Jowa Mong Tinatanggi Ka

Mga sis share ko lang ha. wala kasi akong ibang mapagsabihan sa close friend and family ko dahil ayoko namang maging masama yung image ng daddy ng baby ko sakanila. Pero hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko eh. Yung bf ko kasi hindi nya ako pinanindigan pero sabi nya magsusuporta sya samin ni baby at okay naman kami, kumbaga kami pa din naman, pero ayun nga, accidentally nabuksan ko yung ginagamit nyang fb account ngayon dahil na-hacked yung main acct nya, and nabasa ko sa convo nila nung babaeng tropa nya lang daw pero umamin sakin na may feelings sya sa bf ko nung mga 2 months palang tummy ko at nalaman ko din na dating niligawan ni bf yun, pero nag explain sya at pinatawad ko naman kasi maliit na bagay lang e, ang hindi ko lang matanggap na sa twing sasabihin nung babae yung tungkol sakin na kesyo "yung asawa mo" ang sinasagot nya lagi eh wala syang asawa. Masakit kasi mga sis yung feeling na hindi kana nga pinanindigan tapos itatanggi kapa sa ibang tao. Sa tingin nyo dapat ko nabang sukuan?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Girl, umalis kana jan, mas marami ka pa makikilaa na worth it pero wag naman agad agad, focus ka muna sa baby mo en kung hindi ka pa tapos sa pag aaral magaaral ka... ikaw na nga nagsabi na susuportahan nya lang kayo grab mo na yun pero wag kana bumukaka sa kanya kahit juntis kana... ang LALAKI SOBRANG TAGAL BAGO TUMANDA UTAK NYAN.

Magbasa pa
4y ago

Girl, screenshot mo lahat ng mga nakikita mo. Keep mo. Then kapag di nagsuporta yang tarantadong lalaki nayan, ipatulfo mo na. Obligasyon nya na magsuporta kahit di kayo kasal. Kasi anak nya yan at sya ang lalaki. Hayss. Nambuntis buntis sya tapos di nya kaya panagutan? San aabot ang 500 pesos nya na binibigay sayo? Vitamins mo palang para sa pagbubuntis di na yun sapat. My God. Super yuck sa mga lalaking ganyan.