Nagtataka (long post ahead 😅)

Nagtataka daw yung partner ko kung sa kanya ba tong baby na dinadala ko. Sabi ko para sakin sa kanya talaga to kasi walang ibang makakabuntis sakin maliban sa kanya at alam nya yun dahil sya ang nakauna at sya lang ang lalaking nakaDO ko. Nagtataka daw sya kasi yung ex nya na 4yrs lagi daw sila magDO dahil gusto na daw nung girl magkababy eh hindi nakabuo samantalang kami na hindi pa naka1yr at halos isang beses sa isang linggo o kung minsan eh wala talagangg DO eh nakabuo na agad? Ngayon hindi ko alam bakit down na down ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi iyak ako ng iyak na hindi ko din alam bakit. nagtanong lang naman sya kasi nga nagtataka lang sya pano ako nabuntis ng ganun kabilis? Ano kaya sa tingin nyo? Bakit at para saan yung tanong nyang sa kanya ba tong baby na dinadala ko? Dahil ba nagsisisi sya na sakin nabuo yung baby nya? Dahil ba sa mahal nya padin yung ex nya? Dahil ba sa hindi pa sya ready gampanan yung pagiging daddy? Ayoko na kasi sya kausapin pa about dun kasi ayoko makita nyang umiiyak ako. Tsaka mas gusto ko yung ivoice out nya yung totoong opinion o nararamdaman nya kesa sa itago nya lang para hindi ako masaktan. BTW 7months na po ako preggy masaya at excited sya nung sinabi ko sa kanyang buntis ako lalo na nung nalaman nyang baby boy. Pero sa sinabi nya kagabi sobrang nadown ako yung iyak ko parang bata na inagawan ng candy 😔 humihikbihikbi pa. alam kong masama para kay baby pero hindi ko talaga maiwasan isipin.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka yung ex nya may deperensya hindi sya. Pero bakit nga kaya 7 months na ang baby sa tummy tas bigla na lang sya magsasabe ng ganyan? Mag usap kayo sis. Di naman pwede na sarilinin mo yan. Tsaka iisip isipin mo din lagi. Mas okay yung mag open ka sa kanya na di mo nagustuhan yung tinanung nya at bakit bigla nya naisipan un? In that way, di mo din lagi iisip isipin at mas magkakaintindihan kayo. Baka naman wala lang sa kanya yung pagsasabe nun. May mga taong makapagsalita lang din kase diba?

Magbasa pa

Mahal nya parin ex nya. Gusto nya ata sa ex nya may mabuo hindi sayo