Worries

long post Mga sis, Pregnant ako ngayon. Tayong mga buntis medyo emotional. Or baka ako lang yun. Yung asawa ko, Sabi niya sakin Excited na sya lumabas si baby masaya raw sya. Pero kabaliktadan naman yung naiisip ko. Naisip ko mga sis yung worst. Sa ngayon kasi wala sya work. Oo ngayon. Talagang todo alaga sya sakin all the household chores sya talaga. Kaso inisip ko pag nagwork sya. Alam mo yun magiging open sya sa tao. Natatakot ako na baka makahanap sa trabaho. Di naman sa pagyayabang. Medyo maappeal kasi ang asawa ko sa labas. May mga gestures sya na prang alam mo yun. And babaero din talaga sya nung binata. Natatakot ako mga sis. Kasi alam mo yun paano kapag dumating kami sa time na yun di ko alam pano ihandle kasi broken family kami. Natatakot ako. Tapos may anak pa kami. Ayoko ng broken family. Pero prang kapg iniisip ko ang sakit sakit na. Kasi meron sya kinwekwento sakin na tropa nya dati ksa kasama nya mambabae. Kahit may 2 anak na yun. Pag nagiinom sila meron laging babae na kasama at yun gagalawin nila yun after inuman. Masama rin kasi kapag napapabarkada tong asawa ko nahihirapan tumanggi. Iniisip ko paano kapag may baby na kami ganun. Natatakot ako mga sis sa mga possibilities, Since sobrang typical ng mga ganong problema. Di ko alam paano ko ihahandle. pag nav aadvice ako sa mga kaibign ko lagi ko sinasabi na piliin nilabg mag kaayos pra sa anak nila. kasi kawawa yung bata at ranas ko yun. Bago palang kasi kami rin ng asawa ko. October lang naging kami. Tapos ngayon buntis na ako 13weeks. Last January. Nag evacuate sila sa calaca. dahil sa taal eruption. Tapos doon nakakita sya ng babae. Parang yung tinetext or tawagan sila. that time pinapaloadan ko pa sya yun pala pinangtataawag nya lang doon. Buti nalang inosente din si girl since probinsya girl nga at focus sa studies. So wala namang nangyRi sakanila. Kasi nag myday ako gamit yung fb ng asawa ko non. Nalaman nya na may girlfriend na nga. Kaya pala daw hindi nagpapakiss sa kamay kasi alam na. But mga sis. Sobrang sakit talaga pra sakin. Kasi alam nyo yun sobra effort ko pagpunta sakanya dati lahat ng dates namin halos ako gastos. nag out of town kami ilocos and boracay ako lahat. tapos biglang ganon. Iniisip ko deserve ko ba yun sa relasyon namin. Iniisip ko naman baka karma kasi yung asawa ko ngayon. Actually may 3yrs akong bf pero pinalit ko siya. If may questions kayo okay lang gusto ko lang din may kausap.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Don’t think too much sis. Di makakabuti kay baby. Mas mabuti na iopen mo sa asawa mo lahat yan. Yung fears mo.. lahat ng iniisip mo. And from there makikita mo reactions nya. Naniniwala ako na lahat pwede magbago at kahit sino pa kasama naten tayo pa din ang gagawa ng disisyon. Kausapin mo asawa mo. Magiging okay lahat.

Magbasa pa
5y ago

Salamat sis. Super takot lang talaga ako sa mga possibilities. Parang nasira kasi yung trust ko noon sakanya. Tipong parang magkatapat kami. Sabi niya sakin noon na, Wala na. Magiging faithful na sya sakin. But then nagtaal eruption, nag evacuate sila sa calaca. Ayun may nakilala tapos fling. Sobrang nasira yung trust ko na wala akong iniisip na babae nya tapos yun pala meron. Kaya kahit medyo matagal na. Di ko maiwasan magisip. Hay 😔😔😔 ayoko rin talaga mahisip kasi masama kay baby. 😔 Pero natatskot akong mag isa. Kung mangyari yun. 😔😔😔😔

Mamsh wag praning trust your husband. Kung hndi mo yan pagtrabahoin bigyan mo nlang ng.business. at yung nangyari sa past baka iniisip nya single pa sya nung, now since married na sya matino na yan.

5y ago

Mali. Hindi siya makapagwork kasi gawa ng lockdown nga tapos di na sya tinawagan ng company uli. Since bago palang sya. Di rin makaapply at aala pholhealth pagibig. Need ng mg company ngayun complete reqs.