May babae po kaya asawa ko?

nung 3 months palang po yung tiyan ko, bigla nalang syang nagbago. Di kasi kami livein ng asawa ko kasi unexpected din naman pag kabuntis ko and 19 palang ako and 20 sya. Then yun nga lagi syang nagmamadali na ihatid ako pauwi samin, tapos nakamotor lang kami. Ayaw nyang gamitin sasakyan nya pag ako ung isasakay nya pero sa mga kaibigan nya sasakyan naman nya gamit nya. Sa tingin nyo po ba may babae sya? Ngayon po kasi d na nya pinapahawak phone nya and lagi nalang walang time sakin. Kahit po wala syang pasok gusto nya nasa labas parin sya tapos ako naiiwanan magisa sa bahay nila. Di lang po talaga ako makahanap ng evidence na meron sya kasi wala din ako nakikita sa fb nya na nagcocomment or nagtatag sakanya ng kahit ano.

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

my tinatago po yan, na.experience ko po yan sa ex ko, actually break na kami nun 3mons.na ng nalaman ko na 3mons.preggy na din pala ako irregular kasi mens ko kea dqu nalaman agad, sinabi ko sakanya tas willing nmn dw sya.panagutan ako kea ayun, nagbalikan kami.. gang sa nagpaalam sya na mawork daw sya ng bulacan (taga nueva ecija kami) para daw my pang.gastos kami sa panganganak ko, kea pumayag naman ako..pero ilang weeks lng na nandon sya nagbago na sya agad, walang text or call,kung di pa ako ang magcontact sakanya di pa kami makakapag.usap, mag.usap man kami lagi naman nya ako inaaway, para lng di ko sya istorbohin, gang sa umuwe sya pansin ko nun di nya na pinapahawak sakin cp nya, lagi nya rason cra daw cp nya, at nagtataka din ako nun kasi di nya ako ginagalaw, dati 2days lng na di kami nagtatabi, grabe na pananabik nya sakin, nun tym na yun wala talaga, gang sa nakahanap ako ng tyempo para makuha cp nya,,don ko nga nalaman na my 3 syang babae, at every sunday umuuwe pala sya ng nueva ecija para lng makipag.kita sa mga babae nya tapos naghohotel sila, ang dame ko pang nabasang mga dirty talks nila, pinag.uusapan nila mga ginagawa nila kapag nagsesex cla.. ung isa pa nga don na babae nya, minsan don sya umuuwe sa bahay nun..para lng sa dinadala kong bata pinatawad ko sya..kahit sobrang sakit para sakin, buntis na ako pero nagawa nya pa din un, binibigay ko naman pangangailangan nya kahit malaki na nun tyan ko, kapag gusto nya,pumapayag ako, gang sa nakalabas na baby namin di pa din sya tumigil mambabae..don nagdecide na ako mkipaghiwalay, kahit anak nya di ko na din binigyan pagkakataon na makilala sya,kac 1yr.old palang nun baby namin nung naghiwalay kami, ngayun my kanya.kanya na kaming buhay my anak na ulit sya sa iba ngayon, balita ko nagbago naman n dw sa pagiging babaero..at ako rin nakahanap naman na din ng taong tanggap at deserve ako kahit my anak na ko sa una..actually 8mons.preggy na din ako ngayon..and for 5yrs.namin ng partner ko ngayun never nya ako niloko.. kea god knows talaga kung cnu talaga para satin..😊😊 (sorry mahaba)πŸ˜…

Magbasa pa

naku sis, I've been there. Biglang nagbago, paiba iba na ng password tapos hindi na nagpaborrow ng cellphone. Until one time nahuli ko password niya, ni log in ko lahat sa account nya dun sa phone ko. Yun pala nakikipagcommunicate pa sa ex nya kung gano daw nila ka miss ang isat isa. nagprangka ako sakanya at sa mga kapatid nya hindi ko nalang sinabi sa mama nya kasi konsintidor mama nya eh. Naintindihan rin naman ako ng mga kapatid nya and I gave them heads up, Sabi ko paglabas ng baby uuwi na kami samin and makikipaghiwalay na ako sakanya kasi grabe yung disrespect nya sakin habang buntis. Ang gago gago nya talaga nakakagigil minsan sa pagtulog ko, dinadasal ko nlng na mamatay nalang sha sana kasi hinding hindi ko kayang saktan sha eh in any ways. Kahit man lang makapaglabas ako ng sama ng loob ko sakanya hindi ko magawa. Karma nalang talaga sakanya

Magbasa pa
VIP Member

Talk to him in a nice way. Ako nga live in na kami dito ako saknila nakatira, twice ko na sya nahulihan nanunuod ng porn and video ng gurl na sumasayaw ng lintek na Neneng B yan. Hahaha! Pero kinausap ko sya and ofcourse nahiya sya. Sinabihan ko ng ultimatum bilang respeto nalang din na ako ang nanay ng anak nya. Pero in a nice way ko sya kinausap tapos konting tampo hahaha talikod sa kanya. Nagsorry naman at sumuyo ayun nagrambolan hahaha. Pero I love my husband so much. Minsan kelangan lang natin itrust instincts natin at kausapin partners natin ng maayos. Communication is the key. πŸ’œ

Magbasa pa

tanungin mo siya kung may Plano ba siya pakasalan ka. seryoso pag ganun. ibig sabihin may plan magbuild ng life niya tlga sau. better if alam ng both parents ninyo kasi kung wla siya Plano panagutan ka, at least yung parents niya may Plano. better sabihin mo sa parents mo nang hindi nahihiya kasi parents mo sila. at Ikaw mismo magsabi sa parents niya or siblings niya para alam ng siblings niya Yun magsabi sa parents niya para magkaron ng Plano sa life ninyo together.

Magbasa pa
VIP Member

yung sakin mang gago nlng palpak pa ...πŸ˜‚πŸ˜‚kaya un kame pa denπŸ˜…πŸ˜…naiisip ko kase pag nawala sya san ako aasa pero ung aasahan ko hirap den pero tiis tiis nlng para sa magiging baby nmin at tsaka ayokong maging pabigat sa magulang ko kawawa nmn sila lalo na wala pa kong trabaho....hayyy kakastress talaga ...

Magbasa pa
VIP Member

Kalma sis more focus na lang muna kay baby. Mag libang ka kahit papano.. Wag mo pa bayaan sarili mo.. Si baby isipin mo.. Mag babago din yang gawain nyang ganyan lalo na kapag nakita nya na si baby :) God bless sis :) Wag mag iisip ng kung ano anu..!!! :)

Magbasa pa

d pa cya tapos sa pag bbuhay binata. pero mas ok kung pag usapan nyo about jn. para alam nya ung side mo at alam mo dn ung side nya bakit nagkakaganun sya. Ngayon lng yan sis kc buntis ka pag nakita na nya ung baby nyo ewan ko nlng kung d magbago yan 😊

2 mos ako buntis ng malaman ko meron iba partner ko. Same case. Same reasoning. Iba feeling ko eh. then biglaan ako nag check ng phone nya. Then pina iwan ko cp nya half day tapos yun nalaman ko my iba pa sya at 3 pa babae nya.

naexperienced ko yan. Siguro may lahi lang ako na detective conan kahit ano tago niya nalalaman ko hahahha. Kung sa tingin mo may iba at pakiramdam mo yan magtiwala ka sa instinct mo iba ang babae kapag nakaramdam niyan totoo

Wag mo nalang muna stressin sarili mo sa pag iisip, hindi makakabuti para kay baby. Nasa partner mo na yun kung may gnagawa syang kalokohan, sana nakokonsensya siya. Or baka hindi pa siya ready. :)