Jowa Mong Tinatanggi Ka

Mga sis share ko lang ha. wala kasi akong ibang mapagsabihan sa close friend and family ko dahil ayoko namang maging masama yung image ng daddy ng baby ko sakanila. Pero hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko eh. Yung bf ko kasi hindi nya ako pinanindigan pero sabi nya magsusuporta sya samin ni baby at okay naman kami, kumbaga kami pa din naman, pero ayun nga, accidentally nabuksan ko yung ginagamit nyang fb account ngayon dahil na-hacked yung main acct nya, and nabasa ko sa convo nila nung babaeng tropa nya lang daw pero umamin sakin na may feelings sya sa bf ko nung mga 2 months palang tummy ko at nalaman ko din na dating niligawan ni bf yun, pero nag explain sya at pinatawad ko naman kasi maliit na bagay lang e, ang hindi ko lang matanggap na sa twing sasabihin nung babae yung tungkol sakin na kesyo "yung asawa mo" ang sinasagot nya lagi eh wala syang asawa. Masakit kasi mga sis yung feeling na hindi kana nga pinanindigan tapos itatanggi kapa sa ibang tao. Sa tingin nyo dapat ko nabang sukuan?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku ate same tayo na Anakan di pinanindigan at financial support lang. Ako di na ako nag habol. Ayaw ko kasi mag mukhang kawawa Sa paningin ng ibang tao. Lalo na sakanya. Haha! From the time na nalaman ko na buntis ako sya na nag bigay ng monthly needs ko for baby though may work naman ako. Pinasagot ko sakanya lahat ng expenses ko kay baby. Ngayon 10mos na baby ko. Then kinuhanan ko ng bank acct nung dec2019 monthly ko sya hinulugan. Siguro payo ko sayo maging mautak nalang tayo.

Magbasa pa