Jowa Mong Tinatanggi Ka

Mga sis share ko lang ha. wala kasi akong ibang mapagsabihan sa close friend and family ko dahil ayoko namang maging masama yung image ng daddy ng baby ko sakanila. Pero hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko eh. Yung bf ko kasi hindi nya ako pinanindigan pero sabi nya magsusuporta sya samin ni baby at okay naman kami, kumbaga kami pa din naman, pero ayun nga, accidentally nabuksan ko yung ginagamit nyang fb account ngayon dahil na-hacked yung main acct nya, and nabasa ko sa convo nila nung babaeng tropa nya lang daw pero umamin sakin na may feelings sya sa bf ko nung mga 2 months palang tummy ko at nalaman ko din na dating niligawan ni bf yun, pero nag explain sya at pinatawad ko naman kasi maliit na bagay lang e, ang hindi ko lang matanggap na sa twing sasabihin nung babae yung tungkol sakin na kesyo "yung asawa mo" ang sinasagot nya lagi eh wala syang asawa. Masakit kasi mga sis yung feeling na hindi kana nga pinanindigan tapos itatanggi kapa sa ibang tao. Sa tingin nyo dapat ko nabang sukuan?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mo pa yun asawa mamsh kasi d pa kau kasal. Partner cguro baka yun ang tingin nya sayo kaya itinatangi ka nya. Dont feel bad at sa sinabi mo ka na hindi ka nya paninindigan at kayo pa din payag ka nun? Ok lang sayo? Gumising ka gurl wlang buto yang lalaking yan naghahanap lang yan ng malalabasan ng init ng katawan nya. Sorry ha pero yan ang tingin ko. Hiwalayan mo na yan wla kang mapapala jan.

Magbasa pa