Jowa Mong Tinatanggi Ka

Mga sis share ko lang ha. wala kasi akong ibang mapagsabihan sa close friend and family ko dahil ayoko namang maging masama yung image ng daddy ng baby ko sakanila. Pero hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko eh. Yung bf ko kasi hindi nya ako pinanindigan pero sabi nya magsusuporta sya samin ni baby at okay naman kami, kumbaga kami pa din naman, pero ayun nga, accidentally nabuksan ko yung ginagamit nyang fb account ngayon dahil na-hacked yung main acct nya, and nabasa ko sa convo nila nung babaeng tropa nya lang daw pero umamin sakin na may feelings sya sa bf ko nung mga 2 months palang tummy ko at nalaman ko din na dating niligawan ni bf yun, pero nag explain sya at pinatawad ko naman kasi maliit na bagay lang e, ang hindi ko lang matanggap na sa twing sasabihin nung babae yung tungkol sakin na kesyo "yung asawa mo" ang sinasagot nya lagi eh wala syang asawa. Masakit kasi mga sis yung feeling na hindi kana nga pinanindigan tapos itatanggi kapa sa ibang tao. Sa tingin nyo dapat ko nabang sukuan?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Financial support nalang pra may pakinabang naman sya sainyo ng baby mo. Mga ganyan lalaki hnd na pinag lalaanan ng Love,effort and time. Move on and focus ka na lang sa baby mo. Tayong mga babae hnd dpt nagmamakaawa na mahalin tayo or manglimus ng attensyon. Yamot tlaga ako sa mga ganyan lalaki eh. Kaya meron MANGLOLOKO kasi meron NAGPAPALOKO.

Magbasa pa