baby hindi nyo po siya kailangan. Ideny nyo din po na siya yung tatay para alam niya yung feeling. Kapal ng mukha 😠

Magbasa pa
5y ago

yun nga din yung nafi-feel ko mamsh na hindi nya na talaga ako mahal. Pero everytime kasi na sasabihin ko sakanya na kung ayaw mo talaga samin okay lang naman pipilitin kong intindihin basta sabihin mo lang, hindi mo naman ako kelangang lokohin pa e. Papabayaan ko naman kasi sya kung talagang hindi pa sya ready. Ang kaso ayun nga, ayaw naman nya pero ganun naman yung ginagawa nya sakin. Ultimo pag tag ko sakanya sa fb ng sweet post inaalis nya

Naku ate same tayo na Anakan di pinanindigan at financial support lang. Ako di na ako nag habol. Ayaw ko kasi mag mukhang kawawa Sa paningin ng ibang tao. Lalo na sakanya. Haha! From the time na nalaman ko na buntis ako sya na nag bigay ng monthly needs ko for baby though may work naman ako. Pinasagot ko sakanya lahat ng expenses ko kay baby. Ngayon 10mos na baby ko. Then kinuhanan ko ng bank acct nung dec2019 monthly ko sya hinulugan. Siguro payo ko sayo maging mautak nalang tayo.

Magbasa pa

Same tayo sis, Tinanggi din kami ng daddy ng baby ko Im 6months preggy nung nalaman ko na tinatanggi nya kami ang sakit kasi ok naman kami tapos biglang ganun. Pero inisip ko yung baby ko kasi kung magpapaka stress ako yunh baby ko ang mag sasuffer kaya mas pinili ko lumayo tutal tinatanggi nya naman kami sa iba na di naman daw nya ako nabuntis at tinatanggi din nya anak ko. Inisip ko na lang kung tinanggi nya kami wala na reason para mag usap pa kami.

Magbasa pa

Itatanggi po talaga na walang asawa e hindi naman kasi po kayo kasal, pero anyways sorry for that totoo lang ako. Iwan mona sis baka wala kayong future ni baby. Ay wala talaga kaying future sa ganyan tao kung ayaw kayong tanggapin then fine hayaan mo siya di natin kailangan ng mga toxic na tao gaya niyan maging matatag kalang at kayanin mo ano man ang marinig at maramdaman mong hirap kasama yan kesa sa taong di kayang manindigan💕

Magbasa pa

Hindi mo pa yun asawa mamsh kasi d pa kau kasal. Partner cguro baka yun ang tingin nya sayo kaya itinatangi ka nya. Dont feel bad at sa sinabi mo ka na hindi ka nya paninindigan at kayo pa din payag ka nun? Ok lang sayo? Gumising ka gurl wlang buto yang lalaking yan naghahanap lang yan ng malalabasan ng init ng katawan nya. Sorry ha pero yan ang tingin ko. Hiwalayan mo na yan wla kang mapapala jan.

Magbasa pa

Financial support nalang pra may pakinabang naman sya sainyo ng baby mo. Mga ganyan lalaki hnd na pinag lalaanan ng Love,effort and time. Move on and focus ka na lang sa baby mo. Tayong mga babae hnd dpt nagmamakaawa na mahalin tayo or manglimus ng attensyon. Yamot tlaga ako sa mga ganyan lalaki eh. Kaya meron MANGLOLOKO kasi meron NAGPAPALOKO.

Magbasa pa

Girl, umalis kana jan, mas marami ka pa makikilaa na worth it pero wag naman agad agad, focus ka muna sa baby mo en kung hindi ka pa tapos sa pag aaral magaaral ka... ikaw na nga nagsabi na susuportahan nya lang kayo grab mo na yun pero wag kana bumukaka sa kanya kahit juntis kana... ang LALAKI SOBRANG TAGAL BAGO TUMANDA UTAK NYAN.

Magbasa pa
4y ago

Girl, screenshot mo lahat ng mga nakikita mo. Keep mo. Then kapag di nagsuporta yang tarantadong lalaki nayan, ipatulfo mo na. Obligasyon nya na magsuporta kahit di kayo kasal. Kasi anak nya yan at sya ang lalaki. Hayss. Nambuntis buntis sya tapos di nya kaya panagutan? San aabot ang 500 pesos nya na binibigay sayo? Vitamins mo palang para sa pagbubuntis di na yun sapat. My God. Super yuck sa mga lalaking ganyan.

Hehe mukhang may balak jowa mo dun sa Isa 😁 namali k Ng pinili. Malas lng kasi nabuntis k Niya.. anyway kuha k n lng support para sa Bata. Lesson learned siya for you. Kaya mo yan sis. Ingat n lng sa susunod. Pero technically Tama n wla siyang Asawa pero never k Niya binabanggit n may gf siya?

Let go sis.. makakahanap ka pa ng lalaking rerespeto at mamahalin ka.. wag mong isettle sarili mo sa ganyang klaseng lalaki.. Ang anak mo na lang isipin mo... Magpakatatag ka at maging inspirasyon mo sa buhay ang baby mo.. Goodluck sis.. Godbless you and your Baby.❤